Chapter 7
?Sino ang iibigin ko, ikaw ba na pangarap ko, oh siya bang kumakatok sa puso ko.... ohhh?.. Ngawa ni paula... di ako magtataka kung bigla nalang kaming batuhin ng kapitbahay nila eh.. Feel na feel niya pa kasi ung pagbirit sintunado naman.. Pwedeng pwede siyang sumali sa i can see your voice, kikita pa siya don..
?Mahal ko oh mahal ako?...Napatingin naman ako kay pau na umiiyak na ngayon at sumisinghot singhot pa..
"Oh anyari sayo friend?".. Sabay hagod ko ng likod niya..
"Huhuhu.. Walangyang jackie yon, kung kelan ko siya pinili tska ako iniwan".. Hikbing sabi niya.. Opo isa din siyang bumaliko, dati straight toh eh, nagulat nalang kami ng mafall siya sa isang girl kasi may bf din siya... Taray diba?..
"Ayos lang yan, ganun talaga baka di siya worth it".. Pag aalo ko sakanya.. Kinuha niya ung tequila at diretsong nilagok ito..
"Mahal ko na siya xiel eh.. Nakipag break ako kay jonathan para sakanya kahit matagal na kami nun".. Hagulgol pa niya.. Mukhang tinamaan nga..
Tumagay siya ulit ng alak at ininom ito.. "Hoy hinay hinay sa pag inom, di yan solusyon sa problema mo"..awat ko..mukha na kasi siyang natukhang eh.. Ang lalim ng mata at nagkalat na din ung eyeliner niya..
"Wag mo nga akong pigilan, magwalwal nalang tayo".. Sabi pa niya habang umiiyak.. Binigyan ko naman siya ng tissue bago pa kumalat ung luha niya at sipon.. Eww.. Sinabayan ko nalang din siya sa trip niya kahit mababa ung tolerance ko sa alak..
"Grabee rinig na rinig namin ung pagtutula mo sa labas ng gate palang paulina"... Bungad ni ellen kasama si pat.. San nanaman kaya gumala ang lovers na toh..
"Bumibirit ako tanga, tula ka dyan".. Sagot naman nito. Halatang may amats na.. "Oh shot kesa tumalak ka dyan"..
Inabot naman ni ellen ung shot glass ng tequila.. Shomat din si pat..
Nakalahati na namin ung bote ng jose cuervo ng dumating si jewel.. Ang cute niya talaga kapag nakauniform..
"Oh wel tara dito shot ka".. Yaya ni pau na bangag..
"You guys are drinking again".. Simangot naman niya at isa isa kaming tiningnan. Sabay taas naman ng kilay niya ng nagtama ung mata namin. Problema mo?..
"Dali na, saluhan mo ang ate mong broken hearted"..parang maiiyak ung tono ng boses ni pau..
Umirap pa muna siya bago inabot ung shot glass at sabay tungga nito at kinuha ung lemon na may salt.. Umiinom din pala siya?.. Hmmm..
"Break na kayo ni athan?".. Tanong nito at tumabi na kay pau..
"Oo break na kami ng gunggong na yon, mas mahal ko si jackie eh kaso iniwan naman ako".. Walang kagatol gatol na sabi pa nito..
"What?!..you mean a girl?".. Confused na tanong ni jewel na akala mo nakasaganap ng tsismis na di ka tanggap tanggap..
"Malamang. May jackie bang lalaki?.. Ay meron pala si jacki chan bwahahaa".. Parang baliw na sagot ni pau.. Siya lang natawa sa joke niya habang nagkatinginan kami.. Grabe na talaga tama nito..
"OMG ate, you're one of the clan also?"..di makapaniwalang kumento niya at tumingin nanaman siya sa amin..."arrghhh i can't believe this is happening".. Iling iling pa siya..
"What?.. This is an open country, so?".. Sagot naman ni pau.. Cge iangat mo ang bandera ng LGBT.. Tahimik lang kami habang nakikinig sa debate nung magkapatid.. English din kasi eh, di kami makasabay..
"You know what little sister, if you love someone it doesn't matter if he or she basta kapag tinamaan ka ni kupido di mo na mapipigilan yon"..paliwanag pa ni pau.. Clap clap..
Tumirik naman ung mata ni jewel halatang di sangayon sa sinasabi ni paula.. Homophobic ang gaga..
"Whatever".. Mataray at ismid naman ng maldita..
Tinuloy naman namin ang pagvivideoke at pag inom kahit may mga tama na kami dahil na rin siguro sa alak na ininom namin... Bumili pa kasi sila ng mojito, pangbanlaw daw.. Mukhang gagapang kami pauwi nito..
"Anak ng tokwa naman xiel oh, wag mo kaming tulugan".. Yugyog sa balikat ko ni ellen na mukhang antok na ung itsura.. Napapapikit na kasi ako dito sa sofa.. Nakakalahati palang namin ung mojito at balak pa ata nilang ubusin.. oh no!..
"Napakabagal naman kasi ng tagay niyo, more chika more fun kayo eh".. Reklamo ko.. Paano inuugat na ung tagay kay pat..mas madami kasing lambingan kesa kwentuhan eh.. At ayon si paula kanina pa may kausap sa selpon niya.. Si jackie ata.. Anak ng patola talaga..
Nakita ko si jewel na naglalakad papuntang kusina.. Ang sexy nanaman ng suot niya.. Nakashort shorts na gray tas naka sandong puti habang naka messy bun ang buhok.. Gondoo ng lola mo..
Tumayo ako para kumuha ng pulutan sa kusina.. Nakita ko siyang nakatayo habang nagpapalaman ng peanut butter sa tinapay.. Napatingin din siya sakin.. Wala kaming kibuan habang naglalagay ako ng mani sa platito..
"Gusto mo?".. Wala sa wisyong alok ko..
"Ayoko nakakapimples yan".. Tanggi niya habang kumakain ng tinapay..
Ang arte talaga.. "Eh yang palaman mong peanut butter, mani din naman yan ah".. Di ko alam kung anong pinaglalaban ko sa mga oras na toh.. Gusto ko lang talaga siyang asarin..
NaKita ko naman ang pag-arko ng kilay niya at mataray na tumingin sakin.. "So?.. Hinihingi ko ba ung opinyon mo?"..malditang sagot niya.. Aba aba!.. Lakas loob naman akong Lumapit sakanya..
"Alam mo ikaw napakataray mo sa akin. Inaano ba kita ha?".. Mejo maangas ko pang sabi habang titig na titig sakanya.. Napaatras naman siya..
"Dont you dare come near me".. Banta niya pa.. Napangisi naman ako habang papalapit pa sakanya.. Sorry matigas ang ulo ko ngayon eh.. Epekto narin ng alak sa katawan ko..
Nacorner na siya sa may gilid kaya wala na siyang aatrasan.. Lalo akong napangiti, mukha naman siyang di mapakali at walang magawa.. Naamoy ko na ung pamilyar niyang pabango.. Sobrang lapit na namin sa isa't isa..
Nilapit ko na ung mukha ko sakanya at bumaba ung tingin ko sa mapupula niyang labi.. Shit ang sarap sigurong halikan nito..
Palapit pa ako ng palapit..... Ituu na talagaa...
"Hmm..ang sarap......ng sandwich mo".. Sabi ko after kong kumagat sa tinapay na hawak niya.. Ung itsura naman niyang nagulat sa ginawa ko at mejo nakabuka pa ung bibig niya.. Gusto kong tumawa sa reaksyon ng mukha niya...
"Damn you!..." Singhal niya sakin nung mahimasmasan na siya sabay bato sa akin nung tinapay na kinagatan ko.. Napansin ko din ung pagpula ng pisngi niya..
"Bakit ka nagbablush?.." tukso ko pa sakanya habang nakangiti.. Sarap niyang asarin promise..bwahahah..
"Pwede ba wag mo na akong kakausapin..".. Nanggagalaiting sabi pa niya.. Nginitian ko lang siya kaya siguro lalong nabwisit..
Padabog siyang naglakad sabay talikod.. Natatawa na talaga ako, pinipigilan ko lang baka ung oventoaster naman nila ung ibato sakin ni maldita eh.. mahirap na.. Atleast nakaganti na ko sakanya..
Nabangga niya pa si paula sa balikat.. "Aray naman".. Reklamo ni pau habang himas ung balikat niyang nabangga ni jewel.. Tiningnan lang siya nito.. "Wala bang sorry? at bakit nakamangot nanaman yang mukha mo?".. Puna nito.. "Nag aasaran nanaman kayo noh?".. Dudang tanong niya sabay tingin sakin.. Inosenteng Ngumiti lang ako..
Lumingon naman sakin si jewel at sinamaan ako ng tingin.. Lalo tuloy sumingkit ung mata..
"Naku naku.. Dyan nagsisimula yan ah.. The more you hate the more you love".. Tirada pa ni paula at maharot na Sinundot sa tagiliran si jewel.. Inis naman nitong hinawi ung kamay ni pau.. Pikon na po siya..
"The nerve ate.. It wont happen.. Never!".. Matigas na sagot niya at tumingin nanaman sakin ng pagkatalim talim.. GG lang?.. Medyo nasaktan naman ako sa sinabi niya.. Oo alam ko namang straight siya at di ko din maimagine na papatol siya sa akin.. Like what the **** diba?.. Ang gusto ko lang naman ung maging okay kami....bilang magkaibigan..
"Oy okay ka lang?.. Hayaan mo na si bunso, bilog nanaman siguro ung buwan kaya may sapi"..
Tumango ako at ngumiti..ung di abot sa mata.. Hirap pala magfake smile noh?.. Hayy..
.
.
.
