Library
English
Chapters
Settings

Chapter 12

Xiel P.O.V.

"By, wait lang ah?.. Malapit na matapos training namin".. Paumanhin ni jane.. Nanood kasi ako ng practice nila sa volleyball.. Isa siyang varsity player ng school nila..

"No prob by.. Sige bumalik ka na don".. Nakangiting sabi ko.. Ngumiti din naman siya sakin na pagkatamis tamis.. Lalo siyang gumaganda kapag nakangiti..

"Later baby".. Makahulugang bulong pa niya sa akin sabay kindat bago bumalik sa court.. Nagets ko naman agad kung ano ung minimean niya.. Mukhang mapapasabak ako nito mamaya ah..hehe..

Nakaupo lang ako dito sa couch habang pinagmamasdan si jane na naglalaro sa court..masasabi kong magaling siya lalo na pag magsspike.. Talagang umiikot ung bola at kung suswertehan ung feslak ng kalaban ang sasalo tiyak burado mukha nun.. Dejoke lang.. Ang gaganda din ng team mates niya infairness.. Mapaghahalataan mong may mga kaya sa buhay..makikita mo palang sa kutis nila.. Mala porselana..

Narinig ko din may nagsisigawan na mga studyante kapag nakakapuntos si jane.. Naks daming fans ah..

"Woah!... Galing mo!.. Aylabyou dela merced!".. Tili naman nung isang babae na makapalakpak at makacheer akala mo naman nanonood sa championship.. O.A. Lang..

Tumingin naman si jane sa gawi nila at ngumiti.. Kaya naman lalo silang nagkagulo.. Hay nakuu.. Hanggang pantasya nalang kayo mga ineng.. Sa akin na yang tinitilian niyo..

Tumagal pa ung friendly match nila hanggang 5th seats at team ni jane ung nanalo..

"Baby, sorry naghintay ka ng matagal".. Hingal na sabi ni jane ng makalapit siya sa akin.. Pinunasan ko naman agad ung pawis niya sa noo..

"Ice lang by..galing mo nga eh".. Proud na sabi ko pa habang nakangiti..

"Hindi naman...marunong lang".. Pahumble pa niya.. Isa din yan sa nagustuhan ko sakanya dahil wala siyang kaere-ere sa katawan.. Napakabait na tao..

"Ate ate.. Pwedeng magpapicture?".. Pabebe pa ung pagkakasabi nung girl.. May kasama pa siyang apat na babae..

"Sure".. Lumapit naman si jane sakanila at kanya kanya silang pose at dikit na din kay jane..

"Thank you ate jane..".. Ngiting ngiti naman sabi pa nung blonde ung buhok.. halatang kilig na kilig eh..

"No prob".. Genuine na sagot ni jane sakanila..

Humirit pa ng papicture ung isang kasama nila bago nagsilayasan.. Shoo..

"Sorry about that by..".. Parang nahihiya pa niyang sabi.. Ang cute niya..

"Nuh.. Kanina ka pa nagsosorry.. Ok nga lang.. Daming supporters ah?".. Sabi ko habang pinipisil pisil ung baba niya..natawa naman siya tska humawak sa kamay ko..

"ill take a shower muna.. I dont like my smell na".. Amoy niya sa suot na jersey Sabay kuha niya ng bag at patakbong pumunta ng shower room.. Natawa nalang ako sakanya.. Di naman kaya siya mabaho.. Parang mas nakakaakit nga ung wet look niya.. Ang hot pa ngang tingnan..

Kaya ko siya sinundo para Magdate kami.. almost 2weeks din kaming di nagkita dahil panay training nila para sa nalalapit na competation.. Naging abala din ako sa school dahil finals na.. Ngayon lang din ako magkatime sakanya.. Namiss ko siyang tunay..

.

.

"Ahhh baby".. Halinghing ni jane... Nandito kami ngayon sa pulang building.. After kasi naming magdinner gusto daw niya munang magpahinga at matulog.. Kaya ayon dito kami napunta..

Ung ungol niya parang musika sa tenga ko.. Pinagpatuloy ko lang ang paghalik sakanya..

"More baby...."..

Lalo naman akong ginanahan.. Maingay talaga siya kahit kiss palang ung ginagawa namin.. Parang doon pa nga lang solved na ako eh.. Pero nagulat ako ng siya na ung pumatong sa akin.. Di makapaghintay teh?..

Mukhang walang tulugan toh...

.

.

"Hoy xiel, bakit di ka nagpapakita dito?.. Panay ka nanaman chix.. Magka AIDS ka sana".. Lokong sabi ni pau.. Magkavideo chat kaming apat..

Natawa naman ako.. "Sira ka talaga.. Busy ako sa school"..

"School mo mukha mo.. Sabi ni pat tapos na exams niyo eh".. Tabla naman sakin ni ellen.. Mga kontrabida!. Si patricia naman tumatawa lang..  Di man lang ako ipagtanggol! Walangya..

"Pero ganda ng ngiti natin ngayon xiel ah?.. Blooming baga.. Nakascore ka nanaman noh?".. Malisyosong banat ni paulang tsismosa..

"Heh!.. Ang manyak mo talaga"..

"Lagi na niyan kasama si jane eh".. Laglag pa sa akin ni pat habang nakangisi..

"Ahh kaya naman pala kinalimutan na tayo".. Tirada naman ni pau.. Parang nagtatampo pa ata.. Hindi bagay..

"Raulo talaga kayo.. Wag nga kayong magtampo.. Bumabawi lang ako kay jane".. Paliwanag ko pa..

"Sus!.. Wala.. Wala.. Pinagpapalit mo na talaga kami".. Maktol ulit ni pau at may pa irap irap pang nalalaman.. Parang sira!..

Napatirik nalang ako ng mata.. Panigurado kasing di ako mananalo sa mga toh.. Kay paula palang suko na ako eh yon pa kayang full force silang tatlo?..

"Oh siya..treat ko nalang kayo".. Napipilitang suggest ko.. Labag man sa loob ko dahil tiyak magpapalibre sila ng sine at starbucks.. Mamumulube nanaman ako nito..

"Yehey!!".. Sabay sabay pa sila.. Mga adik talaga sa libre!..

"Ayan gusto ko sayo beks eh.. Ang sweet mo talaga".. Sabi pa ni pau habang kumukuti kutitap ung mata..

"Gusto ko ng strawberry frap na venti ung size ah".. Excited namang singit ni ellen..

"Ako mcdo lang dre.. Double cheeseburger, large fries tska large coke na rin".. Isa pa tong si patricia..

"Hanep ah?.. Wala pa nga may kanya kanya na kayong order!"..

Tawanan naman sila.. Mga may sayad talaga sa utak..

.

.

"Xiel, gushto ko yon.. Shaka ito".. Maarteng turo ni paula sa blueberry chessecake..

"Para kang sira dyan.. Wag ka magturo baka manuno".. Natatawa kasi ako.. Ang pabebe magsalita ampucha.. Nakapulupot pa sa braso ko.. Pinagtitinginan tuloy kami..

Nandito kami sa starbucks.. Gusto daw kasi nilang magkape.. Ang aarte!.. May kopiko naman sa bahay!.. Gusto pa ng mahahalin..

"May magandang movie ngayon xiel.. Horror yon eh".. Ngiting ngiting sabi ni ellen habang iniisip ata ung title.. Sinasabi ko na nga bat magpapalibre sila ng sine..

"Hindi maganda yon".. Kontra ko pa.. Kahit di ko naman alam kung anong palabas yon.. Hinampas naman niya ko sa braso..

"Ahh oo.. Blockbuster nga daw yon sa states eh..".. Dagdag naman ni paula habang sumisipsip ng mocha frap niya..

"Namatay nga lang daw don ung batang anak nung bida".. Malungkot naman kwento ni ellen..

"Spoiler!.. Oh alam niyo naman na pala ung kwento eh bakit panunuorin pa".. Reklamo ko naman..

Sinamaan naman  ako ng tingin nung dalawang namumula ung labi sa kapal ng lipstick.. "Sabi ko nga mukhang maganda yon eh"..

Bigla naman silang ngumiti sa akin.. Mga bipolar ampucha.. Pumunta na kami sa bilihan ng ticket ako na din ung pumila dahil ako naman ung magbabayad.. Hiyang hiya naman ako sakanila eh..

"Gawin mo ng lima ung ticket beks".. Abot ng bayad ni paula sa akin.. Nagtaka naman ako kung bakit lima?.. May susunod ba?.. Ahmm. Baka si jackie niya?..

Pagkabayad ko pumasok na kami sa loob dahil magsisimula na ung palabas.. Sa may gitna kami pumwesto para sentro sa screen.. Nagsave na din kami ng upuan para don sa isang hahabol daw..

"OMG! Ayan naa".. Kilig namang sabi ni paula na akala mo kinikiliti eh..

"Hoy hindi love story ung papanuorin natin makatili ka dyan".. Sita ko pa..

"Eh bakit ka nangengealam?.. Kanya kanya tayong trip dito pre".. Siga pa niyang tapik sa braso ko.. Hay grabe matutuyuan talaga ako ng dugo pag siya kasama ko..

Naguumpisa na ung palabas ng may napansin akong nageexcuse palapit sa pwesto namin.. Umupo naman siya sa may tabi ko.. Napalingon naman ako sakanya...

...akala ko si jackie......si jewel pala....

Napaiwas naman ako agad ng tingin.. Bigla akong naging uneasy.. Naalala ko nanaman ung huli namin pagkikita.. About don sa tsokolate.. Grabe dyahe talaga yon.. Nagfocus nalang ako don sa palabas..

Umpisa palang nakakagulat na agad ung mga eksena.. Nagtitilian na rin ung mga kasama naming nanonood.. Kanya kanya ding takip sa mukha.. Ang weweak anubaya---

"Wahhh!!".. Biglang sigaw ni paula..

"Ahhhhh".. Napatili na din tuloy ako.. Bwisit!.. Hindi ako don sa palabas nagulat eh kundi sa bunganga nitong si pau!.. Napasulyap tuloy ako don sa katabi kong seryoso lang na kumakain ng popcorn at umiiling iling pa sakin.. Hindi man lang siya natakot or nagulat?.. Oh edi siya na..

Habang tumatagal ung palabas pa hardcore na din ung mga gulat na eksena.. Magkakasakit ata ako nito sa puso eh.. Napapahigpit ung kapit ko sa burger na hawak ko habang tutok na tutok sa palabas na kapag tumagal pa baka maihi na ako sa pantalon..

"Wag mong sakalin ung hamburger.. Kawawa naman"..

Rinig kong nagsalita si jewel habang nakatingin sa screen.. Napatingin tuloy ako sa burger na hawak ko.. Wait nasaan na ung patty?..

Naconcious tuloy ako, sabay kagat sa burger na wala na atang palaman...

.

.

"Grabe beks nakakatakot pero ang ganda.. Ulitin natin".. Sabi pa ni pau na mukhang di pa nakakaget over sa pinanood namin..

"Mag isa ka nalang manood ulit".. Sarcastic na sabi ko..

"Luh siya!.. Takot ka lang eh.. Ang weak mo pa nga".. Asar pa sakin ni paula habang nagllipstick..

"Takot ka diyan!.. Di naman ako sa palabas nagugulat eh, sa lakas ng tili mo talaga".. Irap ko pa sakanya.. Ung boses niya din kasi ung nangingibabaw kanina sa loob ng sinehan.. Napapatingin na nga sakanya ung ibang nanonood don eh..

Natawa naman siya.. "Mag arcade nalang tayo".. Hila sakin ni paula palabas ng comfort room..

Dumiretso na kami sa timezone dahil gusto naming magbasketball kaso ang siste sa videoke hub kami napunta..

"Tara mga beks kanta na tayo".. Sabi pa ni paulang promotor kung bakit kami nandito.. Siya lang naman kasi talagang may gusto dito eh.. Ang lakas ng loob magyaya, buti sana kung ala KC tandingan ung boses or kahit kay moira nalang, eh kaso mas maganda pa ata ung boses ng itik sakanya..

Nag umpisa na siyang bumirit at ung kanta pa talaga ni regine ung binanatan.. Grabe ang sakit niya sa ulo.. Natimik na nga lang kami habang pinagmamasdan siya.. Kung pwede nga lang magtakwil ng kaibigan juskopo!..

Nakita kong lumabas si jewel.. Narindi ata sa boses ng ate niya.. Lumabas na din ako, di ko na kasi kinakaya ung nginig ng boses ni pau habang kumakanta.. Makapag laro na nga lang ng basketball..

Ayon sakto may bakante pa.. Lagi kasing may naglalaro dito.. Di nauubos ung tao.. Nagumpisa na akong maglaro.. Halos shoot lahat.. Alright!.. Naka round 2 din ako at 200 points.. Not bad.. Ang galing ko talag----

"Ang lupet nung chix oh".. Rinig kong may nagsalitang lalaki sa likuran ko at nakatingin sila sa katabi kong naglalaro din ng basketball.. Si jewel... At bakit ang galing niyang magshoot ng bola?!..

Lahat ng tao don pinapanood na siya.. Halos lalaki pa naman.. Nakakaasar.. Ung iba nga hindi sa bola nakatingin kundi sa seksi niyang katawan.. Naka simpleng v-neck na puting tshirt, ripped jeans na hapit at white shoes na adidas.. Ang simple ng suot pero agaw atensyon lagi.. Di nga siya palamake-up eh..

305 points ung score niya.. Galing ah?.. Natalo pa niya ako.. Mahilig din pala siyang magbasketball.. Ang hinhin kasi niyan kumilos di ko akalaing naglalaro siya nun..

"M-miss... Pwedeng makipagkilala?". Harang sakanya nung lalaking mukhang hayop este hype beast..

Tiningnan lang niya ito tska naglakad ulit kaso nuknukan naman talaga ng kulit dahil humarang pa sa daraanan.. Tatlo sila ng mga alipores niya na kung makatingin ang mamanyak!..

"Can you move aside boys?".. Pormal na sabi ni jewel habang nakatingin sa tatlong ugok..

"Ang suplada mo naman.. Makikipag kilala lang nama----"..

"Magsitabi nga kayo".. Singit ko na..

Napatingin naman sila sa akin.. "Luh! Ang sungit mo naman teh..".. Sabi naman nung isang payat na may panyo sa ulo.. Akala mo albularyo eh..

"Talagang masungit ako kaya tumabi kayo.. Shoo".. Marahan ko namang tinulak sila sa tabi para makadaan kami.. Hinila ko na din si jewel para makalayo sa mga mukhang mambabalut..

Lumabas kami sa may timezone dahil nahihilo ako sa dami na din ng tao.. Halos mga teenager na nagtutumpukan sa loob..

"Ung kamay ko".. sabi ni jewel.. Napatingin naman ako sa kamay niya na hawak ko pa pala.. Ay shemay!..

"Ay sorry".. Sabay bitaw ko naman dito..

....Awkward....

Naglakad siya papunta sa john lemon na stall.. Sinundan ko naman siya don.. Nauuhaw na din ako eh.. Umorder naman siya ng large size nung lemonade.. Di naman siya uhaw noh?..

"135 po"..

Tumingin naman sa akin si jewel.. "Bayaran mo na".. Sabi pa niya at naglakad na pabalik sa timezone.. Wow ibuhh!.. Ako pala magbabayad nito?.. Hayy.. Maglalakad na ata ako pauwi..

Bumalik na ako sa timezone at Hinanap ko siya sa loob... ayon siya nakaupo sa may gilid habang umiinom ng juice.. Nakiupo na din ako sa may tabi niya..

"Oh".. Abot niya nung juice sa akin.. Kinuha ko naman ito.. May taga hawak pa?.. Tsss... Naghulog siya ng token sa larong tekken.. Tahimik lang akong nanonood sakanya.. Babae ung character na pinili niya..  At akalain mong magaling din pala siya dito?.. Pinamamangha niya talaga ako ah?.. Gamer din pala siya?..

Kung titingnan ko kasi siya, wala sa personality niya ung ganito.. Parang iisipin mong kikay siya, seryosong babae na ang hilig lang eh magbasa at gustong laging mapag isa.. Masungit at mataray na hindi basta basta nalalapitan ng kung sino..  Ang dami na palang nagbago sakanya..

"You win".. Sabi pa.. Nanalo nanaman kasi siya sa next round.. Hanep!..

"'Maglaro ka din"..

Napalingon naman ako sakanya... Sinong kausap niya?..

"Ha?"..

Inikutan nanaman niya ako ng mata at nakatuon ulit ung atensyon niya sa laro..

"Pagnatalo mo ako, ibibigay ko sayo si pikachu".. Hamon niya sa akin..

Pikachu?... Anong sinasab----- ahhh.. Ung laruan na nasa machine.. Kanina ko pa kasi gustong makuha yon eh.. Paano naman niya nalaman yon aber?.. Ito nanaman po si wonder woman..

Excited naman akong naghulog ng token para kalabanin siya..

"Pero kapag natalo kita...."...

She paused.... Naghintay naman ako sa sasabihin niya... Pa suspense pa!..

"Sasagutin mo ung itatanong ko sayo"..

Tanong?.. Ano naman kaya yon?.. Ito si jewel ang daming alam sa buhay. Tsk!..

"O-okay".. Sabi ko nalang kahit medyo kinakabahan ako sa itatanong niya mamaya..

Round 1...

Ung ang seryoso ko habang naglalaro.. Samantalang siya cool at chill lang..

Nanalo siya sa round 1.. Babawi ako akala mo dyan!..

Round 2..

Sipa sipa.. Suntok suntok...

"K.O.".. Yes! Nanalo ako.. Para akong timang na napakagat labi at ngiting ngiti nung matalo ko siya.. Akala mo ah.. Alam ko na kasi kung paano ung galaw at diskarte niya..

Roung 3.. Ito ung napakadelicate.. Last and final round na eh.. Pinagpapawisan na ko..  Palitan kami ng suntok at sipa.. Labasan pa ng special powers..

Malapit na akong manalo... Konti nalang kasi ung buhay niya... Napapangiti na ako... Attack!!..

"K.O."..

P-paano niya n-nagawa yon?... Napalingon ako sakanya na may kasamang mangha...N-natalo ako eh!.. Kala ko matatalo ko na siya kasi lamang ako.... Ang kaso ginamitan niya ako ng sunod sunod na attack.. Di na tuloy ako nakaporma.. Nakakainis!..

Tumingin din siya sa akin.. Ung tingin na may angas habang nakasmirk na parang sinasabi niyang ano ka ngayon?..

"So paano ba yan natalo ka".. Mapang asar pa niyang sabi..

"Oo na.. Eh ano ba ung t-tanong mo?".. Medyo kinakabahan ako..

Kinuha niya muna ung lemonade na hawak ko tska uminom...

"Bakit mo ko tinititigan habang tulog?"...

"H-ha?..".. Napatanga naman ako sa tanong niya.. Di ako handa!..

"At bakit ang sarap nung tsokolateng binili mo para sakin?".. Follow up question pa niya.. Ay grabee!.. Di ko pa nga alam kung paano sasagutin ung una niyang tanong eh..  At malay ko ba kung bakit masarap yong chocolate na yon.. Ako ba gumawa nun?!.. Langya! Pati ba naman yon pproblemahin ko pa?.. Ang weirdo niya din eh..

"H-hindi naman...kasi".. Nauutal pa ko.. Shit! Ang hirap magexplain.. Lalo na kapag siya na ung kaharap ko..

"Ang simple lang nung tanong, di mo pa masagot".. Tirada nanaman niya..

Wait lang pwede?.. Atat lang teh?..

"H-hindi naman kita tinititigan nun eh".. Tukoy ko noong don ako nakitulog sa kwarto niya nung may sakit ako.. Tska ang tagal na nun! Anubaaa...

"Talaga lang ah?".. Titig pa niya sa akin..

"Magtatanong ka tas di ka din naman pala maniniwala".. Angil ko pa..

"Kasi hindi yon ang sinasabi ng mga mata mo".. Prangkang sagot niya.. Natameme tuloy ako..

"Tska mo na ako kausapin kapag......kaya mo ng sagutin ung mga tanong ko sayo"...

Naspeechless ako mga beks...

"Ubusin mo na toh sayang".. Dagdag pa niya at inaabot sa akin ung lemonade na nakalahati na niya.. Tumayo na siya at iniwan akong nakatulala..

.

.

.

Download the app now to receive the reward
Scan the QR code to download Hinovel App.