Chapter 3
XIEL P.O.V.
"Sumama ka na kasi ang artee mo talaga.." Pag-pupumilit ni Pat sa'kin.
Ini-invite niya kasi ako sumama sa bar exclu para sa mga fem & lesbians.
"Pag-susuotin mo talaga ako ng dress? Its a big 'NO!" Nasabi ko na ba sa inyo na 'di ako pafem? I mean napaka boyish kong manamit. Maluwag na shirt tapos hanggang knee ako mag-short, short hair din ako. Ung uso ngayong gupit ng k-pop.
May dress code kasi ung gusto niyang puntahang exclu. 'Di niya talaga ako mapipilit kahit manigas pa siya d'yan duh!
"Madaming chix 'don"
"Lakumpake, madami ako niyan." Akala niya ata mauuto niya ko.
"Oh siya, wag na natin pilitin ung ayaw." Sabi ni Ellen. "Samahan mo na lang sa bahay si Jewel, wala kasi siyang kasama ngayon don eh, nasa palawan si Paula."
Nasa korea kasi ung parents nila at don nagwo-work. Opo half korean american filipino si Jewel A.K.A. Miss Minchin. Ung papa niya pure korean, ung mama naman niya half american filipino.
Matik namang napataas ung kilay ko at napakunot noo at bakit ko naman sasamahan ung isang yon aber? 'Di kami close di'ba at ayaw niya akong kausap. Naka-tatak na sa'kin 'yon.
"Kaya na niya 'yon. Laki-laki na niya eh, bakit hindi ung boyfriend niya?"
"Eh ba't ganyan 'yang mukha mo? Parang naka-kain ng kamias?" Pang-aasar na naman ni Pat Binato ko nga ng unan.
"Bawal noh.. Lalaki 'yon eh.." Kontra ni Ellen, habang nagli-lipstick.
"Oh ano, sasama ka samin or sasamahan mo si Jewel?"
Parang wala akong gusto sa dalawang pag-pipilian..
"Eh kung sinasapak kaya kita? Wala naman akong gusto sa mga choices mo eh. Dito na lang ako sa bahay." Iritang sagot ko.
"Okay sige, sasabihan ko na lang si Jewel na mag-lock ng pinto at gate." Sabi ni Ellen habang nagte-text.
"Tsk! Kawawa naman. Uso pa naman mga akyat bahay ngayon.". Pangungonsensya pa ng abnoy.
"Nasaan ba si Elenita?" Tanong ko.
"Umuwi ng pampanga kasama si Papa, kaya nga makakapag bar ako ngayon eh. Ngiting- ngiting sabi pa ni Ellen, na akala mo nakawala sa hawla. Sobrang higpit kasi ng parents niya. Mag 3 years palang sila Ellen dito sa manila. Sa pampanga talaga siya lumaki. Kami talaga nila Paula, Jewel at Pat ang magka-babata.
"Ahh kaya pala. Pag wala ang pusa nagdidiwang ang daga." Natatawang sabi ko, sabay apir namin ni Ellen.
"Oh paano, alis na kami ah? Sinabi ko na kay Jewel na sasamahan mo siya." Pahabol na sabi ni Ellen habang pasakay ng taxi.
Ayy punyeta!.Umoo ba 'ko?
"Huh?! Anong pinag-sasabi mo?" Gulat kong tanong.
"B-bye..bantayan mo ung baby namin ah? Wag mong gapangin." Sabay harurot nung taxi. 'Di na din ako naka-react. Bwisit talaga! Tiningnan ko ung oras. 8:30pm na pala.. Dali-dali akong naligo at nagbihis. Nagdala na din ako ng extrang damit pampalit bukas paguwi ko. Sumakay na ako ng jeep papuntang subd nila Jewel, mga 20 mins lang naman ung byahe eh. 'Di ako mapakali, paano kung 'di ako pagbuksan ng gate ng isang 'yon? Edi mabuti, 'di kami magkakasama. For sure kasi susungitan lang ako no'n. At tingin ko din napilitan lang siyang magpasama. 'Di ko din naman gustong makasama siya. Mas okay pa ngang kasama aso dahil malambing at 'di nakakapang-init ng ulo.
Nandito na ako sa tapat ng gate nila, nag-aalangan akong mag-doorbell. Nai-imagine ko na kasi ung mukha niya kapag nakita ako. Parang uminom ng sukang baumbong.
Ding dong... Doorbell ko. 'Di na din ako mapakali. Ang tagal naman buksan. Baka tulog na? Or ayaw niya lang talaga akong papasukin? Tss. Edi mabuti. Makauwi na nga. Patalikod na ako nung bumukas ung gate. Napalingon ako at napatingin kay Jewel na bored lang ung mukha.
"Paki sara ung gate".. Sabi niya sabay pasok sa loob.. Punyemas na babaeng 'to Makautos wagas..Pumasok na ko at sabay kandado nung gate. Pumasok na ko sa loob ng bahay at nakita ko siya sa sala habang nanonood ng t.v. Di ko tuloy alam kung lalabas na lang ba ako ulit or sakalin tong kasama ko. Dejoke lang. Naiilang kasi ako lalo na ngayon dalawa lang kami.. Ang awkward.. Mapapanisan lang ako ng laway kapag siya kasama ko eh..
Umupo ako sa solong sofa at kinuha ung cp ko,makapag ML na nga lang..
Rinig ko ung malalim na pagbuntong hininga niya at simple akong sumulyap sakanya.. Mukhang bored na bored lang sa pinapanood niya.. Gusto ko sana siyang kausapin kaso wag nalang baka mapahiya nanaman kasi ako eh..
"there's a cookies and chips sa kitchen." Rinig kong sabi niya. Himala at nagsalita siya.. Nag alok pa.. Tumango lang ako habang busy-busyhan sa nilalaro ko.
Naramdaman kong tumayo siya pumunta ata ng kusina.. Maya maya din bumalik na siya at may nilapag sa mesa.. Napasulyap naman ako, nakita ko ung chips ahoy at lays.. Natakam tuloy ako.. Kaso nahihiya akong kumain baka sabihin pa nun ng siba ko.. Kinuha niya ung lays at binuksan yon, naramdaman ko nalang na magkalapit na pala kami sa upuan..? Naamoy ko kasi ung sweet perfume niya.
"Oh." Sabay offer ng chips.
"Sige lang. Thanks." Sabi ko.
"Okay, fine." Sabay sandal niya sa sofa habang kumakain ng lays. Sus nagtampo pa ata. Gusto kong matawa.
"Bakit 'di ka sumama sa ate mo sa palawan?" Open ko ng topic para lang may mapagusapan.. Lumapit na din naman siya eh.
"I have class tomorrow." Tipid na sagot niya.
"Ahh.. Okay."
"Bat ka pala nandito?"
Napa-angat naman ako ng tingin at napakunot noo na din. Haller 'di ba pinapunta ako dito ni ellen para samahan siya? 'Di ba siya aware?
"Sa pagkakaalam ko po pinasamahan ka saken ni Ellen dahil mag-isa ka daw dito sa bahay."
"Ahh. 'Di ko naman kasi sinabing samahan mo ko" Pormal na sagot niya habang kumakain pa din ng chips at nakatutok sa t.v. Napakuyom ako at gigil na tiningnan siya ng masama.
"Ah ganun ba?.. Pwede naman akong umuwi ngayon din kung ayaw mo akong kasama".. Pigil na pigil ung inis ko.. Ayoko na kasi talaga siyang patulan. Tumayo na ako at sinukbit ung bag ko..
"Lagot ka kay ate ellen kapag nalaman niyang umuwi ka."
Eh kung sinasampal kaya kita noh? Bwisit na 'to. Napasabunot na lang ako ng buhok at umupo ulit sa sofa.
"Wag kang mag alala pagtilaok palang ng manok bukas uuwi na ko."
"Good." Bulong niya. Napabuntong hininga na lang ako at tinuloy ung nilalaro kesa mahighblood dito sa kasama kong maldita.. 'Di na kami nag usap ulit. Napipikit na din ako, pagcheck ko ng oras 12:00am na pala. Napansin ko din na nakatulog na tong kasama ko dito sa sofa.. Di ko alam kung gigisingin ko siya para umakyat na sa room niya. Para makahiga na din siya ng maayos.. Tumayo ako at marahan siyang tinapik sa braso.. Narinig ko ang pag ungol niya.
"Umakyat ka na sa taas para makahiga ka" Aalalayan ko sana siyang tumayo.
.
"I can manage." Sabay iwas ng braso niya.. Oh, edi wag. Ang arte mo din eh.
Tumayo na siya at umakyat na sa taas.. Wala talagang paki ung isang 'yon. Dito na lang ako sa sofa matutulog. Sana makatulog ako, namamahay pa naman ako tas ako lang mag isa dito.. Ang laki pa naman ng bahay nila.
Nanood na lang ako ng series sa netflix pampaantok na din. 'Di ko namalayang nakatulog na din ako.
'
.
Nagising ako sa tilaok ng manok at sa sinag ng araw sa may bintana. Anong oras na ba?.. 7:30am.. Tumayo na ko at naghilamos at nagmumog. Nagugutom ako.. Pwede kaya akong mag-luto ng breakfast dito? Para makakain na din ung maldita bago pumasok sa school.. Saturday ngayon pero may pasok siya? Baka gagala nga lang 'yon eh..
Binuksan ko ung ref may nakita akong egg at nuggets. Ito na lang para mabilis lutuin. Prito lang, at yon lang din naman alam kong lutuin eh.
Pagkaluto ko inayos ko na ung pagkain sa mesa. Sakto namang baba ni Maldita. Oo, maldita na talaga tawag ko sakanya.. Nag-level up na. Dati snob, sungit at Miss. Minchin lang eh. Mas prepare ko ung maldita. Bagay na bagay sakanya.
Nakita kong bagong ligo at nakapang alis na siya. Lumingon siya sa'kin.
"Oh, kumain ka muna." Sabi ko habang hinahalungkat ung t-shirt ko sa bag, amoy itlog pugo na kasi ako eh.
"I dont eat breakfast." Kaswal na sagot niya at palabas na ng pinto.
So napahiya nanaman ako? Letse lang talaga. Parang wala na akong ginawang tama sa paningin niya. Lagi akong nasosoplak eh. Napatirik naman ako ng mata.. So sayang lang pala ung effort ko. Ako na lang kakain no'n kung ayaw niya. Tska buti naman at aalis na siya nababadtrip lang ako eh.
"Thanks." Sabi pa niya tska tuluyan ng lumabas. Kala ko nakalabas na siya ng pinto.Thanks niya mukha niya.
.
.
"Oh, ba't parang puyat na puyat ka Dre?" Puna ni Pat. Nandito kami ngayon sa room ko. Ang babaw kasi ng tulog ko kela Jewel kagabi panay gising ko.
"'Di ako nakatulog ng maayos eh."
"Bakit? Ano bang ginawa niyo kagabi?"
"Wala. Nanood siya ng t.v. Ako naglaro ng ML."
"Ahh..Okay 'yon nakapag bonding kayo."
"Anong okay do'n? Nabwisit lang akong kasama yon eh.."
Natawa naman siya "bakit anong ginawa?"
"Tinanong lang naman ako bakit nando'n daw ako kagabi, siya na nga 'tong sinamahan sakanila'" Inis na sabi ko. Lalo naman siyang natawa.
"Hayaan mo na, favorite ka no'n eh.'"
Favorite? Favorite na bwisitin at sungitan?
"Next time kasi isama niyo na lang ung malditang 'yon kapag wala siyang kasama sa bahay nila" maktol ko pa.
Natatawa at tumango lang siya.
.
.
.
