Library
English
Chapters
Settings

Chapter 2

Xiel P.o.v.

"Hi, Xiel." Bati sa'kin ni Jane. Isa sa mga ka-fling ko. Pero siya talaga ung tumagal sa'kin. 'Di kasi siya demanding kahit bihira kaming magkasama. Sobrang sweet pa.

"Uy, ikaw pala." Naka-ngiti kong bati sakanya. Mukhang hinintay niya talaga ako. Naka-ngiti din siyang humawak sa balikat ko, sabay na kami naglakad palabas ng campus.

"Dre!" Rinig kong sigaw ni Pat pasakay na kami ng taxi.

"Oh, bakit?"

"May lakad ka pala?"

"Oo eh. Why?"

"Dumaan ka mamaya kela Paula birthday niya eh. Magtatampo daw siya kapag 'di tayo pumunta."

Naku, wrong timing naman oh. Kung kelan kasama ko si Jane. Pupunta kasi kami sa bahay nila. Lagi naman ganun, wala kasi siyang kasama sa bahay ung tita lang niya. Kaya marami kaming time for intimate moments.wahehehe.

"Sige, dadaan ako mamaya. hahatid ko lang si Jane."

"Hello Jane, mag-ingat ka sakanya ah. Nagiging bampira 'yan sa gabi." Pang-aasar ni Pat.natawa lang si Jane sakanya.

"So, paano mamaya na lang. Hintayin mo 'ko do'n or wag na lang kaya akong pumunta? Makikita ko na naman ung isnaberang babaeng 'yon" Nag-iinit na naman ung ulo ko.

"Heh! Kahit saglit lang, atleast nagpakita ka kay Pau." Kumbinsi pa ni Pat. Napabuntong hininga na lang ako. Close din kasi kami ni Paula, lalo na nung mga bata pa kami. Lagi kami ung magkausap at nagkakasundo sa kalokohan at lalo na kung paano paiyakin ung kapatid niya supladang masungit.

"Okay sige. See yah"..Nagpaalam na din kami.

.

.

"Anak ng kamote ka, ba't ngayon ka lang? Antok na kami kakahintay sayo." Sermon agad sa'kin ni Pat pagpasok ko sa gate..

"Sorry na, si Jane kasi ayaw pa akong pauwiin kanina." Paliwanag ko.

"Soowwss. Naka-ilang round ba kayo?" Panunukso pa niya habang naglalakad kami papasok ng bahay. Natawa ako at hinampas siya sa braso.

"Sa wakas dumating din. Tsk tsk!" Pailing-iling pang sabi ni Pau. Nilapitan ko siya agad at niyakap sabay halik sa pisngi niya "happy birthday, belated  na lang ung gift ah?"

"Sus! ayos lang kahit wala, importante kumpleto tayo ngayon." Naka-ngiting sabi niya.

Doon ko lang napansin si Snob na tahimik lang na nakikinig samin habang nanonood ng t.v. Tss lakumpake.

"Kumain ka na d'yan mukhang pagod ka eh." Birada naman ni Pat. Anak ng putspa talaga.

"At saan ka pala galing Xiel? nambabae ka nanaman?" Sabat naman ni Pau. Pagkakaisahan nanaman ako ng mga 'to.

"'Di noh! Pag maylakad nambabae agad? Tss!" Tanggi ko.Ayoko kasi talagang pag-usapan lalo na nandito si Snob. 'Di ako kumportable. Pagkakuha ko ng pagkain tumabi ako kay Pau. nagutom ako ng bongga, grabe naman kasi kanina. Pinagod ako ni Jane, siguro namiss lang namin isa't-isa.

"At ano yang nasa leeg mo? Kissmark?" Sabay,sabay naman silang napatingin sa leeg ko.

Nanlaki ung mata ko at napa-atras kay Pau. Shit! 'Di nga? may kissmark ako? Bwisit! Ayokong nagpapalagay no'n eh. 'Di ko din napansin kanina or magaling lang talaga si Jane? Tsk! Napatingin ako kay Jewel na nakatingin din sa'kin. Wala pa din ekspresyon ung mukha niya.

"Anong kissmark pinagsasabi mo?" Pa-inosenteng sagot ko pero kinakabahan na 'ko sa di ko malaman na dahilan. Tumayo ako at tumingin sa malaking salamin na nasa sala at may kissmark nga ako! 'Di naman ganun kalaki pero namumula kasi kaya napansin agad nila. Short hair din kasi ako kaya kitang kita talaga.

"Kapag gagawa ng krimen, wag mag-iiwan ng ebidensya, okay?" Natatawang sabi ni Ellen habang nakapulupot kay Pat. Inirapan ko lang sila.

Narinig ko ung pag "yuck" ni snob. Sabay irap sa'kin. Abat! Inaano ko ba siya? Namumuro na talaga siya sa'kin ah. 'Di naman siya kasali sa usapan maka yuck-yuck siya d'yan.

Nawalan na ko ng ganang kumain dahil na rin sa mga pang-aasar nila sa'kin. Dagdagan pa nung masungit sa gilid na akala mo kung sino.

Beep beep..

Rinig naming may bumusina sa labas ng gate. Mabilis naman tumayo si Jewel para tingnan kung sino ung dumating. Maya-maya din may kasama na si Jewel na lalaking may hawak na ice cream at pizza.

Mukhang ito ata ung bf ni Snob eh, nakahawak kasi siya sa braso nito. Matangkad at medyo moreno, gwapo din naman. Pwede na. Pwede ng ipalapa sa aso.

"Good evening girls. Happy birthday, ate Pau." Bati nito habang naka-ngiti. Sabay abot na din nung dala niyang pagkain.

"Thank you. Kumain ka na JM? Psst Wel, bigyan mo ng pagkain ung bisita mo." Baling nito kay Jewel.

"Ako na po." Sagot agad nung ng bf niya ata.

Nakaupo sila sa kabilang sofa na parang may sariling mundo, 'don ko lang siya nakitang ngumiti na 'di pilit at tumawa. Ang cute niya pala kapag ganun siya. 'Di tulad kapag nag-kikita kami na parang laging may regla.

"Dre, ice cream oh." Alok ni Pat.

"'Di ako nakain niyan." Tanggi ko.

Napatingin naman si Jewel at ung bf niya sa'kin. Oh bakit? Sa 'di ako nakain nung ice cream na 'yon eh. Kita ko kung paano tumaas ung kilay niya. Dahil ba bigay yon ng bf niya?

"A-ayoko kasi ng chocolate flavor. May allergy rin kasi ako di ba?" Paliwanag ko, para kasing manlalapa na ung isa sa sobrang sama ng tingin sa'kin eh.

"Ah oo nga pala. Itong pizza na lang." Alok ulit ni Pat.

"Sige lang. Busog na 'ko eh." Tanggi ko.. Gusto ko lang talagang asarin si snob..  Nakisali na din ung dalawa sa kwentuhan namin..

"JM gano na kayo katagal nitong kapatid kong may sumpong?".. Tanong ni pau habang umiinom ng san mig apple.. Hinampas naman siya sa legs ni jewel..

"Mag 1yr na po ate next month".. Sabay hawak sa kamay nito..

"Ahh, buti natagalan mo yan?.. Di ka naman ba binubugbog nito?".. Asar nanaman ni pau.. Nice one pau..

Natawa naman ung JM tska tumingin kay jewel.. "Di naman po, mabait naman siya tska sweet".. Pisil pa ulit nito sa kamay ni snob..

Mabait daw at sweet?.. San banda?.. Walang bakas eh..

Napalagok tuloy ako ng san mig dry sa mga narinig ko.. Di kinaya ng bangs ko eh..

"Basta mahalin mo tong sis ko na kahit laging may sapi eh love ko naman, wag mong papaiyakin ok?kundi lagot ka saken lalo na dito sa mga toh".. Turo ni pau samen..

"Opo, aalagaan ko toh at mas mamahalin pa".. Magalang at sincere na sabi pa niya.. Mukhang mabait naman ung mokong at halatang mahal niya si miss minchin..

After 1hour nagpaalam na din ung bf niya at hinatid ito sa gate.. Lumabas din ako para bumili sa tindahan ng yelo at alak.. Nakita kong nag-uusap pa sila at nagtatawanan pa ang mga walangya.. Edi sila na masaya tss.. Walang poreber oyy..

"Pabili nga po nag 3 ice cubes at anim na san mig light".. Sabi ko habang nakamasid pa din sa lovebirds na akala mo di na magkikita bukas sa sobrang sweet.. May tinatago din palang kasweetan sa katawan ung masungit na yon.. Napansin niya atang nakatingin ako kaya napatingin din siya kaya mabilis akong umiwas at binaling ung atensyon ko kay ate girl na  kumukuha ng yelo at alak..

"Ito na po".. Sabay abot saken nung binili ko at inabot ko na ung bayad..

Grabe ang dami ko palang bitbit.. Nahirapan ako sa 3 ice cubes dahil may bitbit din akong alak.. Sana walang malagla-----

Bogggsssss...  Natapon na ung 2 plastic ng ice cubes.. Kakasabi ko lang.. Napansin kong nakatingin lang si jewel saken habang hirap na hirap akong pulutin ung mga nalaglag.. Kung tinutulungan niya kaya ako noh?.. Nakaalis na pala ung bf niya kaya dalawa nalang kami dito sa labas.. Naghintay pa ko ng ilang seconds kung kikilos siya, kaso wala talaga eh, ung blankong tingin nanaman niya.. Anak ng!..

"Pwede mo ba akong tulungan?".. Sabi ko, wala talaga kasi akong choice eh..

Inikutan muna niya ko ng mata bago lumapit saken at parang napilitan pa.. Grabe lang talaga siya..

Ung bitbit kong plastic ng alak ung hinablot niya..asa naman kasi akong pupulutin niya ung nalaglag na ice cubes diba?.. Sa arte niya?.. Asa pa ko..

"Iinom inom pa kasi".. Bulong niya..

Napakunot noo ako, tutulong nalang dami pang sinasabi.. Pinulot ko na ung ice cubes na nadumihan at padabog ng pumasok sa loob si sungit.. Napailing nalang ako eh..

Pagpasok ko nasa mesa na ung alak.. Hinugasan ko muna sa kitchen ung ice cubes, nandon din pala si jewel habang naglalagay ng fresh milk sa baso.. Nagkatinginan kami, ung tingin niyang napakatalim.. Umusog siya pagdaan ko.. Parang diring diri talaga toh saken.. Nakakapang init ng ulo..

"Thanks pala sa pagtulong".. Sabi ko. Baka kasi sabihin niya di man lang ako nagpasalamat sa pilit niyang pagtulong eh..

"K".. Tipid na sagot niya..

Ewan ko ba parang gusto ko siyang kulitin ngayon.. Baka epekto na din ng alak.. Naka 3 can din ako ng san mig dry eh.. Ngayon nalang kami ulit magkakausap if ever man na makipag usap siya saken,dahil di naman talaga kami nagpapansinan, siguro since nung naghighschool kami, 2yrs din ang tanda ko sakanya..

"Kamusta ka na pala?..anong course mo?"..

"Why did you ask?".. Pormal na sagot niya..

Abat!.. Bawal ba magtanong?.. Napaka talaga nitong babaeng toh..

"Ahh bawal palang magtanong?.. Okay sabi ko nga eh".. Natatawang sabi ko kahit mejo napahiya ako don.. Dapat talaga di na ako nagtangkang kausapin ang isang toh..

"Ou bawal dahil di naman tayo close".. Mataray niyang sagot..

Nagpanting ung tenga ko at tumaas ung dugo sa ulo ko.. "Bakit ba ang init ng dugo mo saken ha?".. Pikon na tanong ko sakanya.. Pero blanko nanaman ung mukha niya.. Samantalang ako pikang pika na sakanya..

"Nothing.. I just dont want to talk to you".. Sagot niya sabay alis...

Napukpok ko ung ice cubes sa mesa.. Bwisit siya!.. Ano bang ginawa ko sakanya at ganun nalang trato niya saken?.. Parang di kami magkababata ah?.. Ou inaasar ko siya dati pero bumabawi naman ako kapag napapaiyak ko siya, binibilhan ko siya lagi ng lollipop at cotton candy..

"Bakit sambakol yang mukha mo?".. Sita agad ni pat pag upo ko sa sofa sabay lagok nung san mig light.. Di ko siya pinansin..

"Ou bawal dahil di naman tayo close"..

"Nothing.. I just dont want to talk to you"..

Mga katagang sinabi ni jewel kanina at Paulit ulit na umaalingawngaw sa utak ko..

.

.

Download the app now to receive the reward
Scan the QR code to download Hinovel App.