Library
English
Chapters
Settings

Chapter 13

Xiel P.O.V.

"Nak, may bisita ka".. Tawag ni mama mula sa baba.. Bisita?.. Sino naman kaya yon?.. Wala namang pumupunta dito sa bahay kundi si pat lang, tska di na yon bisita kundi bwisita!..

Patamad naman akong tumayo sa kama para bumaba sa sala.. Hay istorbo..

Pagkababa ko nakita ko agad si ian.. Ung tropa ni kuya.. Ano namang ginagawa niya dito?..tsk!..

"Magandang gabi xiel".. Nakangiting bati niya sa akin.. May hawak hawak pa siyang isang piling ng saging.. Ano ako unggoy?.. Tss..

"Oy..".. Tango ko sakanya..

Umupo na kami habang nanonood ng t.v..

"Kamusta?.. Sabi ng kuya mo dito ko nalang daw siya hintayin eh"..

"Ahh.. Bakit may lakad ba kayo?"..

"Ahm wala naman.. Tatambay lang.. Tska...".. Napayuko naman siya at halatang nahihiya..

"Tska ano?".. Taas kilay na tanong ko.. Dami kasing paligoy ligoy eh.. Alam ko naman kung anong pakay niya dito.. Kasabwat pa talaga si kuya.. Mamaya sakin yon!..

"P-pwedeng.....u-umakyat ng ligaw?".. Hirap na hirap pa siyang sabihin..

"Pwede naman....".. Sagot ko pa sakanya at nakita ko naman ung lapad ng pagkakangiti niya.. "Pero hindi sa akin".. Diretsang sabi ko..

Bigla namang nawala ung ngiti niya at halatang napahiya.. Sorry boy..

"Ah g-ganun ba?.. Pero hindi pa din ako susuko.. Papatunayan ko sayong deserving ako sa pagmama---"..

Tinaas ko ung kanang kamay ko para tumigil na siya sa talumpati niya.. Naiirita lang kasi ako at nagsasayang lang siya ng laway..

"Oh tol nandito ka na pala".. Biglang dating ng kuya kong magaling.. Nag apir pa sila ni ian.. Lumingon naman siya sa akin pero sinamaan ko naman siya ng tingin..

"Oh xiel, nakapag usap ba kayo?"..

"Nakita mo na ngang nag-uusap na kami eh nagtatanong ka pa".. Pagtataray ko sakanya..

Tinawanan lang niya ko tska kinurot sa pisngi... Ang sakit ah.. Tinapik ko naman ung kamay niya..

Nag usap pa sila, tska pasimple akong tumayo at umakyat na sa taas.. Wala ako sa mood makipagdaldalan sakanila..

Nakahinga naman ako ng maluwag nung makapasok na ako sa kwarto ko tska padapang humiga sa kama.. Binuksan ko ung messenger ko..

3 messages.. Nakita kong may message si pau, pat at jane..

"Hoy nasan ka?".. Si pau..

"Dre, magparamdam ka naman.. Busy?".. Si pat..

"Baby ko.. I miss you".. Si jane.. Napangiti naman ako.. Ang sweet ng baby ko oh.. Kinikilig naman ako habang nagrereply sakanya..

After kong makipag bolahan kay jane nireplyan ko naman ung dalawang abnoy..

"Dito lang sa bahay.. Bakit?".. Tanong ko kay pau.. Siguro magkagalit nanaman sila ni jackie..

"Punta ka dito beks.. Kelangan ko ng masusukahan".. Reply naman ni paulang emotera.. Naku sinasabi ko na nga bat may problema nanaman ang babaita..

"Baliw ka!.. Sukahan ba ako?.. Si jackie papuntahin mo dyan"..

"Asa!.. Isa pa yon!.. Di man lang makaalalang kamustahin ako porket nasa baler".. Maktol pa niya..

Bigla naman nagreply si patricia..

"Dre, sunduin kita dyan, punta tayo kela pau.. Baka magbigti na yon eh"..

"Cge.. Daanan mo nalang ako dito".. Reply ko naman sakanya..

Nagpalit naman ako ng damit baka biglang dumating si pat eh..

After 15mins nagtext na si pat.. Nasa labas na daw siya ng gate namin.. Dali dali naman akong bumaba..

"Oh saan ka nanaman pupunta ha?".. Si mama..

"Ahmm.. Sasaglit lang kami kela paula ma.. Uuwi din ako agad".. Paalam ko pa..

"Uuwi agad?.. Ang sabihin mo bukas ka nanaman makakauwi".. Sermon na ni mercedes..

Niyakap ko na siya.. Baka kasi sumpungin ng highblood si mudra eh.. Gumanti naman siya ng yakap sa akin.. Yes good mood na ulit siya..

"Mag iingat kayo ni patricia ah?.. Kababae niyong tao ang gagala ninyo".. Pahabol pa ni mama..

"Opo ma.. Wag ka ng maingay".. Pigil ko sakanya.. Nandito na kasi kami sa labas ng gate habang nagsesermon pa siya..

"Xiel, hatid na kita..".. Singit naman ni ian kasama si kuya..

"Hindi na.. Kasama ko naman si pat eh tska malapit lang ung pupuntahan namin".. Tanggi ko pa..

"Gabi na baka mabastos kayo sa daan".. Pagpupumilit pa niya.. Hay naku naman talaga!..

"Wag na.. Kaya na namin.. Tska walang mambabastos sa amin dito".. Giit ko pa.. Ang kulit naman kasi!..

Hinila ko na din si pat para makaalis  na kami agad bago ko pa pagulpi toh si ian..dejoke lang.. Mabilis naman kaming naglakad papalayo..

"Xiel!.. Liligawan kita!".. Sigaw pa ni ian.. Letse!.. Iskandaloso.. May mga nakarinig pa namang kapitbahay namin..

"Naks..ang benta mo dre ah..mukhang tinamaan sayo ung tropa ng kuya mo"..panunukso naman nitong si patricio..

"Heh!.. Tigilan mo ko.. Ikaw paligaw ko don eh".. Inis na sagot ko.. Tatawa tawa naman ang abnormal..

.

.

"Mag aalak nanaman ba tayo?".. Tanong ko.. Nakita ko kasing may bote ng tanduay ice, san mig light tska soju sa mesa..

"Oh mga tropa pips ko.. Ang tagal niyo naman!..".. Salubong sa amin ni paula at bumeso pa.. Amoy alak na din siya..

"Sorry na.. Nahirapan kasi kaming umiskapo sa manliligaw ni xiel eh".. Nakangising sabi ni pat.. Abat!.. Siraulo talaga toh!.. Pinitik ko naman ung tenga niya para tumigil..

"Bwahaha.. Si xiel may manliligaw?.. Nakanang!.. Dalaga ka na beks?..".. Tukso ni paula at sinundot sundot pa ung tagiliran ko..

"Manahimik nga kayo!".. Irap ko sakanila..

"Gwapo ba ung manliligaw mo ha?.. Malay mo siya na ung TOTGA mo?.. Hirit naman ni ellen adarna.

?Kahit ako'y titibo tibo.. Puso ko ay titibok tibok pa rin sayo?.. Kanta naman ni paula na sintonado.. Ang lalakas talaga mang asar!..

Binato ko sila ng unan.. Ayaw kasi manahimik eh.. Napansin ko namang pababa si jewel sa hagdan at tahimik na naupo sa tabi ng ate niya..

"Tara tagay na, ng maaga tayong matapos".. Si pat na ung tanggera.. Inuna namin inumin ung soju..

"Ano xiel.. Bakit di mo itry mag boyfriend?".. Tanong ni pau habang pumapapak ng isaw..

Kumunot naman ung noo ko.. "Di ko keri beks.. Baka mag agawan pa kami sa chix pagnagkataon".. Nandidiring sagot ko..

"Magpakababae ka kasi.. Pahaba ka ng buhok.. Ang ganda mo na lalo nun". Suggest ni ellen sabay hawi ng buhok ko.. Tinapik ko nga ung kamay niya..

Bakit ba sila nangengealam?.. Sa ayaw ko maging pa girl.. Eww!..

"Oo nga dre.. Diba may ka puppy love ka nung grade 5 tayo?.. Si dave ba yon?".. Reminisce naman ni pat..

"Naging crush ko lang yon pero di naging kami.. Ang babata pa namin nun eh.. Ikaw lang naman ung maagang lumandi".. Banat ko kay pat habang tawang tawa.. Akala mo ah!..

"Tseh!.. Wala yon noh.. Uhugin pa ako nun eh..di naman kami nagtagal dahil ayaw magpatalo sa tex tska pog!".. Deny naman niya..

"Love, nag boyfriend ka din pala?".. Di makapaniwalang sabi ni ellen sabay halik sa braso ni pat.. Ang lalantod!..

"Naku naku... Usapang afam pala itey".. Sabat ni paula.. Siya na din nakaubos nung isaw at betamax..

"Ikaw nga dyan madaming boylet eh".. Si ellen..

"Hindi ah.. Naka tatlong flings lang ako tapos si athan ung tumagal sa akin pero wala eh.. Tinamaan ako kay jackie ko".. Kinikilig kilig pang kwento niya..

"Sus!.. Eh nasaan ba ung jackie mo ngayon?".. Basag ko sakanya..

Bigla namang nawala ung ngiti niya tska nalungkot ung mukha.. Hala siya..

"Nasa baler.. Kasama daw family niya.. Kung kelan bumabagyo tska nag beach".. Tampo pa niya habang nakanguso..

"Ipakilala mo naman sa amin si jackie mo".. Si pat..

"Bahala na.. Di kami nag uusap ngayon eh".. Parang batang nagtatampo..

"Oh siya tagay na at baka magkaiyakan tayo dito".. Putol ko na sa pagddrama niya..

Napasulyap ako kay jewel.. Busy siya sa selpon niya..kanina ko pa din napapansin na parang di niya ako nakikita.. Ung feeling na di ako nageexist.. Siguro may sumpong nanaman.. Bumalik nanaman ung pagiging snob niya sa akin.. Hay!..

"Dre, wag mong titigan baka gusto mong mabulag".. PaSimpleng bulong sa akin ni pat.. Inirapan ko naman siya..

"Oyyy".. Kiliti niya pa sa akin..

"Ano ba!".. Bulong ko.. Baka kasi makahalati sila sa pangaasar nito ni pat sa akin eh..

Tumayo na ako para kumuha ng yelo sa kusina at para narin makaiwas sa pang bbwisit sa akin ni patricio..

"Xiel, luto ka naman ng hotdog".. Sigaw ni pau sa akin.. Tsk! Nautusan pa ako..

Kumuha naman ako ng hotdog sa ref nila.. Bat kasi di sila kumuha ng maid para may utusan si paula..

Nag umpisa na akong magprito ng hotdog na panay talsik ng mantika sakin.. Litsi!..

"?pasulyap sulyap ka kunwari.. Patingin tingin----"..

Hinampas ko na sa pwet si pat bago pa matapos ung kinakanta niya.. Ang baduy!..

"Ouch.. Masakit yon ah".. Natatawa habang himas himas ung pwet niya..

"Ano namang ginagawa mo dito?"..  Duro ko sakanya ng siyanse..

"Oh bakit?.. Type mo talaga si je----".. Tinakpan ko na agad ung bibig niya..

"Tumigil ka nga.. Para kang sira eh.. Di ko siya type.. Gusto ko lang maging close kami ulit kaso anlabo eh"..

"Ayieee... Talaga ba?".. Bakit ganun ka nalang makatitig?".. Pang aalaska pa niya may pa ngisi ngisi pa.. Sarap pasuin sa noo..

"Anong titig pinagsasabi mo dyan?!..".. Aktong hahampasin ko siya ng platitong hawak ko..

"Kilala kita xiel.. Pati pag utot mo alam ko ibig sabihin".. Banat pa niya..

"Utot mo mukha mo!.. Baklang toh".. Pikon na sagot ko sakanya..natawa naman siya lalo..

"Pero masaya ka kapag nakakasama mo siya diba?".. Seryoso niyang tanong sa akin... Di naman ako nakakibo agad..

"Ung bonding niyo sa timezone nung nakaraan, Iba ung ngiti mo eh.. Ang sweet niyo pa nga"..

Anong sweet don?.. Eh tinalo niya lang naman ako sa larong tekken..

"Sweet?..saan banda?.. naglaro lang naman kami ng arcade..may  kundisyones pa nga----"..

Oppss.. Dapat pala di ko sasabihin kay pat ung napag usapan namin ni jewel noon..

"At ano namang kundisyon yon ha?".. Usisa niya pa... Nakuu.. Paktay na!..

"W-wala... Bumalik ka na nga don".. Pagtataboy ko sakanya..

"Oyy si xiel may sikreto".. Nilakasan pa niya talaga ung boses niya para marinig  sa sala..bwisit talaga toh!..

"Wag ka ngang maingay!".. Saway ko..

"Sabihin mo muna sa akin".. Kulit niya pa..

Napabuntong hininga tuloy ako.. Mapipilitan pa akong sabihin sakanya..

"Natalo kasi ako sa laro namin nun eh, kaya sagutin ko daw ung itatanong niya sa akin".. Paliwanag ko pa..

"Oh tapos?"..

"Ayon.. Unang tanong niya, b-bakit ko daw siya tinititigan habang tulog".. Medyo nahihiya pa ako.. Napangisi naman si pat..

"Bakit mo nga ba siya tinititigan?"..

"H-hindi naman kasi....ganito yon....".. Di ko pa alam paano eexplain..

"Ahahha.. Relax dre ako lang toh.. Natetense ka na eh".. Hagod pa niya sa balikat ko.. Hinampas ko naman siya..

"Eh hindi naman kasi talaga.. Napasulyap lang"..

Tumango tango naman si pat na halatang hindi kumbinsido..

"Yon lang tinanong niya?"..

"Ung huling tanong niya.. Bakit daw masarap ung tsokolateng binigay ko sakanya"..

"Hahahah.. So para pala talaga sakanya ung binili mong chocolate at hindi para kay jane?"..

Di ako nakasagot agad.. Alam mo ung feeling na nahuli ka sa krimeng ginawa mo.. Magaling talaga toh si pat magpaamin eh..

"Hoy ano na?.. Ang tagal sumagot".. Kunway naiinip pang sabi ni pat..

"Oo na nga!".. Naiinis na pag amin ko.. Tumawa naman siya ng malakas.. Pang asar talaga..

"Crush mo noh?".. Prangkang tanong niya.. May pa taas taas pa ng kilay.. Pinaningkitan ko naman siya ng mata..

"Ang tagal nanaman sumagot.. Crush mo or hindi lang naman".. Diin pa niya habang inaayos ung hotdog sa platito..

Crush?... Baka nga?.. Or namiss ko lang talaga siya?.. Ang tagal kasi naming di nagpapansinan noon eh.. Buti nga ngayon medyo nakakausap ko na siya kahit lagi niya akong sinusungitan at tinatarayan.. Namiss ko ung dating jewel..

"So ano?.. Crush mo nga si jewel?".. Pukaw sa akin ni pat.. Habang nakikipag talo sa inner self ko..

"Straight yon"..

"Di ko naman tinatanong kung straight siya... Ang tanong ko kung crush mo?"..

Hay ang kulit naman talaga!..

"Oo crush ko si wewel".. Diretsong sagot ko..

"Ehem"..

May narinig kaming tumikhim galing sa likuran.... Sabay pa kaming napalingon ni pat..

Oh shit!.. Si jewel pala!.. Narinig niya kaya ung pinag-uusap namin?.. At ung huling sinabi ko?...Nakakahiya!..

Literal na nanlaki ung mata ko sabay napaatras at napakapit sa tshirt ni pat.. Mukhang nagulat din si pat sa presensiya ng babaeng kaharap namin ngayon.. Para kaming nahuli sa akto.. Di ako makagalaw..

"K-kanina ka pa dyan?".. Sabay pa naming tanong ni pat kay jewel..

Tiningnan naman niya kami at nung nagtama ung mga mata namin tska nag smirk.. Luh!..

"Nuh.. Kakarating ko lang.. Why?".. Makahulugang tanong niya..

"Ahm.. Wala naman.. S-sige dalhin ko na toh don"..Nagmamadaling kinuha ni pat ung platitong may hotdog tska naglakad papuntang sala.. Iniwan akong mag isa!..

"Ahmm.. S-sige balik na din ako don".. Paalam ko. Di din ako makatingin sakanya ng diretso.. Tumalikod na ako at nakakailang hakbang palang ako ng....

"Crush pala ah"..

Napako naman ung mga paa ko sa narinig kong sinabi ni jewel.. Anak ng siomai na brown!.. N-narinig niya!... Oh my gas!.. Lord kunin niyo na po ako paleyss.... Ang bilis din ng kabog nung dibdib ko...

Balakajan.. Hindi na ako lumingon pa tska nagmamadaling naglakad papuntang sala..

Magugulpi ko talaga mamaya si pat!!! ..

.

.

.

Download the app now to receive the reward
Scan the QR code to download Hinovel App.