Chapter 14
Xiel P.O.V.
Dre!.. Pssst dre!".. Sigaw ni pat kaya napalingon ako..
"Oyy ikaw pala"..
Humihingal naman siya.. "Ang bilis mo namang maglakad.. Kanina pa kita tinatawag eh"..
"Sorna, nagtetext kasi ako"..
Sabay na kaming naglakad papasok sa campus.. Dumiretso muna kami sa cafeteria.. Maaga pa naman eh..
"Mag staycation naman daw tayo".. Sabi pa ni pat habang namimili ng pagkain..
"Sino nagsabi at saan naman?"..
"Si pau.. Mag 6th monthsary na kasi kami ni ellen, Gusto ko nga sanang isurprise natin siya eh.."..
"Sige.. Pero Saan nga?".. Iritang tanong ko..
"Ahm.. Gusto nila sa resort nung tita nila pau sa calaguas"..
Ang layo naman!.. Tska magastos don..
"Bat ang layo?.. Dito nalang tayo.. Kahit sa tagaytay ganun".. Suggest ko pa..
"Ang tamad mo talaga.. Hindi ka ba nagbabasa sa group natin?.. Tska Ayaw mo nun makakasama mo ng matagal si jewel... Ayieee".. Tukso nanaman niya at maharot na pinisil pisil ung braso ko..
Simula kasi nung pag amin kong crush ko si jewel, walang araw na di ako inaasar ni pat!.. Pero syempre walang alam sila pau at ellen don.. Pero mukhang alam na ni jewel.. Hay!.. Narinig nga niya kami diba?.. Tsk!.. Di na din ako pumupunta sakanila.. Di pa kasi ako handa pag nagkita kami ulit ng malditang yon eh.. Buti nga di ako kinukulit ni pau..
"Oh tulaley ka nanaman dyan.. Narinig mo lang pangalan ng crush mo eh".. Siko pa niya sa akin..
"Ako tigil tigilan mo patricio ah!".. Banta ko pa sakanya.. Lalo naman siyang natawa..
"Basta sabihin mo sa tagaytay nalang kesa bumyahe ng napakalayo.. Alam niyo namang tag ula----"..
"Oo na.. Ang dami mo ng sinabi tsk".. Putol pa sakin ni pat..
"Basta sumama ka okay?.. Kundi magtatampo ako sayo tska tulungan mo akong mag set up para sa surprise ko kay ellen"..
"Tampo tampo ka pa dyan.. Ilibre mo muna ako nito".. Turo ko don sa lasagna at chifon cake..
Napakamot naman siya sa ulo tska nilabas ung wallet niya.. Alright!.. Nakalibre pa ko ng almusal hehe..
After naming bumili ng pagkain umupo kami sa lagi naming pwesto..
"Kamusta na pala kayo ni jane?"..
Napaangat naman ako ng tingin.. "ayos lang naman.. Busy yon ngayon sa volleyball".. Sumubo na ako ng lasagna.. Wala man lang kalasa lasa..
"Ahh.. Ang tagal niyo na din ah?..".. Sabi niya habang tumutusok sa cake ko..
Tumango lang ako tska pinagpatuloy ung pagkain..
"Break na pala si JM at jewel eh"..
Napahinto naman ako sa pagsubo sa narinig kong yon.. Kunot noo akong tumingin kay pat..
"Weh di nga?".. Di makapaniwalang sabi ko.. Grabe ganun na ba katagal nung di ako nakiki-tsismis sa mga nangyayari sakanila?..
"Oo nga.. Sabi ni pau.. Kala ko naman alam mo na.. Mag backread ka kasi sa GC natin"..
"Bakit naman daw sila nagbreak?".. Pasimpleng tanong ko.. Kunwari di ako interesado..
"Nambabae daw si JM..".. Bale walang sabi ni pat..
"Nambabae?.. Naghanap pa talaga siya ng iba ah?.. Ang ganda ganda na nga ng gf niya, nakuha pa niyang magloko?!".. Nanggagalaiting kumento ko..
"Oh bakit G n G ka dyan.. Ikaw ba ung niloko?".. Natatawang sabi ni pat..
Kumalma naman ako.. Oo nga naman.. Bakit ang O.A. Ko makareact?..
"A-ayoko lang k-kasing ginaganun si jewel.. Kababata natin yon eh.. Tska close kami dati noon.. Ayokong may nag papaiyak sakanya"..
"Gusto mo ikaw lang nagpapaiyak?".. Birada naman ni pat habang nakangisi..
"Raulo!.. Hindi sa ganun tsk!".. Asar pero natatawa naman ako..
"Ahahah.. Nagegets ko naman ung punto mo eh.. Kaso syempre lalaki yon, hindi makaiwas sa tukso.. Tska malay mo hindi na nakayanan ung kasungitan ni jewel".. Hagikgik pa niya..
"Makita ko lang ung JM na yon.. Naku,mata lang talaga niya ang walang latay".. Gigil ko pa..
"Pero ayaw mo nun single na siya.. Wala ka ng karibal".. Tudyo pa niya..
Eh ano kung single siya?.. Straight nga yon!.. Hindi ko naiimagine na papatol siya sa kapwa ko mahal ko..
"Alam mo namang may pagka homophobic yon diba?.. Napilitan na nga lang ata tanggapin ung relasyon ni pau kay jackie eh"..
"Ahmm sabagay.. Pero malay mo naman.. Baka hinihintay ka lang?".. False hope pa niya sakin..
Napailing nalang ako.. Malabo mangyari yon.. Parang maghihintay ako na pumuti ung uwak ganun?..
****
"Namiss kita beks!".. Tili ni paula ng makita ako sabay pulupot pa sakin na parang tarsier..
"Wait nga.. Ang bigat mo!".. Pilit kong tinatanggal ung pagkakapit niya sa leeg ko..
"Nagpatabas ka nanaman?..Ang ikli ng buhok mo oh"... Kunot noo pa niya habang inaayos ung bangs ko..
"Tsk! Ginugulo mo lang eh..".. Inaalis ko ung kamay niya sa buhok ko..
"Ampogie mo na lalo.. Naks!". May pa kindat kindat pa si paula.. Muntanga..
Sa totoo lang namiss kong tumambay dito.. Ilang linggo din akong di nagpakita eh..
"Oh para sa inyo".. Abot ko nung suman at kutsinta..
"Woow sarap nito ah?.. Saan mo naman ito nahingi?".. Tanong pa ni pau na naglalaway na sa suman..
"Gawa yan nila lola galing pa yang antipolo"..
"Ahh.. Don ka nagbakasyon?".. Usisa pa niya..
"Ahm oo.. Sembreak na eh"..
"Oy ung gala natin habang bakasyon dapat matuloy na".. Paalala ni pau..
"Wag na sa calaguas, ang layo tska magastos..".. Kontra ko naman..
"Napakakuripot mo talaga beks.. Oh siya tagaytay na nga lang".. Sang ayon ni ellen..
"Ayon oh!.. tuloy na yan okay?.. Habang bakasyon pa.. Isasama ko si jackie ko, para mameet niyo na din siya mga beks".. Galak na galak naman si pau at hanggang ngala-ngala na ung ngiti ng babaita..
****
"Ang galing talaga ng plano mo paulina!.. Kala ko ba walang bagyo?".. Naiiritang reklamo ko..
Paano naman kasi halos tangayin na kami ng hangin at wala ding tigil ung ulan.. Take note sa tagaytay pa kami pupunta.. Sobrang lamig don ngayon tsk!..
"Aba malay ko ba?!.. Sinabi kanina sa news na tirik daw ung araw ngayon, di ko naman alam na may hanging habagat bigla!..don ka magreklamo sa PAGASA".. Irip pa ni paula.. Naku naman talaga!.. Sarap sabunutan eh..
Napabuga nalang ako sa hangin sa sobrang inis.. Basang basa kasi ung jeans ko at sapatos dahil lumusong ako sa baha don sa kanto namin kanina..
Dinaanan pa si jackie sakanila, kasama ung friends pa nito.. Pumasok kami sa isang private subd dito sa may eastwood libis.. Sosyal!.. Huminto kami sa green na gate.. Ang ganda nung bahay.. Modern type.. Maya maya din may lumabas na maputing babae na nakashorts at naka hoodie jacket.. Kasunod naman niyang lumabas ung isa pang babae at lalaki..
Pagpasok niya sa kotse humalik ito agad kay pau sa pisngi at yumakap.. Ito nga ung jackie.. Maganda siya.. mahaba ung buhok at makinis.. Mas maganda siya sa personal.. Sa picture ko lang kasi siya nakikita dati..
"Si jackie pala guys".. Sabi pa ni pau habang nakapulupot sa braso nito..
Pinakilala naman ni jackie ung mga kasama niya.. Ung lalaki Di ko trip.. Pacute eh.. May itsura naman at mukha ding mayabang este mayaman.. Ung girl palangiti si rica.. Cute siya.. Mukhang mahinhin eh..
Medyo mahaba ung byahe namin kaya iidlip nalang muna ako, tska para di rin mabadtrip don sa siraulo este raul na friend ni jackie. Paano naman kasi ang lakas ng loob tumabi kay jewel!.. Nakakainis!..
.
.
Pagkarating sa tagaytay dumiretso muna kami sa isang resto malapit don sa pagsstayhan namin na hotel..
"Gusto ko ng bulalo".. Sabi ko habang himas ung tyan kong kanina pa nagwawala.. Tom jones na ako..
"Ako sopas".. Sabi pa ni patricia A.K.A. Patricio...
"Sopas pala gusto mo eh, dapat don nalang tayo kumain sa labasan namin kay ate doray, nakatipid pa tayo.. Dumayo ka pa dito sa tagaytay".. Pang aasar ko kay pat.. Ang sama tuloy ng tingin sakin.. Bwahaha.. Tinawanan pa siya ni ellen kaya lalong nainis ang bruha.. Hihi!..
Umorder na kami dahil gutom na din ang lahat.. Panay din sulyap ko kay raul at jewel.. Naririnig ko din ung mga simpleng pagtatanong niya kay wel.. Mukhang interesado sakanya ang kups!..
"Parang mananaksak kana dre ah?... Kawawa ung tinidor sayo eh".. Simpleng bulong sa akin ni pat at napatingin na din kela jewel..
"Eh kung isaksak ko kaya toh sa ilong mo?".. Inis ko namang sagot sakanya.. Tumawa naman siya tska tinapik tapik ako sa balikat..
Ang tahimik ng lahat nung dumating ung pagkain.. Galit galit muna.. Nakakagutom eh... Kukuha sana ako ng spicy chicken ng magsabay kaming tumusok ni jewel sa pakpak ng manok.. Nauna naman siyang bumitaw dito tska tumingin sa akin.. Pero imbis na ilagay ko sa plato ko nalagay ko yon sa plato niya.. Napatingin siya ulit sakin pero yumuko na ako at pinagpatuloy ung pagkain.. Naiilang pa din kasi ako sakanya.. Di pa din kami nakakapag-usap ulit.. Okay na rin yon kasi di ko din alam kung paano ko siya kakausapin.. Malamang sa alamang kasi tatarayan at magsusungit lang yon.. Lalo na ngayong alam niya atang crush ko siya.. Shemay!.. Araw araw ko atang pinagsusuntok nun si pat after nung insidenteng pag amin ko na narinig pa ni jewel.. Hay!..
"Hoy xiel, bat ang sama n tingin mo sa bangus?..".. Sita na may kasamang pang aasar naman ni paula.. Natawa tuloy si rica at ung raul.. Sinamaan ko nga ng tingin ung epal..
"Jewel oh".. Alok sa hipon ni... sino pa nga bang kups?...si siRAULo..
"Thanks".. Sagot naman ni wel habang nilalagyan ung plato niya..
Parang nabusog ako bigla sa mga nakikita ko.. Bakit di man lang sinusungitan ni jewel ung epalogs na yon?.. Kakakilala lang nila ah?.. Dahil ba lalaki yon?.. Parang nakaramdam naman ako ng insecurities sa sarili ko.. Dahil ba bixesual ako jewel kaya ganyan ka nalang sa akin?..
Tumayo na ako, pansin ko din ung pagtataka sa mga mukha nila..
"Oy tas ka ng kumain?".. Tanong ni pau..
Tumango lang ako tska lumabas ng resto.. Parang nassuffocate kasi ako sa loob eh.. Sana pala sinama ko si jane.. Kaso mas naging busy siya lately.. Di ko naman siya kunukulit lalo na pagdating sa mga gusto niyang gawin.. Lalo na ang volleyball..
Napapikit ako at ninanamnam ung simoy ng hangin.. Ang sarap naman dito.. presko..nakakarelax..
.
.
"So jewel, do you like books?".. Rinig kong tanong ni raul na puno ng kayabangan..
"Yeah.. I love to read".. Tipid na ngiti naman niya..
Pasimple ko lang silang pinagmamasdan.. Hinawi niya pa ung buhok ni jewel na humaharang sa mukha nito..
"Pareho pala tayo.. We have something in common".. Pagpapacute pa nito.. Naiirita naman ako sa mga pasakalye niya.. Mga lalaki talaga pare-pareho ung style ng pahaging eh.. Style mo bulok pre!..
"Is it okay if i invite you.....for a dinner when we get back to manila?".. Ubod ng hangin pa niyang tanong..
Napatingin naman ako kay jewel at atat na hinihintay ung isasagot niya..
Wag kang pumayag...
"Ahmm".. Saglit pa siyang nag isip..
Please wag kang------
"Okay.."..
Para akong nanghina sa sagot niyang yon.. Ang bilis naman niyang bumigay sa gunggong na toh!..
Nakita ko din kung paano natuwa ung kups sa pagpayag ni jewel.. Akala mo tumama ng jackpot sa lotto eh.. Tss!..
"Hi"..
Napalingon naman ako sa nagsalita.. Si rica.. Nakasmile siya sa akin.. Anebeh.. Ang cute niya lalo..
"H-hello".. Ngiti ko din sakanya.. Umupo siya sa tabi ko at tumingin kela wel at raul na mukhang nagliligawan na.. Buset!..
"Bagay sila noh?".. Sabi pa niya habang nakamasid pa din sa dalawa..
Kelan pa naging bagay ung tao at alien?.. Di nalang ako kumibo.. Tss!..
"Ang ganda dito sa tagaytay"..
"Oo nga eh.. Sana nga ganito sa manila".. Sangayon ko naman sakanya..
"Taga saan ka pala sa manila?".. Tanong niya habang hinahawi ung mahaba niyang buhok.. Lalo tuloy siyang naging cute..
"Taga quezon city.. Ikaw?".. Sagot ko naman..
"Makati..".. Di pa din mawala ung ngiti niya.. Anubayan.. Napapangiti din tuloy ako..
"Hoy beks, wag mong aswangin yang si rica ah?.. Sinasabi ko sayo".. Biglang may bumatok sakin.. Bwisit na paulina toh. Panira ng moment...
"Tado... Nag-uusap lang kami.. Napakamo".. Simangot ko pa sakanya..
"Asuus.. Mga style mo xiel.. Wag kami".. Pambuburaot naman ni ellen.. Nag join force nanaman ang mga kontrabida sa buhay ko..
Napatirik nalang ako ng mata, di na ako sumagot dahil pagkakaisahan lang naman nila ako eh.. Natatawa lang tuloy si rica sakanila..
"Mukhang dinidiskartehan ung sistah mo beks ah?".. Si ellen habang sinisipat sipat sila jewel at raul na kala mo wala ng bukas magbolahan..
"Oh nga eh.. Kakabreak lang nila ni JM may umaaligid na agad. Hay.. Iba talaga lahi namin.. habulin".. Ubod ng hangin habagat namang tirada ni pau..
Napatingin tuloy kami sakanya.. "Oh bakit ganyan kayo makatingin?.. Lamang lang ng isang paligo yan si jewel sakin noh.. Ako pa din ang dyosa.. Diba babe?".. Sabay akbay naman niya kay jackie na nangingiti lang sa mga banat ni pau..
Napailing nalang din ako tska sumulyap ulit sa dalawang parang may sariling mundo.. Mukhang enjoy na enjoy pa tong si maldita kay raul ah?.. Puro kayabangan lang naman at mga baduy na litanya ung naririnig ko don. Sus!.. Kahit ata ipis di kikiligin eh.. Duh!..
"Wala ka pala dre eh".. Bulong na parang bubuyog naman nitong c pat.. Sinamaan ko naman siya ng tingin..
***
"Ang sharap nitong shocolate"... Timawang sabi ni pau.. Grabe naman kasi makalamon.. Kala mo ngayon lang nakakain ng tsokolate..
"Kanino naman galing toh?".. Tanong ko pa habang namimili ng chocs na nakakalat sa lamesa..
"Kay..rahsndbd"..
"Ha?.. Ano?..".. Linggwaheng kokey nanaman kasi toh eh... Nilunok muna niya ung kinakain niya tska nagsalita ulit..
"Ang sabi ko kay raul.. Bingi!".. Pinandilatan pa ko ng mata.. Nahagis ko tuloy ung chocolate na mars na dapat kakainin ko na.. Galing pala kay siRAULo eh.. Di yan masarap yuck!..
"Eh bat ikaw kumakain niyan?".. Nakapameywang pa ko..
"Eh paki mo?.. Nakatambak lang naman sa ref eh.. Sumakit na ata ngipin ni jewel kakabigay ng chocolate ni raul.. Halos araw araw nandito yon".. Sagot pa ni pau habang nagbubukas ng M&M.. Di pa nga ubos ung kinakain niya.. Ang takaw.. Magkadiabetes ka sana.. Tseh!..
"Ahh.. Nanliligaw na pala talaga".. Pasimpleng kumento ko pa..
"Oo beks.. Laging hatid sundo.."..
"Boto ka naman ba?"..
"Ahmm.. Mabait naman si raul tska matyaga kay jewel kahit may sapak".. Natatawang kwento pa niya.. Napataas naman ung kilay ko.. Mabait?.. Nagpapa-impress kamo. Sus!..
"Oh ayan na pala sila eh"..
Bigla namang kumabog ung dibdib ko.. Dapat kanina pa ko umalis eh, ayoko kasing magpang abot kami ni jewel.. Di pa din kami nagkikibuan kahit sa tagaytay.. Parang di nga niya ako napapansin noon.. Oh well.. Ganun naman talaga siya sakin diba?..
Paglingon ko kasama nila jewel si jackie.. Out of place na ko nito.. Maka batse na nga..
"Guys, una na ko..".. Paalam ko tska mabilis na sinukbit ung backpack ko..
"Oy..oy..mamaya ka na umalis..".. Pigil ni paula sa akin..
"Eh gabi na kas----"..
"Oo nga xiel.. Maulan pa sa labas".. Singit ni jackie..
Wala na akong nagawa kundi umupo nalang ulit sa couch habang nakamangot.. Naiirita nanaman kasi ako sa pagmumukha ni raul.. As usual mayabang pa din ung dating.. Rich kid eh.. Tumayo na ko para pumunta ng kusina.. Nagdidilim ung paningin ko kay kups..
"Beks, paki micro ung popcorn.. Mamats".. Habol na sigaw ni pau.. Palautos talaga tong babaitang toh..
Nilagay ko sa micro ung popcorn at nagtimpla na din ako ng ice tea..
May naramdaman akong taong nagbukas ng ref... Si jewel.. Napaiwas ako agad ng tingin at tinuon ung atensyon ko sa ice tea na tinitimpla ko..
....silence....
"G-gusto mo?"... Alok ko..
Napatingin naman siya sa akin..
"Ang alin?.. Ung ice tea?.....oh.." She paused... Tapos tumitig ulit sa akin..
"Oh ako?".. Painosenteng banat naman niya... Feeling ko namula ako... Nang huhuli ba siya?.. Shes teasing?.. Ay ewan!..
"Ung ice tea".. Naninigas na sabi ko.. Para ding tambol ung kabog ng dibdib ko..
"Ahh.. Kala ko ako".. Bulong pa niya..
"Ha?"... Di ko kasi narinig ung sinabi niya. Parang bumubulong sa hangin..
"Nothing.. Sabi ko mamaya na ko iinom niyang ice tea mo".. Sa boses niyang mataray...
Tumango lang ako.. Naspeechless nanaman kasi ang lola niyo.. Tumalikod na siya sakin..
"Nanliligaw ba sayo si raul?".. Bigla ko nalang nasabi.. Shit!.. Ewan ko kung saan ko hinugot ung lakas ng loob para itanong yon sakanya..
Napalingon naman siya sa akin ulit..
"Yeah.. I think so.. Why?".. Nakataas pa ung isang kilay niya..
"W-wala naman".. Tipid na ngiti ko..
"Okay.. Atleast siya nanliligaw hindi CRUSH lang"... Mejo madiin pa ung pagkakasabi niya sa crush eh.. So nang aasar talaga siya?.. Porket alam na niyang crush ko siya ah.. Parang lalong nangamatis ung mukha ko sa sobrang hiya..
"May sasabihin ka pa?".. Naiinip na tanong niya.. Umiling naman ako.. Tuluyan na siyang naglakad papuntang sala.. Wew!..
Mahigit isang oras din silang nagkwentuhan at tawanan samantalang ako busy sa selpon ko kunwari.. Ayoko makinig sa mga kwentong barbero ni kups eh.. Ang lakas pa makatawa.. Daig pa babae..
"Xiel, kababata mo pala si jewel?".. Narining ko pang tanong nitong alien na kasama ko..
Di ko naman talaga siya pinapansin.. At wala ako sa mood sakanya..
"Oo bakit?".. Mejo siga pa ung sagot ko.. Kami lang nandito sa labas ng gate habang hinihintay sila pau na nasa loob..
"Baka mabigyan mo ako ng tips sa mga gusto at ayaw ni jewel".. Sabi niya habang nakangisi..
Tiningnan ko naman siya ng seryoso.. "Eh kung ayoko?".. Poker face kong sagot sakanya..
Nawala naman ung ngiti niya.. "Sige na naman..".. Kulit pa niya.. Lalo tuloy akong nairita.. Kung kyompalin kaya kita?..
"Nanliligaw ka diba?.. Edi see for your self".. Tabla ko pa.. Langyang toh.. Sakin pa talaga hihingi ng tips..
Sumeryoso na din ung mukha niya.. "Okay sige.. Kahit walang tulong mo mapapasagot ko naman si jewel".. Mayabang pa niyang sabi habang nakapamulsa..
"Ows talaga?.. Sige pre goodluck sayo".. Pang aasar ko naman sakanya at tinapik tapik ung balikat niya..
Saglit pa kaming nagsukatan ng tingin ng lumabas na sila pau kasama si jewel..
.
.
.
