Library
English
Chapters
Settings

Chapter 10

Grabe ang lamig... Napabaluktot ako at pilit na hinihila ung comforter... Brrrr...

"Aching....aching".. Sunod sunod na bahing ko.. Tuluyan na ata akong sinipon.. Dahan dahan din akong napamulat at napalingon sa katabi ko... Si jewel.. Oo nga pala dito ako natulog sa kwarto niya...

Sumulyap ako ulit sakanya.. Himbing na himbing pa din siya.. May kuryente na pala dahil ramdam ko ung lamig ng aircon.. Pinagmasdan ko pa ung mukha ni jewel... Grabe ang ganda niya talaga kahit tulog.. Ngayon ko lang din  siya matititigan ng ganito kalapit.. Ang hahaba ng eyelashes niya.. Pointed nose, kissable lips at makinis na mukha.. Wala man lang kapimples pimples.. Walang maipintas sa perfect face niya.. Kahit siguro maghapon ko siyang titigan di ako magsasa-----

Biglang siyang nagmulat at nagtama ang aming mga mata.. Matik naman na napaatras ako at nahulog sa kama.. Ouch!..

"Aray".. Palahaw ko at dahang dahang tumatayo habang hawak ung balakang kong tumama sa sahig..

"Buti nga sayo".. Mahinang sabi ni jewel... Sama talaga ng ugali nito. Nalaglag na nga ung tao eh!..

Umupo ako sa gilid ng kama habang di makatingin sakanya ng diretso, himas himas ko pa din ung balakang ko..

"Gaano na ba katagal habang tinititigan ako?"..kaswal na tanong niya..

Napakunot noo naman ako.. "T-tinititigan ka dyan".. Deny ko pa..

"Really huh?.. Di mo ako tinititigan kanina?".. Taas kilay at may pagdududa sa boses niya..

Sunod sunod na iling naman ang sinagot ko sakanya at nakatitig lang siya sakin na parang di pa din kumbinsido..

"If you say so".. Walang ganang sabi niya pa.. Tumayo na siya sa kama sabay nag unat at nagstretching.. Palihim akong sumulyap sakanya, bakat na bakat kasi ung korte ng katawan niya sa suot niyang sando.. Grabe ang seksi..

"Nakatitig ka nanaman tsk tsk".. Confident habang Umiiling iling pa siya.. Nagulat naman ako. Paano niya nakita yon eh nakatalikod siya?.. May mata ata siya sa likod?.. Napaiwas tuloy ako agad ng tingin..

"Girls, gising na ba kayo?".. Rinig naming katok ni paula kaya mabilis kong binuksan ung pinto..

"Tara baba na tayo.. Gutom na ko".. Yaya niya.. Halatang kagigising lang.. Gulo gulo pa kasi ung buhok at parang may muta pa sa mata..

Saglit naman akong pumasok sa banyo para maghilamos at toothbrush na din. Buti nalang lagi akong may dalang facial wash at toothbrush sa bag..

Nauna kaming bumaba ni paula.. May ritwal pa ata kasing gagawin si jewel sa kwarto niya eh..

"Xiel, luto ka ng breakfast".. Lambing naman ni pau habang hila hila ung laylayan ng tshirt ko..

"Ano bang gusto mo?".. Tanong ko habang binubuksan ung ref.. Tiningnan ko ung pwedeng lutuin.. May hotdog, longganisa, itlog at tocino akong nakita.. Puro naman process foods toh..

"Kung anong meron dyan yon nalang".. Sabi ni pau habang humihikab..

Kinuha ko na ung longganisa at tocino pati itlog na din.. Nag umpisa na akong magluto..kumakalam na din kasi ung tyan ko habang naamoy ung bango ng longganisa.. Nagslice na din ako ng hotdog para ihalo sa gagawin kong fried rice..

Nakababa na din si jewel at umupo sa tabi ni pau habang busy sa selpon niya..

"Ang bango xiel ah?.. Pinagluluto mo din ba si jane?".. Usisa ni paula habang inaamoy amoy ung piniprito ko..

"Ahm. H-hindi pa eh".. Wala din kasing chance.. Kapag nandon kasi kami sakanila nasa kwarto lang kami habang gumagawa ng kababalaghan.. Hehehe..

"Oww.. Mahal mo na ba talaga?".. Follow up question pa ni pau.. Muntik ko naman matapon ung hinahalo kong fried rice sa tanong niya..

Nilingon ko siya at nakita ko din na nakatingin sakin si jewel parang naghihintay sa isasagot ko..

"Malamang.. Anong klaseng tanong yan aber?".. Sabi ko habang nakapameywang..

"Wala naman.. Ang seryoso mo beks di bagay ahahaha".. Halakhak ng demonyita.. Sarap pukpukin ng siyanse eh..

Nakita kong nakatitig lang sakin si jewel, bigla tuloy akong nailang.. Kapag tumitingin kasi siya or tumititig parang tagos tagusan sa buong pagkatao ko.. Iba talaga dating niya eh..

Tinuon ko na ung atensyon ko sa niluluto kong tocino na parang nasunog na ata tsk!..

Pagkatapos kong magluto nilagyan ko na ung plato nila ng ulam at kanin..

"Naks, maasikaso.." Kumento pa ni pau at patango tango pa.. Sumulyap naman ako kay jewel habang pinagmamasdan ung pagkain sa platong hinanda ko para sakanya.. Walang lason yan noh!..

"Ayaw mo ba ng longganisa or nung tocino?"..tanong ko pa..

Tumingin naman siya sakin tska umiling.. "Nuh.. Its fine..".. Pormal na sagot niya at nagumpisa ng kumain.. Napangiti naman ako kasi sa wakas kumain din siya ng breakfast at luto ko pa diba?.. Sabi kasi niya dati di daw siya kumakain ng almusal eh mukha nga siyang maganang kumain ngayon..

Sumabay na din ako sa pagkain at pansin kong natigilan si jewel at parang may hinahanap sa mesa.. Nagets ko naman agad ung hinahanap niya.. Tumayo ako at kumuha ng 2 itlog sa ref.. Nagsalang ako ulit sa fry pan para magluto ng sunny side up na itlog.. Alam ko ito ung gusto niya at malasado.. Mejo sunog kasi ung naluto kong itlog kanina.. After kong magluto nilagay ko na agad sa plato niya ung 1 itlog..

Nakita ko kung paano kuminang ung mga mata niya..marahil natuwa sa ginawa ko.. Kahit hindi siya magsalita..

"Ang sweet naman".. Bulong ni pau habang nakangisi.. Sabay naman kaming napalingon kay pau at nagkatinginan din.. Nagbaba naman ako agad ng tingin.. Ano ba toh ang hirap kumain kapag alam mong may nakatingin sayo..

"Burp"... Dighay ni pau habang himas himas ung butete niyang tyan.. Ang dami niya kasing nakain..

"Ate!".. Reklamo ni jewel..

"Ano?.. Kunot noo na tanong ni pau..

"Ang lakas mo magburp.. Mag excuse ka nga".. Sermon nito.. Grabe ang strict naman niya.. She's so plain and proper.. Ang pino niya kasing gumalaw. Mahinhin pero parang kalkulado lahat ng sasabihin at ikikilos niya, kabaliktaran naman niya si pau na walang paki sa paligid, Malakas ang loob at prangkang tao..

"Ayy.. Sorry po ate ah".. Pang aasar naman ni pau dito.. Inirapan naman siya ni jewel.. Tahimik ko lang silang pinagmamasdan habang lihim na natatawa.. Parang mas ate pa kasing kumilos si jewel sakanilang dalawa eh..

"Oy beks, salamat sa breakfast ah?.. Punta ka ulit dito bukas ng umaga tas pagluto mo kami ulit".. Demanding na sabi ni paulang emotera.. Wow nawili?.. Tseh!.. Tumango nalang ako at ngumiti nandito kasi si jewel kaya di ako makakontra eh..

Nanood kami sa sala ng t.v. Maaga pa naman at umuulan pa din sa labas.. May bagyo ata?.. Tinext ko nalang si mama na mamaya pa ako makakauwi para di din mag alala..

Maghapon lang kaming nanood ng series sa netflix habang nagkukulitan ni pau..

"Achooo...achoo".. Bahing ko.. Kanina pa toh eh.. Namumula na din ung ilong ko..

"Oist.. Uminom ka na ng gamot xiel.. Andon sa cabinet ung mga med"..turo niya sa medicine kit nila.. Agad naman akong kumuha ng neozep.. Pagkatapos kong uminom ng gamot umupo ako ulit sa sofa..

.

.

.

Napamulat ako at tumingin sa paligid.. Sarado ung ilaw sa sala.. Wala na din sila pau at jewel.. Teka anong oras na ba?.. Tiningnan ko agad ung orasan na nakasabit sa dingding nila.. 9:20 na ng gabi!.. Hala lagot ako nito kay mama!.. Ilang oras ba akong nakatulog?... Hays!!.. Hindi man lang nila ako ginising.. Mabilis akong bumangon kaso bigla naman akong nahilo! Ang sakit ng ulo ko!.. Dahil na din siguro sa sipon..

"Your awake".. Rinig kong may nagsalita.. Agad naman akong napalingon dito.. Kahit di ko masyadong maaninag ung taong naglalakad papalapit sakin eh alam ko ng si maldita yon. Alam ko ung timbre ng boses niya.. Feminine voice na may pagkamasunget.. Ung kapag nagsalita siya eh maiintimidate ka lalo na kapag di mo siya kilala..

Nakalapit na siya sakin.. "Your sick.. May soup sa kitchen kumain ka".. Utos niya..

"Di ako nagugutom".. Sagot ko naman habang minamasahe ung sintido ko..

"Isa".. May pagbabanta sa boses niya.. Napatingin tuloy ako sakanya.. ang seryoso pa kamo ng mukha.. Nakakatakot..

"Di nga ako nagugu---"..

"Dalawa".. Di pa din nagbabago ung expression ng mukha niya.. Naninindak ba siya?..

Nagsukatan kami ng tingin.. Walang gustong magpatalo.. Pero ako din ung unang nagbawi.. Di ko kasi talaga siya matitigan ng matagal.. Parang may lakas siyang di ko kayang talunin.. Lalo atang sumakit ung ulo ko..

"Wag mo ng hintayin mag tatlo".. Bossy pa niyang banta sa akin..

Ako ung mas matanda sakanya ah? Bat ako susunod?!..

"Teka nga bakit----"..

"Sumunod ka nalang".. Utos niya pa at sabay talikod at naglakad na siya papuntang kusina.. Bangklase.. Di man lang ako pinagsalita.. Ako na din ung gumive up kesa makipagtalo sa masungit na yon.. Mukhang di din naman ako mananalo sakanya eh.. Isa pa nandito ako sa bahay nila, syempre siya ang boss.. Pasalamat siya may sakit ako ngayon at wala ako sa mood asarin siya..

Naglakad na ako papuntang kusina at naabutan ko si jewel na nakaupo.. Napansin ko din ung soup sa bowl.. Sumenyas naman siya na maupo na ako at kumain kung ayaw kong masaktan.. Parang ganun kasi ung pagkakatingin niya sakin eh.. Sa totoo lang wala akong ganang kumain.. Sobrang sama talaga ng pakiramdam ko..

Umupo na ako at tinitigan muna ung soup na nasa harap ko..

"Hindi magsasalita yan".. Sarkastikong tukoy niya sa soup na naglalawa sa sabaw..

Eh kung ikaw nalang kaya ung kumain?.. Sapilitan eh.. Tss!..

Napabuntong hininga nalang ako habang mabigat sa loob kong sumubo ng soup na di ko naman malasahan..

"Ubusin mo yan".. Sabi pa niya.. Alam kong nakatingin lang siya sakin kaya naman di ako mapakali.. Ayoko talagang tinititigan habang kumakain.. Shes always do that.. Mahilig siyang tumitig.. At hindi yon nakakatulong lalo na ngayon..

Pinilit kong makalahati ung kinakain ko.. Diretso lunok na nga lang ung ginagawa ko eh para lang talaga maubos.. kaso di ko na kaya baka pag pinilit ko pa eh masuka ko lang.. tiyak malaLagot ako dito sa kaharap ko na bantay sarado sa bawat subo ko.. Masahol pa siya kay mama kung makaasta eh..

"Ayoko na".. Sabay sandal ko sa upuan.. Busog na busog ung tiyan ko. Ikaw ba naman kumain at humigop ng bumabahang sabaw eh..

"Di pa ubos".. Sabi pa niya habang sinisipat ung laman sa bowl..

Pinaningkitan ko na siya ng mata.. "Puputok na ung pantog ko sa sabaw".. Reklamo ko pa..

Tinaasan naman niya ako ng kilay "then drink this".. Abot niya ng neozep at bioflu.. Tumayo na siya at naglakad papuntang sala..

Pero huminto siya tska lumingon sa akin.. "Paki check ung pinto kung nakalock then sumunod ka na sa taas".. Bilin niya bago tuluyang umakyat..

Napabuga nalang ako sa hangin at iiling iling na chinek ung pinto.. Utos ni mayora eh.. Ng madoble check kong okay na lahat ng pinto tska ako alanganin na umakyat.. Doon ba ako ulit matutulog sa kwarto niya?.. Sabi naman niya na sumunod ako taas kanina diba?.. Pagkatapat ko sa pinto dahan dahan ko namang pinihit ito.. Nakita kong nakahiga na siya sa kama. Nakaramdam na din ako ng antok.. Dahil siguro sa gamot na ininom ko..

Dumiretso muna ako sa banyo para magtootbrush dahil nalalasahan ko pa kasi ung soup eh.. Pagkatapos kong maghilamos at tootbrush, dahan dahan naman akong sumampa sa kama..baka kasi tulog na si jewel at maistorbo ko pa siya paniguradong susungitan nanaman ako nito.. Ang sarap humiga sa kama niya.. Ang lambot at ang bango ng unan.. Amoy perfume niya..

"Goodnight wel".. Bulong ko.. Alam ko namang tulo----

"Night".. Rinig kong sagot niya.. Luh!.. Kala ko tulog na siya eh..

"T-thank you din pala sa pagpapatulog sa akin dito at sa soup".. Makabagdamdamin kong speech..

"Magpalit ka ng damit amoy pawis ka na".. Basag niya pa sa akin.. Bwisit!..  Napaamoy naman ako sa suot ko.. Di pa naman ako nangangasim..

"Sa closet ko kumuha ka nalang ng damit don".. Sabi niya habang nakatalikod pa rin sa akin..

Agad naman akong tumayo at naghanap ng pwedeng masuot.. Di naman ako nahirapan pumili.. Isang red shirt na may print na pusa ung napili ko tska isang boxer short na pambabae na checkered.. Tinatamad na akong pumunta sa banyo kaya dito nalang din ako magbibihis tutal nakatalikod naman siya eh..

Hinubad ko na ung pang itaas ko tska dali daling nagpalit.. Sinunod ko naman ung short na hubarin..

"Baliktad".. Sabi pa niya.. Nagtaka naman ako.. Anong baliktad?..

"Ha?"..

"Ung short"..

Napamaang naman ako sakanya tska tiningnan ung short na suot ko.. Shongak baliktad nga ung pagkakasuot ko sa pagmamadali.. Pero wait.... Paano niya nalaman yon eh nakatalikod siya?.. Natatakot na talaga ako sakanya ah?..

"Paano mo nalamang baliktad?".. Dudang tanong ko habang nagmamadaling isuot ito..

"Ang daming tanong".. Iritableng sagot naman ng maldita..

Grabe siya!.. Nahihiwagaan kasi ako kung paano niya nakikita kahit hindi siya nakatingin sa akin?.. May cctv ata dito sa room niya eh.. Inikot ko naman agad ung mata ko sa loob ng kwarto baka may makita akong camera..

"Matulog ka na nga".. Sabi pa niya at padabog na nagtalukbong..

Bumubulong bulong naman ako habang pahiga na ng kama.. Di pa din ako mapakali at parang praning na palinga linga sa paligid.. Saglit pa akong nakiramdam at bumibigat na din ang talukap ng mga mata ko..

"Thank you wewel".. Bulong ko.. Ngayon ko lang siya ulit natawag sa ganung nickname.. At tuluyan na akong napikit..

"Goodnight yeye"..

Download the app now to receive the reward
Scan the QR code to download Hinovel App.