Library
English
Chapters
Settings

Chapter 5

"Si jane pala".. Pakilala ko sakanila.. Nagkita kita kami sa mall.. monthsary kasi nila pat at ellen.. Naginvite para icelebrate.. May ganun ganun pa..

"Hi".. Bati naman nila dito at nakipag shake hands..

"So anong gayuma ang pinainom sayo nitong si xiel?".. Panimula ni pau.. Nandito kami sa coffee shop..

Natawa si jane bago nagsalita.. "She's sweet kasi and maeffort"..

Sabay sabay silang tumingin saken at parang duda pa sa sinabi ni jane..

"Sweet at maeeffort?.. Di nga xiel?".. Nakakalokong tanong ni ellen.. Ito na po sila.. Tumitirada na.. Di ako magugulat kung mag walk out toh si jane mamaya eh..

"Oh anong problema niyo?".. Mataray kong sabi sa mga abnormal.. Lakas kasi makabully eh.. Manlalaglag pa ata.. Naghagikgikan naman sila..

"Basta jane sumbong mo samin kapag may ginawa sayo tong di kaaya aya ah?.. Kami na bubugbog".. Sigang sabi ni pat.. Sabay pakita ng muscle sa braso.. Patpatin naman..

Napangiti lang si jane at humawak sa kamay ko.. Nginitian ko din siya.. Ang sweet niya talaga.. Isa toh sa nagustuhan ko sakanya..

"Oh andyan na pala sa jewel eh".. Turo ni pau.. Kinakawayan si maldita.. Bakit pa nila pinasunod?.. Bigla akong naging uneasy. Di ako kumportable kapag nasa paligid siya eh.. Nakita niya kami at naglakad na palapit samin.. Katapat ko siya sa mesa kaya lalo akong naiilang.. Anubayaan..

"Si jane pala gf ni xiel".. Pakilala ni pat.. Tumingin muna siya samin at tipid na ngumiti at tango kay jane..

Habang nagkkwentuhan kami nakapulupot sa braso ko si jane at nakahilig ung ulo sa balikat ko.. Sobrang clingy.. Napapasulyap ako kay maldita na bored nanaman ung itsura habang umiinom ng frap at tinutusok tusok ung cake niya. Tahimik pa din.. Lagi naman siyang ganyan parang laging may sariling mundo..

"Saan pala si JM?.. Di kayo nagkita?".. Tanong ni pau..

"May practice sa basketball"..

"Ahh.. Iinvite mo pag natuloy ung swimming natin sa puerto gallera, matagal ng plano yon eh.. Ituloy na natin guys".. Lambing ni pau samin.. Nagkatinginan muna kami..

"Oh siya ituloy na yan, long weekend naman next week eh tska habang summer pa gumora na tayo".. Excited na sabi ni ellen..

Kami nalang ni pat ang di kumikibo.. Parang nakakatamad kasi tapos iitim pa kami nun.. Ang hirap kayang magpaputi tsk!..

"Sige tuloy na ah?.. Wala ng atrasan.. Papabooked na ko".. Si pau.. Anak ng!.. Di pa nga kami umoo ni pat.. Tss!..

"Hoy kayong dalawa sumama kayo ah?.. Duro niya ng tinidor samin ni pat.. "Jane sama ka na din para di na makaback out tong si xiel.. Ubod pa naman ng tamad yan sa mga lakad na ganito"..

"Sure sige".. Nakangiting sagot ni jane.. Naku patay na!..

.

.

"Anong oras na!".. Panenermon ni pau sakin.. Sinundo kasi nila ako dito sa bahay.. Ako ung late eh.. Di kasi nag alarm ung cellphone ko.. Mabilisang ligo at bihis na nga ginawa ko.. Buti nalang nakapag impake na ko kagabi.

"Kahit kelan ka talaga xiel wala ka pa ding pagbabago tsk!. Paimportante".. Naku ayan na po si paula.. G na G sakin ang gaga.. Eh anong magagawa ko sa di ako nagising eh..duh!..

"Wag ka ngang mageskandalo pau, magigising sayo sila mama eh".. Paano naman kasi 5am palang nagtatatalak na tong isa dito sa bahay..

"Bilisan mo na, anong oras na tayo makakarating sa batangas.. Maiiwan tayo ng bangka"..

"Bakit isa lang ba ung bangka don?.. OA mo din eh"... Inis na sagot ko.. Nagpaalam muna ako kela mama at sa kuya kong nananaginip pa ata..

Nag-aabang ung pulang innova na kotse nila pat sa labas ng gate, sa terminal nalang kami magkikita ni jane hahatid siya ng tito niya. Nalate din ng gising, pano 2:30am na ata kami natulog dahil sa kakachat at videocall..Pumasok na kami sa loob, Nakita ko si jewel na nakapikit at my earphones sa tenga.. Wala ata ung bf niya?.. Baka susunod nalang din.. Nasa likod sila lahat magkakatabi, so dito ako sa tabi ni jewel talaga?.. Dito lang kasi ung maluwag eh.

"Utang na loob xiel umupo kana".. Halatang nagtitimpi sa inis si pau. Dahan dahan naman akong umupo sa tabi ni maldita, baka kasi magising at biglang bumaba ng kotse pag nalaman na katabi niya ko.. Ewan ko ba sa babaeng toh, allergic saken..

Smooth naman ung byahe, walang  trafic kasi maaga pa at saturday naman ngayon.. Inaantok ako, napansin kong napasandal na sa balikat ko si jewel, mukhang ang lalim ng tulog eh.. Naamoy ko nanaman ung sweet scent perfume niya.. Hinayaan ko nalang siyang sumandal sakin inaantok din ako eh..

.

.

"Nandito na tayo".. Tapik samin ni ellen.. Sabay naman kaming nagising ni jewel at halatang nagulat nung nakitang nakasandal siya sakin at katabi niya ko.. Parang nahihiyang ewan.. nanlaki ung mata eh at sabay kuha ng bag niya.. Bumaba na kami ng kotse at natanaw agad namin si jane at andon na din ung bf ni jewel.. Yumakap naman agad sakanya si JM.. Akala mo naman galing ibang bansa makayakapan eh tss!.. Nakangiting lumapit naman sakin si jane at humawak agad sa braso ko.. Kinuha ko na din ung bag niya, ako na nagbitbit..

Sumakay na kami ng bangka, 1hr din ung byahe bago makarating sa beach.. Mahiluhin pa naman ako, ang alon kasi tsk!.. Kaya ayoko ng tumatawid sa dagat.. Ang dami dami naman kasing malalapit na beaches na di na sumasakay ng bangka!..

"Baby okay ka lang?".. Alalang tanong ni jane..

"Nahihilo ako".. Sinandal ko ung ulo ko..

"Here may candy ako, kainin mo para di ka masuka".. Offer nito.. Kinuha ko naman at kinain.. Napansin kong nakatingin si jewel samin.. Nakasandal ung ulo niya sa balikat ni JM at magkaholding hands sila.. Ang sweet ah?.. Oh edi sila na..

Bigla din akong hinawakan sa kamay ni jane kaya napalingon ako sakanya tska sinandal ung ulo ko sa balikat niya sabay sulyap kay jewel na nakatingin pa din pala samin.. Akala mo kayo lang sweet ah?.. Bleh!..

After 600yrs nakarating na din kami.. Mejo nahihilo pa din ako.. Dumiretso kami sa room namin.. Bale 2 bedrooms na malalaki at my bed din sa may lapag na pwedeng ipasok sa ilalim.. Di daw kasi pwedeng magtabi si jewel at JM eh kaya for sure don matutulog ung bf niya.. Buti nga sakanila.. Bwahahah..

"Tara kumain muna tayo bago magtampisaw sa dagat".. Sabi ni ellen habang inaayos na ung mga pagkaing dala namin.. Tumulong na din kaming ilabas sa mesa para don na kumain..

Nagshare na kami ni jane sa plato habang hinihimayan siya ng manok..

"Thank you by.. Kain ka na din".. Sabi ni jane.. Napatingin ako kela jewel na ang hinhin kung kumain.. Wala pa ding pinagbago..ang lamya talaga nito kumilos habang ung bf niya parang walang paki at maganang maganang kumain..

"Babe, tapos ka ng kumain?".. Takang tanong ni JM.. Napansin niya atang nakatitig lang toh sa plato niya..

"Yeah im done na"..

Napatingin naman ako sa plato ni jewel, mahilig siya sa mabuto na part ng manok pero di marunong magpapak.. Ang dami pang laman eh. Sayang naman..

"Ahh okay, kainin mo nalang tong pinya".. Sabay lagay nito sa plato..

"Ayoko nyan".. Tanggi nito..

Di kasi siya mahilig sa maasim.. Nung mga bata pa kami ayaw niya ng manggang hilaw,indian mango ung favorite niya kasi matamis..

Parang napahiya ung mukha ni JM at patay malisya nalang ito.. Halatang marami pa siyang di alam kay jewel.. Tsk tsk..kawawang JM..

.

.

"Ang sarap ng tubig woooah".. Sigaw ni ellen na akala mo first time makaligo ng dagat. Napatingin tuloy sakanya ung ibang naliligo.. Naka 2pc sila ni paula, ang gaganda naman kasi ng katawan nila kaya may K silang magsuot ng ganun.. Si maldita naman naka 1pc lang. Makukurot siya sa singit ng ate niya kalag nag 2pc siya panigurado..

Kami ni pat naka rushguard at naka short.. Si JM?.. Ayon naka boardshorts at halatang pinagmamayabang ung Abs niya.. May abs din naman ako eh.. Mahilig kasi akong mag work out kahit hindi halata.. At syempre ung baby ko na si jane?.. Naka 1pc lang din at naka maikling short.. Pareho silang makinis ni jewel.. May lahing chinese kasi si jane kaya iba din ung natural na puti niya.. Sa jewel mamula mula ung kutis dahil na rin siguro sa dami niyang lahi.. Korean, american filipino ba naman eh. Pinakyaw lahat.. Kaya ang ganda ding babae.. Suplada at nuknukan din ng sungit..

Mga ilang oras din kaming nagtatampisaw sa dagat ng mapagpasyahan nilang umahon na.. Nagbanlaw na kami at nagbihis dahil pagabi na din at lumalamig na ung simoy ng hangin.. Tumambay kami sa may buhanginan at don nilatag ung alak at pulutan..

"Xiel, naalala mo ung mga bata pa tayo, ang galing mo sa tumbang preso".. Sabi ni pat.. Naalala ko nga yon eh tas ang laging taya si jewel..

"Oo hahaha.. Nakakamiss nga maglaro ng ganun eh.. Tas ung chinese garter din".. Napatingin ako kay jewel.. Naalala din kaya niya na ako lagi nagsasave sakanya nun kasi siya lagi ung baby at ako ung mother hahaha.. Paano lagi siyang natataya dahil nahihirapan na siyang tumalon kapag mataas na.. Siya kasi ung pinakamaliit at bata sa grupo..

"Naku, lagi mong sinasalba si jewel nun .. Kayo ni pau ung magaling don eh".. Sabi pa ni pat..

Nagkatawanan naman kami habang si jewel eh nakatingin lang at nagtama ung mata namin.. Ako na ung umiwas agad ng tingin..

"Naglalaro ka pala ng ganun dati babe?".. Natatawang tanong ni JM..

Umikot muna ung mata niya at halatang nairita sa tanong nito..

"Yeah.. I have no choice lagi nila akong sinasali dahil kulang sila"..

"Siya din ung laging kawawa at taya bwahaha".. Asar ni pau kay jewel.. Kaya   Sinimangutan naman siya nito.. Halatang di kumportable sa usapan.. Ako naman nageenjoy sa topic.. Nakakamiss kasi talaga.. Lalo na ung okay pa kami ni jewel, ung kinakausap pa niya ako at naasar asar ko pa siya at napapaiyak.. Ung batang jewel... Bigla tuloy ako nakaramdam ng lungkot..

"Dre, naalala mo pa nung nagbahay bahayan tayo?, binigyan mo ng singsing na gawa sa straw si jewel?".. Sabay halakhak ni pat..

Oppss... Biglang natahimik ang lahat at lahat sila nakatingin sakin.. Nahuli ko din ung pagsulyap ni jewel.. Nakakahiya! Badtrip!.. Pinandilatan ko ng mata si pat para tumigil na.. Parang ang awkward kasi kahit wala namang meaning yon dahil mga bata pa kami..

"Cheers!..."kampay ni paula.. Basag na din sa awkward moments... Lahat kami tinaas ung hawak naming alak..

12:30am na din kaming natapos sa pagdadaldalan, pumasok na kami sa kwarto dahil antok na din daw sila.. Katabi ko si jane sa kama, si pat at ellen naman sa ibabang kama.. Sa kabila naman si jewel at pau, at sa baba nila si JM.. Mabilis na nakatulog si jane dala na din siguro sa pagod.. Tumingin ako sa paligid, tahimik na at mukhang tulog na sila, samantalang ako di dalawin ng antok.. nakakainis!..

Dahan dahan akong tumayo para magpahangin saglit sa labas nagbabakasakaling makakita ng syokoy at sirena sa dagat..

Malamig na hangin ang sumalubong sakin, nakajacket naman ako at umupo kung saan kami nakapwesto kanina sa buhanginan.. Tumingin tingin ako sa paligid, may mga naliligo pa din habang may naglalambingan.. Alive pa din ang mga tao, may mini bar din kasi sa gawing dulo kaya siguro madami pa ding pakalat kalat..

"You cant sleep?"..

Nagulat ako sa nagsalita at napalingon ako....si jewel... Gising pa pala siya?..

"Ahm.. Oo.. Kaya nagpahangin muna ako dito.. Ikaw?".. Tanong ko din.. Umupo na din siya sa may buhanginan mejo malapit sakin..

"Di din ako makatulog".. Sagot niya habang nakatanaw sa dagat.. Palihim ko siyang pinagmasdan habang hinahangin hangin ung buhok niya.. kahit nakaside-view tong babaeng toh ang ganda ganda pa din.. Maamo kasi ung mukha niya, kabaliktaran nga lang sa ugali niya ngayon..

"Its rude to stare".. Sabi niya habang nakatingin pa din sa dagat..  Mabilis naman akong napatingin sa ibang direksyon.. Shete nakakahiya..

Saglit na katahimikan... May kinapa ako sa bulsa ko.. Isang chupachups na lollipop at inabot sakanya..

Tiningnan niya muna ito.... Kinuha din naman niya, akala ko dedmakels nanaman siya eh..

"Bakit mo ako binigyan ng singsing dati?".. Tanong niya..

Muntik naman akong masamid sa tanong niya.. Di ako prepared mga beks..

"H-huh?"... Kunwaring maang kong tanong..

Lumingon siya saken... "Ung singsing na gawa sa straw"..

"Ahh.. Y-yon ba?.. Ahm... Sign of friendship".. Medyo nabubulol ko pang sagot.. Grabe kasi ung kaba sa dibdib ko sa di malamang dahilan..

"Friendship huh".. Dudang kumento niya habang nakatanaw sa langit..napatingin na din tuloy ako dito.. Ang daming stars..

"Hmmm..".. Tanging nasagot ko sakanya.. Napansin kong giniginaw na siya kaya tinanggal ko na ung jacket ko at sinukbit sa balikat niya.. Nagulat siya sa ginawa ko at napalingon saken..

........Silence....

"Sayo na, ayoko na eh".. Sabay abot ng lollipop niya.. Napatanga naman ako at nagulat habang nakatitig lang sa lolipop na nakalahad saken..

Kinuha ko na din ito at tumayo na siya sabay pagpag ng short niya..

"Gudnight yeye.. Thank you".. Mahina at halos pabulong niyang sabi at tuluyan ng naglakad papasok sa room namin.. Habang ako nakatulala pa din sa mga nangyari at napatitig sa lollipop ni jewel... Nung mga bata pa kami ako taga ubos sa ng lollipop niya kapag di na niya kayang ubusin.. Ganun pa din pala siya hanggang ngayon.. Napangiti naman ako habang napapailing sabay subo nito..

.

.

.

Download the app now to receive the reward
Scan the QR code to download Hinovel App.