Chapter 4
"Witwiw".. Rinig naming sipol nung tambay sa tindahan.. Mga mukha namang galunggong.. Tiningnan ko ung sinisipulan nila.. Si maldita pala.. Naka blue na skirt siya at puting uniform.. Diretso lang ung tingin at walang pakialam sa paligid niya. Sanay na sigurong pinagpapantasyahan ng mga tambay.. Nandito kami sa labas ng gate nila ellen..
Wala pa kasi si elenita, bukas pa daw ang uwi galing pampanga.. 1week na ata sila don kaya araw araw din nakatambay si pat dito kela ellen.. Sila na din pala.. At syempre di pwedeng malaman ni elenita baka biglang magwala yon.. Di kasi siya boto kay pat dahil babae daw ito tska wala naman daw mapapala ung anak niya kay pat..
"Oh wel, anjan ka na pala. kumain ka na ba?".. Tanong ni ellen..
"Nuh.. But im still full".. Tipid na ngiti nito.. Ni hindi man lang kami tiningnan..papasok na siya ng gate.
"May ulam don, kainin mo kapag nagutom ka".. Habol ni ellen..
"Thanks".. Sagot nito..
"Salamat pala sa sinigang ah?".. Sabi ni ellen saken... Opo ako ung nagluto. Himala diba?.. Pacham lang.. Pachamba.. Nagdecide silang pumasok sa bahay nila jewel para makinood lang ng netflix..
"Lika na dre, pasok tayo".. Yaya ni pat..
"Di na pauwi na din ako eh. Paki kuha nalang sa loob ung tupperware".. Ung pinaglagyan ko ng sinigang kanina..
"Ehh..ikaw na kumuha sa loob, nang uutos ka pa eh"..tanggi naman nito.. Ayoko ngang pumasok don at masisira lang ung araw ko..
"Ayoko ngang pumaso----".. Bigla naman akong hinila ni pat sa loob ng bahay.. Nyeta lang..
Inis kong inayos ung t-shirt na suot ko dahil nagusot sa paghablot saken ng abnormal na toh.. Nakita kong nasa kitchen si jewel habang tinitikman ata ung luto ko.. Di din naman niya alam na ako nagluto nun.. Nasa sala lang kami at seryosong nanonood ng series..
"Te, thanks sa niluto mong.. nilaga ba yon?".. Rinig kong sabi ni maldita..
At anong nilagang pinagsasabi niya?.. Sinigang kaya yon! SINIGANG..
Narinig ko namang ung paghagikgik nung dalawa samantalang ako di na mapinta ung itsura ko ngayon..
Maang naman siyang nakatingin sa dalawa halatang naguguluhan at nagtataka..
"Sinigang yon wel, lasa bang nilaga?".. Nagpipigil na tawa ni ellen..
"Oh.. I thought nilaga eh"..
"Luto yon ni xiel".. Sabat naman ni pat.. Pinalandakan pa talaga?!.. Mamaya toh saken..
Napasulyap naman siya saken.. At bumulong "ah kaya pala".. Kala niya di ko narinig..
Anong kaya pala?..kaya palpak nanaman?..lagi nalang talaga..
Tumayo na ako at kinuha sa kusina ung tupperware, di ko na hinugasan dahil nagmamadali na akong umalis dahil sa kahihiyan..
"Oh uuwi ka na?".. Tanong ni ellen bago ako makalabas ng pinto.. Di ko na din sila tinapunan ng tingin..
"Malamang"..pabalang kong sagot..naiinis kasi ako..
"Hoy dre,masarap ung luto mo promise".. Habol na sigaw ni pat bago ako makahakbang papalabas..
Masarap daw?... Suss.. Wag ako..
"Diba wel masarap naman?".. Rinig ko pang tanong ni ellen.. Parang ayokong marinig ung isasagot niya..
"Yeah masarap naman... Masarap sa taong gutom".. Parang sarkastic pa ung pagkakasabi niya.. Cge ipamukha mo pa saken na di talaga masarap ung luto ko.. Tanggap ko naman eh.. Pero may effort yon at tagaktak ung pawis ko habang niluluto yon kanina.. Nakalimutan ko lang atang lagyan ng pampaasim?.. Oh shocks baka nga.. Di ako sure eh. Kasi parang okay naman ung lasa kanina nung tinikman ko.. Hay ewan.
Whatever supladitang maldita... Everytime nalang na magkikita kami lagi akong umuuwing badtrip..
.
.
"Xiel... Psst..".. May kumalabit saken kaya napalingon ako.. Si jane pala..Almost 3weeks din kaming di nagkita.. Pareho kasi kami naging busy sa school dahil sa exams at projects.. Taga ibang school din kasi siya..
Napangiti ako sabay akbay sakanya.. Maganda talaga tong si jane.. Mestiza at sexy..kaya nga hanggang ngayon habol pa din ng habol ung ex niyang butch.. We decided na pumuntang mall bago umuwi sakanila, gutom na din kasi kami kaya don nalang magdidinner..
Kumain kami sa isang korean resto.. Habang kumakain napasulyap ako don sa nakaupo sa may harapan namin... Mukhang kakarating lang..
Parang si....si maldita yon ah?.. Kasama ung bf niya.. Sa dami dami ng kakainin dito pa talaga nila natripang kumain?..
"By, are you listening?".. Pukaw saken ni jane.. Napalingon naman ako sakanya at nginitian siya..
"Ano nga yon?"..
" i said kelan ba tayo magiging official?".. Muntik naman akong maubo sa tanong niya...
"Ahmm.... Diba masaya naman tayong ganito lang?"..
Bumuntong hininga muna siya bago nagsalita.. Halatang nadismaya siya sa sinabi ko.. "I want to make it official then".. Seryosong sabi pa niya..
Hindi ako nakakibo agad.. Paano ba toh?.. Parang di pa ako ready sa commitment..
"Ayaw mo ba?".. Tanong niya ulit..
"Ha?..h-hindi naman sa ayaw ko pero... Ready ka ba na di kita laging mabibigyan ng time kasi lam mo na we're both busy sa school"..paliwanag ko..
"Ofcourse yon lang pala eh,understanding naman ako"..nakangiting sabi niya at pinisil pisil pa ung braso ko.. Kita ko kung paano kuminang ung mata niya at gaano siya kaseryoso..
"Okay".. Nakangiting sagot ko.. Nanlaki naman ung mata niya at ang lapad ng pagkakangiti sabay yakap saken at humalik sa pisngi ko.. Napatingin ako sa harapan ko at nagtama ung mata namin ni maldita.. Nakatitig siya samen.. Nakita niya kaya?.. Ung pagyakap at halik saken ni jane.. Oh eh ano naman?.. Aware naman siya na ganito ako.. Kaya nga siguro homophobic siya eh.. Para kasing ayaw na ayaw niyang nagkakadikit kami..
After naming kumain tumayo na kami at madadaanan namin ung pwesto nila jewel dahil nasa harapan namin sila nakapwesto.. Diretso lang ung tingin ko kunwari di ko sila napapansin..
.
.
Dumaan muna ako kela ellen bago umuwi sabi kasi ni pat sabay na daw kami eh..
"Oy dre ang tagal mo, nakipag date ka nanaman noh?".. Bungad agad saken ni pat pagkadating ko..
"Nagkita kami ni jane eh, kumain lang sa mall tas hinatid ko sakanila".. Sabi ko at patamad na umupo sa sofa..
"Kayo na ba?"..
Napalingon naman ako kay pat.. Sasabihin ko ba na kami na?.. Di agad ako nakakibo..
"Hoy ano?.. Mukhang siya lagi nakakasama mo eh.. Saan na ung iba mong babae?".. Pangungulit pa niya habang nakangisi..
"Dami mong alam.. Oo kami na".. Singhal ko sakanya.. Pakakulit..
"Ayieee.. Naks, binata ka na talaga.. Seryoso na ba yan?"..
"Ahmm.. Siguro".. Kibit balikat ko.
"Hoy xiel sumeryoso ka na noh, parang wala ka pang sineseryoso eh".. Palatak naman ni ellen adarna.. Tinaasan ko naman siya ng kilay..
Maya maya din nagpaalam na kami ni pat dahil pauwi na daw si elenita tiyak sambakol nanaman ung mukha nun kapag naabutan kami dito sa bahay nila..
"Oh ingat kayo love ah?".. Paalam ni ellen habang hinahaplos ung mukha ni pat.. Dito pa talaga naglambingan sa labas ng gate.. Hay naku..
"Yep.. Tatawagan kita pag nakauwi na kami".. Ngiting ngiti namang sagot ni abnoy.. Kinikilig pa ata.. Napapatirik lang ako ng mata sa dalawang toh eh.
"Tara na at baka maabutan pa tayo ni elenita".. Yaya ko. Di pa kasi matapos tapos ung lambingan ng dalawa..
"Sige tara na".. Kumiss muna si pat sa pisngi nito..
Patalikod na kami ni pat ng dumating si jewel.. Himala di kasama bf niya?.. Di siya hinatid?.. Di ko na siya pinansin mukhang wala din naman siyang balak mamansin eh.. Ang seryoso pa kamo ng mukha.. Ang taray lang.. Nakakailang hakbang palang kami ng sumigaw si ellen..
"Xiel, magpainom ka sa sabado ah?.. May gf ka na eh, Icelebrate natin".. Sige ipagsigawan mo lang ellen ka.. Napalingon ako at kita kong nakatingin si maldita, for sure narinig niya ung pagbobroadcast ni ellen na my gf na ko.. Walangjo talaga oh.. Kaya ayokong sabihin sakanila eh.. Hayy..
Sinamaan ko siya ng tingin.. Ung pagkatalim talim at gusto ko na din siyang sabunutan sa mga oras na toh.. Tumango nalang ako at mabilis na naglakad baka kasi ano pang isagaw ni ellen adarna eh..
.
.
"Nakss.. May jowa ka na?..".. Di makapaniwalang sabi ni paula. Nandito kami ngayon sa may garden nila nakatambay habang lumalamon ng buy 1 take 1 na burger na unang kagat puro tinapay lahat tska 2 litro ng rootbeer.. Treat ko sakanila dahil my gf na daw ako.. Halos araw araw kasi akong kinulit ng mga kontrabida sa buhay ko.. May group chat kasi kami nila pau, ellen, pat at di ko alam kung bakit sinali si jewel sa group eh panay lang naman seen sa topic namin don.. Ni hindi nga yon nagccomment.. Nakikichismis lang siguro..
"Oh bat parang di ka makapaniwala dyan?".. Angil ko kay pau na tatawa tawa pa.. "Ganun na ba ako kapangit ah?".. At nagtawanan naman ang mga hinayupak..anong nakakatawa don?.. Mga siraulo..
"Hahaha.. Hindi naman sa ganun, grabee ka.. I mean, ngayon ko lang nabalitaan na pumapag-ibig ka din pala?.. Kala namin wala kang pakiramdam eh".. At humalakhak naman siya.. Sarap saksakin din sa ngala-ngala eh..
"Oo nga.. Kala ko ba ayaw mo sa love love na yan?..".. Sabat naman ni ellen..
"Eh bakit bawal-----"..
"Kaya nga dre, kala ko hanggang fling fling ka lang eh".. Tirada ni pat
"Eh kasi nga----"..
"Akalain mong tinamaan ka din?".. Sabat ni pau..
"Mabait naman kasi si---"..
"Nakss, ikaw na talaga".. Si ellen..
"Oh sige kayo na talaga magsalita!.. Punyemas..".. Palahaw ko.. Bwisit di ko matuloy tuloy ung sasabihin ko sa mga epal na toh.. At sabay sabay naman silang nagtawanan.. Mga baliw lang talaga..
"Ate, what's for dinner?".. Sabay sabay kaming napalingon sa nagsalita.. Si jewel pala.. Naka tanktop siya na pink at naka khaki short.. Dumating na pala siya.. Ang cute lang niya..
"May lechong manok dyan initin mo nalang sa micro..".. Sabi ni pau habang ngumangasab ng burger nakataas pa ung isang paa sa upuan..
"Oy congrats mo naman si xiel may gf na siya".. Sabi ni pau sabay nguso saken.. Napatingin naman si jewel at blanko nanaman ung itsura niya. Ni hindi nga ngumiti eh.. Kelan ba yan ngumiti saken?.. Tumango lang siya sabay talikod.. Napatirik nalang ako ng mata at di na sila nagcomment. Sanay naman sila sa ugali kasi nun..
"Pakilala mo samin ung jowa mo ng makilatis ah?.." Si ellen..
"Oo nga, dalhin mo dito minsan para matanong namin kung paano ka niya nagustuhan".. Nakangising sabi ni pau..
"Heh!..kawawa lang yon sa inyo, baka paguwi nun dito baka break na kami sa mga kadaldalan niyo"..
"Grabee ka".. Sabay sabay nilang kumento...
"Oo na..oo na.. Letse".. Mga bwisit talaga sa buhay ko..
.
.
.
