Chapter 11
Xiel P.O.V.
"Ano bang bibilhin mo dito sa grocery?".. Tanong ko kay pat.. Sapilitan kasi niya akong sinama dito.. Sarap sarap ng tambay ko kanina sa library eh..
Hinila naman niya ako sa chocolate section.. Kumuha siya ng isang box ng ferrero.. Yon nga pala ung favorite chocs ni ellen.. Nakita ko naman ung chocolate caramel na Lindt ung tatak.. Mukhang masarap toh ah?.. Kumuha na din ako..
"Naks, nagiging sweet ka na ah?".. Tukso ni pat sa akin.. Inirapan ko lang siya..
"Bibigay mo din ba yan kay jane?".. Usisa pa niya.. Kay jane?.. Ahmmm..
"Ahm..oo"..
"Siguro nambabae ka noh kaya bumabawi ka?".. Dudang tanong pa niya.. Hinampas ko naman sakanya ung hawak kong chocolate.. Tatawa tawa naman siya.. Pumunta na kami sa counter para magbayad.. Medyo mahal din ung chocolate ah. Nakakaubos ng allowance..
"Dadaan ka ba ngayon kela ellen?.. Tanong ko after naming lumabas ng mall..
"Oo bakit sasama ka?"..
Napaisip muna ako kung sasama ba ako..
"Hoy ano na dre?.. Hindi ba kayo magkikita ni jane ngayon?"..
"H-hindi eh.. Sama nalang ako sayo"..
.
.
"Oh xiel magaling ka na ba?.. Akalain mong tinatablan ka pa pala ng lagnat laki".. Pangbubuska ni pau habang nilalantakan ung chocolate ferrero ni ellen na binili ni pat kanina..
"Oo okay na ko".. Lihim naman akong napangiti ng maalala ko nung nilagnat ako dito sakanila at nakasama ko si jewel.. Ung malditang yon na may mata sa likod.. Hanggang ngayon kasi pinagtataka ko pa din ung special powers niya kung paano niya nakikita ung ginagawa ko kahit hindi siya nakatingin..
"Salamat din sa pag aasikaso samin nung sumpungin kong kafatid.. Gumagaling ka na magprito ah?.. Ipagpatuloy mo lang yan".. Hirit pa ni paulang emotera na may chocolate na ngayon sa ngipin.. Kadiri!.
"Nyeh nyeh".. Asar ko sakanya sabay irap.. Ako kasi ung ginawa niyang taga luto ng almusal.. dalawang araw din kasi akong nagstay dito sakanila nung panahong sinisipon at nilalagnat ako, sabayan pa ng malakas na bagyo.. Hindi tuloy ako nakauwi noon..
"Di mo naman ba ginapang si jewel nun sa kwarto?".. Dudang tanong niya pa sa akin.. Gapang ka dyan!..
"Hoy hindi noh!.. Ni hindi nga ako dumidikit sa masungit na yon".. Kontra ko pa.. Ang laki kasi ng space nun sa kama. Kasya isang unan sa gitna..
Nagtawanan naman sila.. "So sa kwarto ka pala ni jewel natulog dre?.. Hindi naman ba tumayo yan?".. Sabay nguso ni pat sa may ibaba ko.. Siraulo!.. As if naman na may tatayo noh!..
"Kung bigwasan kaya kita dyan!.. Lokong toh".. Aktong hahampasin ko siya.. Sabay sabay naman silang nagtawanan..
"Good evening"..
Napalingon kami sa dumating.. Si JM pala..
"Oy.. Musta?.. Wait lang tatawagin ko si jewel.. Baka tulog pa eh.. Kanina pa nagkukulong sa kwarto yon".. Tumayo naman si pau para umakyat sa taas.. Nagkukulong?.. Baka may sapi nanaman..
"Sige po ate. Thank you"..Magalang na sabi ni JM.. Napansin ko naman ung bouquet flowers na hawak niya at iba't ibang klaseng brand ng chocolate na nasa plastic ng duty free.. Mukha pang mga mamahalin.. Bigla naman akong nanliit.. Ung binili ko kasing chocolate... Para kay....
Nakita kong pababa ng hagdan si jewel.. Napatingin ako agad don sa legs niya.. Ang ikli kasi ng short na suot eh.. Nakakadistract!..
Tumayo naman agad si JM para salubungin si jewel at ang lapad pa ng pagkakangiti.. Pero ung itsura ni jewel na istrikta at di man lang nga ngumiti ng makita si JM.. I smell somethings fishy.. LQ sila?..
"What are you doin here?".. Diretsong tanong ni jewel habang naka crossed arm..
Patay malisya naman kami.. Nakita kong hinila ni JM si jewel para lumayo siguro sa amin at di marinig ung pag uusap nila.. Mukhang seryoso eh..
Panay sulyap ko don sa dalawa.. Si JM parang hirap na hirap magexplain, base na din sa itsura niya.. Samantalang bored lang na nakikinig si jewel sakanya.. Itagay na yan.. Iniabot na din ni JM ung dala niyang bulaklak at ung supot ng chocolate.. Kinuha naman ito ni jewel.. Mukhang bati na ata sila ah?.. Nakangiti na kasi ung mokong at yumakap pa kay jewel.. Hmmp!.. Sabay naman silang naglakad papuntang sala tska naupo..
"Nag away ba kayo?".. Usisang tanong ni paulang tsismosa..
"Ahmm.. Medyo nagkatampuhan lang po".. Paliwanag naman ni JM.. "Pero okay na po kami".. Lapad ng pagkakangiti niya at sumulyap pa kay jewel na tahimik lang na nakikinig..
"Ahh.. Mabuti naman.. Pagpasensiyahan mo nalang tong kapatid kong sumpungin ah?..di ko kasi naturukan----aray!".. Palahaw ni pau ng hampasin siya sa mukha ni jewel ng hawak niyang bulaklak..
Nagkatawanan naman sila samantalang ako busy busyhan kunwari sa selpon kong naghuhung.. ML pa more..
"Oh magpainom ka naman bati na pala kayo eh".. Hirit ni pau ulit..
"Sure sige po.. Bibili na ako ng alak".. Sabay tayo niya kasama si jewel.. Lumabas na sila para pumunta siguro sa 7/11..
"Ano namang drama mo dyan xiel at nananahimik ka?".. Pansin sakin ni ellen.. Sinulyapan ko naman siya tska umiling at kinalikot ung selpon ko.. Ewan ko ba wala ako sa mood..
"Baka di nakascore kay jane?".. Tirada naman ni pau habang nakangisi..
"Magkagalit din ba kayo ni jane kaya bumili ka kanina ng choc----"..
"Hindi.".. Pinutol ko na agad ung sasabihin ni pat... "Ano kasi.. Magkakaron na ata ako kaya ang moody ko na".. Paliwanag ko pa.
"Nagkakaroon ka din pala beks?.. Kala ko ba wala kang matres?".. Pang aasar ni pau Sabay tawanan nila.. Mga siraulo!..
Maya maya din dumating na sila JM na may dalang alak at pulutan..
"Inuman na!".. Excited pang sabi ni pau tska binuksan ung vodka.. Si JM san mig light lang ung kanya.. Magddrive pa daw kasi siya kaya dapat alalay lang ang pag inom..
"Shot mo na".. Tapik sakin ni pat. Tinungga ko naman agad ung alak.. Grabe ang taas ng tagay.. Si jewel san mig apple ung iniinom niya. Tamang chill lang..
Nakakailang ikot na din ung tagay ng makaramdam na ako ng hilo.. Grabe naman kasi ang bilis ng ikot tas ang taas pa!.. Di naman sila nag mamadali noh?.. Mga hayok sa alak..
"Jackie..Mahal---na..Mahal k-kita".. Parang sirang sabi ni pau habang lupaypay sa sofa... May amats na..
"Tara na.. may nanalo na".. Rinig naming asar ni ellen kay paula..
"Wag nga kayong ano....nashan na she jackie?... Jackie!".. Sigaw pa ni paula.. Ay naku nagkakalat na po siya..
"Ate, please stop".. Pigil ni jewel.. Inayos niya ito ng upo dahil malalaglag na sa sofa ang gaga..
Nagpaalam na din si JM na uuwi na.. Gabi na din naman kasi.. Hiniga ko na si paula sa sofa.. Sila ellen at pat naman inayos na ung kalat sa mesa..
"Hahatid ko muna si ellen sakanila dre ah?.. Wait lang".. Paalam ni pat sakin habang inaalalayan si ellen.. Mukhang natamaan din eh.. Tumango lang ako tska pinagpatuloy ung pagaayos ng kalat..
Narinig kong may pumasok sa gate... Baka si maldita na yon..
At di nga ako nagkamali ng nagtama ung mata namin.. Ayan nanaman ung mga titig niyang nakakaintimidate..
"Ahmm.. Kaya mo bang iakyat sa kwarto niya si pau?".. Tanong ko.. Nakatulog na ata kasi sa sofa..
Inikutan naman niya ako ng mata at maarteng umiling..
"Oh sige ako nalang magbubuhat sakanya sa taas".. Sabi ko nalang.. Nilapitan ko na si pau at tinapik tapik para magising..
"Oyy.. Tara na sa taas. Don ka na matulog..".. Mahinang tapik ko sa balikat ni pau..
"Hmmm..ano ba... Natutulog ung tao eh".. Hampas naman niya sa kamay ko.. Ang sarap niyang tampalin..
"Halika na nga..".. Dahan dahang kong hinila ung braso ni pau para maitayo ko.. Ang bigat naman ng pandak na toh.. Lumapit naman si jewel ng makita atang hirap na hirap akong itayo ung ate niyang lasengga..
Don siya umalalay sa kabilang braso para tuluyan na naming maiakyat sa taas.. Pagewang gewang na naglakad si pau at muntik na din siyang ma-out of balance dahil ang ligalig!.. Pati tuloy kami ni jewel nadadala sakanya..
"Umayos ka nga teh tsk!".. Reklamo ni jewel dahil nahihirapan siyang alalayan ung kapatid niyang lango..
Dahan dahan kaming umakyat sa hagdan hanggang sa marating namin ung kwarto ni pau.. Ako na naghiga sakanya.. Ang himbing na nga agad ng tulog eh.. May kasama pang hilik. Siguro kung mararape toh wala siyang kaalam alam. Tss!..
Sabay kaming bumaba ni jewel sa sala.. Kinuha ko na ung bag ko. Ang tagal naman ni pat tsk!.. Naalala ko naman ung tsokolateng binili ko kanina.. Nag aalangan pa nga akong ilabas ito sa bag eh.. Ibibigay ko ba or ibibigay?.. Hay!..
"Hanggang anong oras ka makikipag talo sa sarili mo".. Rinig kong sabi ni jewel.. Napaangat naman ako ng tingin sakanya.. Bored nanaman ung itsura niya..
"Ahmm..".. Dinukot ko na ung chocolate na dapat kanina ko pa ibibigay.. "P-paki bigay kay pau".. Sabi ko pa habang di makatingin sakanya ng diretso.. Ano ba! Relax my inner self..
Tiningnan lang niya ito tska tumingin sa akin.. "Hindi siya mahilig sa caramel flavor.. She loves almond and nuts".. Sabi pa niya habang binabasa ung nakalagay sa chocolate..
Naku naman.. Bat ba ang usisa niya?.. Di nalang tanggapin!..
"Kakainin pa din naman niya yan eh..".. Dahilan ko pa..
Nakatingin lang siya sa akin na para bang naghihintay pa ng explanation.. Mukha kasing di pa siya kuntento sa sagot ko..
"B-basta bigay mo nalang.. Pasasalamat sa pag stay ko dito nung nagkasakit ako".. Dagdag ko pa habang nakatitig sa sahig nila..
"Sigurado ka bang para sakanya toh?".. Ung tono ng boses niya eh parang pulis na nagiimbestiga.. At parang siguradong sigurado siya sa sinasabi niya.. Lalo tuloy akong natense.. Naman oh!..
"O-oo naman".. Sabay ngiti ko pa.. Ung ngiting napipilitan at may tinatago..
Tumitig pa siya sa akin na parang di pa din kumbinsido... Balakajan!..
"So if this is for her, edi ikaw magbigay sakanya".. Pagmamaldita pa niya.. Sabay abot niya ng chocolate sa akin.. Di ko tuloy alam kung tatanggapin ko oh ano.. Napakamot tuloy ako ng ulo..
Ang totoo kasi para talaga yon sa babaeng kaharap ko ngayon.. Opo para talaga kay jewel.. Gusto ko lang bumawi sa pagpayag niyang sa kwarto niya ako matulog nung panahong may sakit ako at sapilitang pagpainom sa akin ng gamot na di ko malunok sa pait!.. Kaso dahil naunahan ako ng hiya at insecure sa sarili kaya super deny ako ngayon...
Nung makita ko kasing binigyan siya ni JM kanina ng isang supot ng tsokolate parang nanliit ako.. Ano bang laban ko sa chocolate na galing sa duty free.. State side.. Pero imported din naman ung binili ko kanina eh. Ang mahal pa nga.. Di nga ako nakakabili para sa sarili ko ng ganun kamahal.. Cloud 9 tska stick O lang solve na ko..
"Nangangawit na ako".. Masungit na sabi niya.. Di ko pa din kasi kinukuha sa kamay niya ung chocs na inaabot niya sakin..
"Bigay mo nalang kasi".. Pilit ko pa..
"Ikaw na sabi".. Matigas naman niyang sagot..
"Naman oh. Para ibibigay lang eh".. Maktol ko naman..
Para kaming tanga ngayon.. Nagtatalo dahil sa tsokolate.. Hay!..
"Anong favorite flavor ko sa chocolate?".. Out of know where niyang tanong..
"Caramel".. Mabilis ko namang sagot. Ang dali naman... Tss..
"So para kanino toh?"..
"Edi sayo"..
Opss!.. Shete bat ako umamin!.. Letse!.. Naisahan nanaman niya ko don ah.. Di ko na mabawi ung sagot ko.. Pinagdadasal ko din na Sana kainin na ako ng lupa ngayon dahil sa kahihiyan..
"Got yah".. Rinig kong bulong niya habang nakangisi.. Ung ngising nakakaloko.. Feeling ko namumula ako sa sobrang hiya.. Ung itsura ko kasi ngayon na parang nasa harap ng gustong gusto mong tao at nalaman niyang crush mo siya.. Parang ganun ung feeling eh..
"Para naman pala sa akin ang daming pang pasakalye".. Irap niya pa..
Nakayuko lang ako habang nakikipag titigan sa sahig at himas himas ung bag ko dahil di na ako kumportable sa kaharap ko..
"Dre, tara na"..
Biglang dating ni pat..wew! Salamat naman at dumating na siya.. Thank u lord..
Mabilis pa sa alas kwatro ng hilahin ko na si pat palabas..
"Teka nga.. Bat ba nagmamadali ka?".. Awat naman niya sa akin.. Muntik ko na kasing mapunit ung polo shirt niya..
"Anong oras na oh. Lagot nanaman ako kay mama nito".. Pagdadahilan ko pa sabay tingin sa relo ko..
"Di pa nga tayo nakakapag paalam eh.. Wel, una na kami ah?.. Lock mo na ung gate at pinto pagkaalis namin".. Bilin naman ni pat habang papalabas na kami ng gate..
Tumango lang si jewel at hinatid kami sa may labas..
"Cge una na kami".. Kaway ni pat..
Nahihiyang sumulyap ako sakanya at nakita kong nakatingin pala siya sa akin..
"C-cge uwi na kami".. Paalam ko din..
"K.. Ingat kayo.... At next time galingan mo ah?"... Sabay smirk niya ng nakakaloko sa akin habang nakataas pa ung isang kilay..
Galingan?.. Galingan ko pang magsinungaling ganun?...Umiwas naman ako agad ng tingin.. Nahihiya pa din kasi ako.. Hay anubayan!.. Naglalakad na kami palabas ng subd..
"Ano ung sinasabi ni jewel na galingan mo daw next time?".. Nagtatakang tanong ni pat..
Patay!.. Napansin pa pala niya yon?.. Hays!!. Nakakainis naman oh..
"Ha?.. Ewan ko don..".. Patay malisyang sagot ko.. Ayoko na kasing pag-usapan
Ang kaso....
"At bakit na kay jewel ung chocolate na binili mo kanina?.. Kala ko ba para kay jane yon?"..
Lagot na.... Think xiel...think...
"Ah..ano kasi...matutuna-----"..
"Type mo ba si jewel dre?".. Walang ka abog abog niyang tanong..
Nanlaki naman ung mata ko dahil hindi ako prepared sa tanong na yon.... Sabay din sa bilis ng kamog nitong dibdib ko... Anebeh!..
"Hindi noh!".. Isang mapagmalaki kong sagot..
.
