Library
English
Chapters
Settings

Chapter 6

Nakabalik na kami sa manila after 2nights and 3days.. Kaya ito kami ngayon parang mga ita sa kaitiman.. Bwisit!.. Ito talaga pinaka ayoko.. Hayyy....

"Oh bat may itang nakapasok sa bahay natin ma?".. Bungad sakin ng kuya khail..  Pagkapasok ko ng pinto.. Tinaas ko naman ung kamao ko at inangilan siya.. Lakas din mangbuska nito eh..

Lumabas naman si mama galing kusina at may dalang mangkok ng ulam.

"Hala oo nga, sinong nagpapasok sa badjao na yan?".. Sakay din ni mama sa pang aasar sakin.. Talaga nemen...

"Ma naman".. Nakanguso at inis na tiningnan ung dalawa.. Sabay naman silang tumawa.. Nyeh nyeh..

Hinagis ko ung bag ko sa may sofa at dumiretso ng kusina..

"Anong ulam?".. Sabi ko at nagsandok na ng kanin sa plato.. Grabee ang dami kong gutom.. Napagod ako sa byahe namin galing puerto gale..

"Afritada".. Sagot ni mama habang nilalagyan ako ng ulam sa plato ko.. Sweet yan si mama samin eh, ginagawa pa din kaming baby..

"Sis, liligawan ka daw ni ian".. Sabi ni kuya..

Matic namang napataas ung kilay ko at tumingin sakanya.. "Sino nanaman yon?".. Si kuya kasi ang daming nirereto sakin.. Mag boyfriend daw ako kahit try lang.. Yuck! No way.. Kung kamukha yon ni thor pwede pa.. Ung mga binibigay naman niya kasi sakin puro mukhang ipis..

"Ung tropa ko.. Crush ka nun.. Magpahaba ka kaya ng buhok?.. Bagay naman sayo eh".. Suggest pa niya..

Pahaba?.. Summer kaya.. Mainit.. Tska Ayokong magpahaba.. Sanay na din akong laging short hair since nung highschool ako..

"Oo nga nak, try mo".. Sangayon naman ni mother dear.. Hay ayaw talaga nila akong tantanan.. Lagi naman eh.. Alam naman nilang boyish ako dati pa.. Pero never ko pang nasabi sakanila na may nakakafling akong babae... For sure naman ramdam nila yon di lang napapagusapan at wala pa akong napapakilala sakanila..

"Ayoko nga baka lalo akong gumanda".. Sabi ko nalang sabay subo.. Ang sarap talaga magluto ni mama..

"Nakita ko si jewel nung nakaraan sa mall, grabe ang ganda na niya at dalagang dalaga na".. Sabi pa ni kuya.. Dati pang crush ni kuya si maldita eh.. Kaso di naman niya madiskartihan dahil sobrang bata pa nito noon at ayaw siyang kausap..

Tinanguan ko lang siya bilang pagsang-ayon..naalala ko tuloy ung saglit naming moment nung gabi sa puerto, nung kinausap niya ko at lalo na ung pagpapaubos niya saken ng lollipop niya.. kaso kinabukasan din nun back to norml nanaman siya, di na niya ako ulit pinansin hanggang sa makauwi kami. Para din kasing asong buntot ng buntot sakanya ung bf niya,. Halatang patay na patay ang pucha.. Sabagay kung ganun naman kaganda ung jowa mo eh pagkakait mo talaga yon sa ibang tao at bantay sarado.. Ang tahimik lang niya the whole time.. Laging si JM lang ung kinakausap niya pero ako?, ni tingnan ata wala eh.. Hayy..

"Hoy? Bat natulala ka dyan?".. Siko saken ni kuya.. Umiling lang ako at Pinagpatuloy ko ang pag-nguya..

.

.

"Ang tagal naman nila pat.. Saan ba daw sila pupunta?"..inip kong tanong kay pau.. Nakakainis kasi pinapunta punta ako dito tapos sila naman pala tong wala..

"Baka nag mot-mot".. Bulong naman ni paula sakin.. Natawa tuloy ako sabay hampas sakanya ng unan na nasa sofa..

"Uuwi na nga ako".. Tumayo na ko pero bigla namang hinaklas ni pau ung laylayan ng damit ko..

"Uyy, masisira naman ung tshirt ko sayo eh".. Reklamo ko pa..

"Haha..mamaya ka na umuwi, hintayin na natin sila..".. Pigil naman niya sakin habang may katext sa phone niya.. Wala naman akong nagawa kundi maghintay sa magjowang gala..

Narinig naming may pumasok sa gate.. Baka sila pat na yon.. Sabay kaming napalingon sa dumating.. Si jewel pala at si JM.. Nagtatawanan pa sila.. Napansin ko agad ung bouquet sunflower na hawak ni jewel.. Napatingin sila samin.

"Good evening ate pat, xiel".. Bati ni JM.. Sabay naman kaming tumango ni pau..

"Kumain na ba kayo?".. Tanong ni pau..

"Yes te nagdinner na kami"..

"Ate pau, may dala kaming food.. May salad at clubhouse sandwich oh".. Abot naman samin ni JM.. Wow clubhouse sandwich.. Favorite ko yon ah?..

"Salamat.. Anong meron at may pa salad at sandwich?".. Tanong ni pau habang lumalamon ng salad..

"Anniversary po kasi namin ni jewel eh"..masayang sabi pa ni JM..

Bigla naman akong nawalan ng ganang kumain.. Anniversary pala.. Tumayo muna ako at pumunta ng kusina para ilagay sa plato ung sandwich at fries na mukhang hindi naman masarap.. Tseh!.. Ang bitter lang teh?..

Naghugas muna ako ng kamay.. Di ko alam kung anong pinaglalaban ko at nawala ako sa mood.. Pagkaharap ko nagulat ako ng makita si jewel habang nakatalikod at inaayos ung pagkain.. Di ko man lang kasi naramdaman ung presinsya niya..

Nakita kong hinihiwalay niya ung tomatoes sa tinapay at binawasan ung mayo.. Tska inayos ulit at nilapit ung plato sakin.. Napakunot noo naman ako..

"Here".. Sabi niya..

"H-ha?"..

Pinaikutan nanaman niya ko ng mata at bored na tumingin sakin..

"Kainin mo yan".. Pautos na sabi niya pa bago ako tinalikuran pabalik sa sala.. Hanep sa exit ni ateng ah?..

Tinitigan ko ung sandwich sa harap ko At di ko mapigilang mapangiti.. Di kasi ako kumakain ng kamatis at nauumay ako agad sa mayonaise.. Paano nalaman ni jewel ang mga impormasyong yon?.. Hmmm.. Napaisip tuloy ako bigla.. Napaka observant lang siguro niya?.. Kinuha ko ung cp ko at pinicturan ung sandwich na prenipare ni maldita..

"Hoy dre, anong ginagawa mo dyan?.. May papicture picture ka pa".. Si pat.. Nagulat pa ako at muntik ng mabitawan ung cp ko...

"Wow sarap naman nito".. Sabi pa niya at walang pakundangang kinuha ung pagkain ko.. Mabilis pa sa alas kuwatro ng inagaw ko sa kamay niya ung tinapay.. Sakin kaya yon!

Nag agawan pa kami at nagkanda hulog-hulog na ung palaman sa sahig..

"Akin yan. Wag mong kainin".. Banta ko sakanya..

"Grabe ang damot mo naman para sandwich lang eh".. Iwas ni pat sa hawak niyang sandwich..

"Ung isa ung kainin mo wag yan!".. Sigaw ko naman habang di pa din gumigive up sa pag agaw nung mahiwagang sandwich.. Naghabulan at nag-agawan pa kami..

"Hoy mga abnormal, ano ba yang pinag-aagawan niyo ha?".. Nakapameywang tanong ni pau kasama si ellen..

"Akin na kasi sabi eh!"..sigaw ko pa..

"Napakadamot mo din eh, ano bang meron tong sandwich at G na G ka dyan?".. Himutok din ni pat..

"Magsitigil nga kayong dalawa.. Meron pa ditong sandwich oh, bat pinag-aagawan niyo pa yan?".. Awat ni ellen samin..

Huminto din si pat at binitawan na din ung hawak niya.. Durog durog na ampucha!..pano ko pa toh makakain tsk!.. Nauna na silang bumalik sa sala habang ako ito namomoblema kung pano ko kakain ung lantutay at durog na tinapay, nalaglag pa ung ibang palaman hay!..

Pagkabalik ko sa sala nakatingin sila sakin lahat.. Problema nila?..

"Oh ano naubos mo na ung pinagdadamot mong sandwich?".. Pang asar na tanong ni pat habang kumakain ng fries.. Eh kung tinatadyakan kaya kita?..

"Tigilan mo ko"..masungit na sagot ko.. Umupo ako malayo sa kinauupuan nila.. Magsama sama sila don bwisit!..

"Anong inaarte mo dyan?".. Napaangat ako ng tingin sa nagsalita.. Si jewel na nakacrossed arm pa..

Napakunot noo naman ako.. Napatingin siya sa sandwich na hawak kong luray luray..

"Stupid".. Rinig kong bulong niya..

"Anong sabi mo?".. Protesta ko..

"I said dont eat it na, its so disgusting na oh".. Tukoy niya sa sandwich ko.. Pake mo ba?..

"Maka disgusting ka naman dyan"..

"Tss.. Wag mo na kasing ipilit ung hindi na pwede".. Sabi pa niya.. Ano raw?.. May paghugot pa si ate girl?..

"Pwede pa nama------".. Di ko na natapos ung sasabihin ko ng tinalikuran na niya ako at bumalik kung nasaan sila pat.. Bwisit!.. Napatitig nalang ako sa hawak ko..

Itatapon ko na ba 'to or kakain ko pa? Ngayon lang ata ako nastress sa pagkain..Nawalan na ako ng gana at napasulyap kay Jewel na masayang kausap si JM..

Happy anniversary na lang sa inyo. Bulong ko.

.

.

.

Download the app now to receive the reward
Scan the QR code to download Hinovel App.