Library
English
Chapters
Settings

Chapter 1

Xiel P.o.v.

"Tao po, tao po" Nandito kami sa tapat ng gate kung saan nanliligaw ung tropa kong si Pat.

Siya pala ung kababata ko at bestfriend na din na si Patricia. Bi siya (bisexual). Nagka-boyfriend kasi siya dati nung grade 6 kami. Oh diba, ang agang lumandi ng gaga. Eh nag-eenjoy palang kami sa paglalaro ng langit lupa, tumbang preso at luksong tinik no'n eh.

Ako naman si Yexiel, 'di ko alam bakit 'yon ung pinangalan sa'kin. Uso na siguro ung excel dati, Malay ko sa magulang ko, ayoko na din isipin kong saan nila pinulot yon sumasakit lang ung bangs ko eh, kahit maikli ung buhok ko.

Narinig namin na may bumubukas ng gate, naku! wag naman sana ung nanay ni Ellen. ung nililigawan niya, napa-kasunget kasi nun tska strict. Malakas lang talaga ung loob nito ni Pat umakyat ng ligaw dito kahit alam niyang terror ung parents ng nililigawan niya.

"Ikaw na naman?" Nakapameywang na sabi ni Elenita.. Naku po. Sinasabi ko na nga ba.

"Good evening po, Nandyan po ba si El---"

"Wala, tulog, umalis." Mataray na sagot nito.

Napayuko na lang ako sa kahihiyan at gusto ko ng hilain si Pat pauwi dahil mukhang wala naman kaming mapapala ngayong gabi at mapapahiya lang kami dito sa labas. Napapatingin na rin kasi sa amin ung mga nakatambay sa tapat ng tindahan nila.

"Ma!" Narinig naming lumapit si Ellen at lumabas ng gate.

Ngumiti siya sa amin at kumaway tska naman siya tinitigan ng nanay niyang napakatalim.

"Pumasok ka sa loob, sinasabi ko sayo." Sermon nito.

"Ma, wait lang, nakakahiya naman sakanila oh." Pagpupumilit nito.

Isang malalim na buntong hininga at halatang nagpipigil ng inis ung mama niya tska tumingin sa amin ng pagkasama sama. Kala mo naman may ginawa kaming karumaldumal na krimen. Grabee siya.

"Sumunod ka na sa loob ah? Kundi makakatikim ka sa'kin." banta pa nito bago padabog na pumasok sa loob ng bahay nila. Tska lang kami nakahinga ng maluwag nung 'di na namin nakikita ung presensiya niya at wag na sanang bumalik.

"Hi, sensiya na. For you pala." Abot ni Pat ng isang box ng ferrero at cake na favorite ni Ellen.

"Thank you, i'm sorry about my mom ha? Ganun lang talaga 'yon" Paumanhin niya sa amin.

"Ayos lang, sanay na ako" natatawang sabi pa ni Pat. "So paano, I'll see you tomorrow?"

"Sure. Same time, same place".. Matamis na ngiting sagot naman nito.

Para silang PBB teens na nagpapa-cute sa isa't isa. Napapatirik na lang ako ng mata eh.. Taga suporta lang ako nitong dalawa. Saglit pa silang naglandian este nagkwentuhan na kung 'di pa kami pinapapak ng lamok eh wala pang balak umuwi nitong si Pat. panay na rin ung tawag ni Elenita kay Ellen, kaya nagpasya na kaming umalis bago pa kami buhusan ng ihi sa arinola.

Bago pa kami maka-alis napatingin ako sa katabing bahay nila Ellen, may nakatingin sa aming dalawang babae. Pinsan ni Ellen 'yon ah? For sure narinig nila ung pagtataray samin ni Elenita kanina.

Ngumiti si Pat sakanila at ngumiti din naman si Paula kaso ung isang katabi niya ni walang karea-reaksyon, Snob lang talaga at binaling ung tingin sa ibang direksyon. Sunget lang. Nag paalam na din kami sakanila.

"Sana bukas na." Halatang kinikilig-kilig pa 'tong si Pat at pagkalapad-lapad ng ngiti. Mukha siyang abnormal promise.

"Sus, magkikita naman kayo bukas, excited lang?" Tanging nakumento ko.

Marahan naman niya akong hinampas sa balikat. "'Di ka pa kasi na-iinlove talaga, kaya di mo alam ung pakiramdam."Sabi pa niya..

"Inlove, inlove.. Sa una lang 'yan masarap pero pa-iiyakin ka din niyan sa bandang huli" Mapait na sabi ko.

Tumawa naman siya at hinampas na naman ako. Aba nakakarami na siya ah.

"Dalaga na si Jewel noh? Dati inaasar-asar lang natin 'yon nung mga bata pa tao eh, tapos tatakbo sa bahay nila at umiiyak hahaha!" Sabi ni Pat, madalas kasi naming pikunin 'yon, favorite ko kasi talaga siyang asarin at paiyakin haha.

Ung tinutukoy niya ay ung snob kanina na pinsan ni Ellen. Magkakalaro na kasi kami nung mga bata pa. Mas close namin ung ate niyang si Paula, 'di hamak na mas mabait kasi 'yon at 'di snob. Hindi tulad nung kapatid niyang di ata marunong ngumiti, feeling ko nga tatandang dalaga 'yon eh.

"Oo, mas naging masungit nga lang." Dagdag ko pa.

"Masungit ba? Baka sa yo lang?"

Napataas naman ung kilay ko, "bakit kinakausap ka ba no'n?"

"Oo, kapag pumupunta ako kela Ellen, nakikita ko siya, nakikipag usap naman."

Letse! Sa'kin lang ata nagsusungit 'yon eh. Never niya kasi akong kinausap, ni sulyapan ata 'di no'n magawa. 'Di pa din ata makamove-on sa pangbubuska ko sakanya dati. Pero simula nung nag high school kami, bihira na rin kaming tumambay sakanila. Syempre nagdadalaga at nagbibinata na kami ni Pat.dejoke lang. Nung elementary kasi ako, nagkaka-crush na 'ko sa mga babae' Nagkaroon na din ako ng mga ka-fling pero walang naging seryoso. Until now, 2nd year college na kami. Wala pa akong na-uutong babae, kahit merong mga nagpaparamdam.

.

.

"Sama ka sa'kin magkikita kami sa mall ni Ellen ko." Yaya ni Pat na nagkukumahog magligpit ng gamit niya. Tapos na kasi klase namin. Same course din kami. Fine arts.

"Ikaw na lang, third wheel na naman ako sa inyo eh. Moment niyo 'yon. Ayokong maki-epal." Tanggi ko. Tinatamad din kasi ako.. Wala din kasi akong pera. 'Yon talaga 'yon eh.

"Tara na, libre kita." Pilit pa niya sabay beautiful eyes.

Tatanggi pa sana ako eh, pero ung narinig ko ung "libre" na word parang ginanahan ako. 'Di kasi talaga ako busy.

"Oh tara, wala naman akong lakad." Mabilis kong sinukbit ung bag ko at hinila na si Pat palabas ng classroom.

@The mall.

Sa isang pizza parlor kami magkikita. Nandon na daw si Ellen. Pagpasok namin sa loob nakita namin sila na may kasama...Si snob girl. Anak ng patola! Bat kasama siya? Parang gusto kong magback-out nung nakita ko siya..Ganun pa rin ung reaksyon ng mukha niya. Nutral lang, blanko. 'Di mo mababasa kung anong iniisip. Habang papalapit kami palukot na din ng palukot ung mukha niya. Kala mo naka-inom ng isang boteng suka eh.

"Sorry, kanina pa ba kayo?" Tanong ni Pat at tumabi na kay Ellen. So, no choice ako. Katabi ko ung matandang dalaga.nakakailang. Badtrip. Paano kaya ako makakain ng maayos nito kung nandito si Miss minchin sa tabi ko? Napansin kong umusod pa siya sa may pader, parang diring-diring madikit sa'kin. Like what the fudge?! Akala naman niya gusto ko siyang katabi. Feeler ah. Gusto ko ng mag-walk out talaga, kundi lang ako nahihiya kela Ellen at Pat eh. Tahimik lang ako the whole time habang masarap na nagkukwentuhan ung lovers sa tapat namin at itong katabi ko parang robot, ung bilang na bilang lang ung galaw at ung pagtawa niya. Masyadong mahinhin. 'Di din kami nagpapansinan.

"So, kamusta Xiel? sinong Girlfriend mo ngayon?" Out of know where na tanong ni Ellen. Nakaramdam ako ng awkwardness dahil na din siguro dito sa katabi ko. Nakita ko sa gilid ng mata ko ung saglit na pagsulyap niya sa'kin.

"Wala. Busy eh." Tipid na sagot ko sabay subo ng pizza.

"Madaming babae yan. 'yon nga lang, puro flings." Sabat ng abnoy na si Pat. Sarap tadyakan eh. Marahan ko siyang sinipa sa ilalim ng mesa at pinandilatan ng mata.

"Oww. Puro flings pala ah?" Nang-aasar na tirada ni Ellen. Pinagkakaisahan talaga ako ng dalawang 'to.

"Eh ikaw Wel? may mga nanliligaw na ba?" Tanong ni Pat. Napasulyap naman ako sakanya. Parang bigla akong naging interesado sa isasagot niya.

Tumikhim siya sabay inom ng ice tea bago sumagot. "Madaming nanliligaw yes, pero may boyfriend na ako eh." Pormal na sagot niya.

Nakaramdam ako ng pagkadismaya. May boyfriend na pala siya. Oh edi wow. Sa sungit niyang yang may nagkagusto at nagtyaga? Or baka sa'kin lang talaga siya masunget? Curious lang ako, paano kaya siya maging girlfriend?

Malambing kaya siya?

"Dre?"

Sweet or clingy?

"Psst, oy?"

'Di kaya siya masunget sa bf niya?

"Hoy! baka matunaw si Jewel sa kakatitig mo." Bulyaw ni Pat sabay bato sa'kin ng tissue kaya bigla akong napapitlag at mabilis na nag iwas ng tingin. Pucha! Tinititigan ko pala siya? 'Di nga? Nakakahiya! lalo tuloy akong nailang at sinamaan ng tingin si pat na tumawa tawa pati na rin si Ellen. Mga mapang-asar.

Alam kong nakatingin din si Jewel sa'kin kaya lalo akong nailang. Rinig ko pa ung pag "tss" niya. Bwisit lang talaga. Lalo atang naging confident sa sarili at baka iniisip niyang gusto ko siya. Nuh! Di ko siya type. Sa ugali niyang 'yan. Baka aso't pusa lang kami kapag nag-usap.

"Let's go na, Are you done?" Medyo iritabling tanong ni Snob kela Ellen.

Nagka-tinginan muna kami, 'di pa nga ako busog at nakaka-isang slice palang ako ng pizza at nakakalahati ko palang ung carbonara, 'di ko pa natitikman ung mojos. Sabay yaya naman nitong isang 'to?! Kung mauna na lang kaya siyang umalis? 'di ako nabubusog sakanya eh. Nakakairita lang talaga.

"Ahm, tapos ka na bang kumain Dre?" alanganing tanong ni Pat sa'kin.. Ramdam niya atang badtrip na ako.

"Oo busog na busog na nga ako eh." Sarcastic kong sagot at sabay irap sa katabi ko. Napatingin din siya at kita ko ung pag ismid niya. May attitude talaga 'tong babaeng 'to.

Tinake-out na lang namin ung natirang pagkain. Gusto ko na ding umuwi. Hinatid muna namin sila tska umuwi sa bahay.

"Kanina ka pa tahimik? Anyari sayo?" Tapik sa'kin ni Pat. Tumambay muna siya dito sa bahay.

"Next time nga, wag mo na akong isama kung kasama ung isnaberang feeling na babaeng 'yon!" Himutok ko. Kanina pa kasi talaga ako wala sa mood kaya nga nag-yaya na din silang umuwi.

"Anong pinag-lalaban mo d'yan?" Maang na tanong naman niya.

Sinamaan ko lang siya ng tingin sabay tawa niya. "'Di ko alam na kasama niya si Jewel kanina, sinabi lang niya nung nasa mall na tayo at bakit ba bigat ng dugo mo sakanya?"

"Pareho lang kami mabigat dugo sa isa't isa. Napaka-sungit kala mo naman dyosa sa kagandahan." Sabay tirik ng mata ko.

"Bakit hindi ba? Ang ganda kaya niya."

Ang ganda nga ang pangit naman ng ugali. tseeh!

"Basta. Ayoko ng kasama 'yon. 'Di ako nabusog sakanya eh. 'Di man lang makaramdam na di pa ako tapos kumain." Maktol ko ulit.

"Hahaha. Kaya ka pala nagkaka-ganyan, kasi 'di ka nabusog? hahaha." Parang demonyong tawa pa niya. Sarap sampalin ng kaliwat kanan eh.

"Alam mo Dre, baka gumaganti lang 'yon sa pang-aasar mo sakanya nung bata pa tayo. Lagi mo kasing pinapa-iyak eh."

"Letse siya kamo. Arte niya! 'Di na kami mga bata noh. Ang sabihin mo may attitude talaga siya. Buti nga nagka-boyfriend pa 'yon sa ugali niyang 'yon."

"Hahaha! Eh, malay mo naman mabait siya pagdating sa bf niya."

"Oh sige, kampihan mo pa. Umuwi ka na nga, baka 'di kita matantiya eh." Asik ko.

Natawa lang siya "Oh relax. Chill lang Dre.

Chill chill. Chill mo mukha mo.

.

.

Download the app now to receive the reward
Scan the QR code to download Hinovel App.