Library
English
Chapters
Settings

Chapter 9

"I love you baby".. Lambing ni jane sakin..

"I love you too".. Sabay yakap ko naman sakanya..

3rd monthsary kasi namin ngayon at sinurprise niya ako.. Nagpaset up siya dito sa mini garden.. Ang romantic pa nga ng dating eh, pagdating ko kasi may nagvviolin tas ung tugtog eh ung perfect ni ed sheeran.. Tapos nakita ko si jane na naka simple light blue dress.. Hindi naman niya pinaghandaan eh noh?.. Samantalang ako naka simpleng tshirt, jeans at chucks lang.. Sobrang natuwa naman ako, first time kasing may gumawa sakin nito.. Tapos ung mga hinanda niyang pagkain lahat favorite ko.. Napa woow pa nga ako eh..

"Thank you for this special night baby".. Sabay damping halik ko sa labi niya.. Ngumiti naman siyang pagkatamis tamis..

"No biggie.. Anything for you"..

May inabot naman siya sa aking red na box.. Pagkakita ko isang gold bracelet.. Ang gondoo.. Kinuha niya ito tska sinuot sa akin..

"Ang ganda naman nito.. Bakit gumastos ka pa".. Sabi ko habang hawak ung bracelet na binigay niya..

"Because you're special to me"..

Sobra naman akong natouch at nahiya kasi wala akong mabigay sakanya ngayon.. Tanging katawan ko lang.. Charoot..

"By, ahm.. Bukas nalang ung gift ko for you ha?".. Hingi ko ng paumanhin.. Napakamot pa ko sa ulo at hiyang hiya..

She held may hand at pinisil ito.."di naman yon importante, what important is, you're with me tonight".. On her sweet voice.. Lalo ata akong naiinlove..

.

.

"Wow ganda naman niyan xiel.. Saan mo nadekwat?".. Pansin ni paula sa suot kong bracelet.. Mabilis ko naman itong hinatak bago pa niya maarbor.. May balak pa atang kagatin para malaman kung totoo itong gold.. Nandito kami ngayon sa mall, nagyaya ang paulang emotera eh.. Kundi ko daw siya sasamahan baka maglaslas na daw siya.. Kundi ba naman may sayad sa utak..

"Bigay ng baby ko".. Mayabang at mahangin kong sagot..

"Baby.. Baby..maghihiwalay din kayo".. Mapait pa niyang kumento..

"Bakit ampalaya ka nanaman?.. Break ba kayo ni jackie?"..

Napasimangot naman siya.. Tama nga ako..kaya pala nagmamaasim..

"Cool off lang.. Masyado daw kasi siyang nasasakal sa akin eh".. Malungkot niyang pahayag..

"Eh grabe ka naman kasi atang makabakod?"..

"Anong grabe makabakod?, hindi ah, tinitingnan ko lang naman kung sino ung mga nagcchat sa messenger niya tas pinagbblock ko ung mga lalaking nanliligaw at nagpapansin sakanya".. Sabay flip niya ng hair.. Wow di nga mahigpit ano?.. Siraulo din eh..

"Kaya naman pala nasasakal sayo eh, wag ganun beks".. Sabi ko pa sakanya..

Isang malalim na buntong hininga naman ang sinagot niya sa akin.

"alam mo pwede ng sabitan ng hunger yang nguso mo".. Sita ko habang duro duro ito...

"Hayy.. Grabe lang kasi.. Namimiss ko na siya beks.. Hindi ko nga muna siya kinukulit eh".. Sabi niya habang ginugulo ung mga nakatuping damit, kaya nga ang sama na din ng tingin sakanya nung sales lady.. Hiniklas ko na ung braso niya bago pa kami palabasin ng guard..

Huminto naman kami sa tapat ng uniqlo.. "Oh bakit?.. May hinihintay ka ba?".. Takang tanong ko..

"Oo.. Wait lang.. Nandyan sa loob si jewel eh. Nagpapahintay"..

Oww.. Andito pala siya...

Maya maya din natanaw na namin siya palabas at may kasamang lalaki at babae.. Lumapit naman sila

sa amin.. Mukhang mga classmates niya..

"Ate, my friends pala, si will and jessie".. Pakilala naman nito..

Nag hi and hello naman sila sa amin.. Unfairness ang cute nung jessie ah..

Habang naglalakad kami pansin ko ang kakaibang hawak nito kay jewel.. Parang di naman aware si jewel kasi wala siyang pakialam mukhang kumportable naman siya.. Baka ganun lang talaga sila kaclose?..

Nagyaya silang mag ice cream sa DQ.. Umorder na kami.. Salted caramel cheesecake ung flavor na napili ko..

"Jew, tikman mo ang sarap nito".. Rinig kong offer nung jessie.. Sinubuan niya si jewel.. Sus may ganun pa?.. Tumingin naman  sa akin si jessie.. Parang may meaning ung tingin niya eh.. Parang nang iinggit.. Oh baka napaparanoid lang ako?... Ay ewan!..

"Masarap yan?".. Biglang tikim ni pau sa ice cream ko..  "Wow ang sarap ah.. Tikman mo ung sa akin".. Offer din ni pau sa ice cream niya.. Strawberry banana ung kanya..

Nakita ko ng subuan ulit nung jessie si jewel at di din nakaligtas sa akin ung makahulugang tingin nito Problema niya?..

After naming mag ice cream nagkayayaan na ding umuwi.. Di ko nga nalasahan ung ice cream na kinain ko sa kakasubuan nung jessie at ni jewel, sabayan pa ng pag tikim tikim ni paulang emotera sa ice cream ko, di ko namalayang naubos na niya.. Nahiya pa nga at nagtira pa eh.. Nakita ko pa ung paghalik nung jessie kay jewel sa pisngi at sabay sulyap nanaman saken bago sila umalis.. Kanina ka pa ah!..

"Mag jeep nalang tayo ang hirap mag taxi".. Suggest ni paula.. Mukhang uulan kasi panay kulog na eh..

Nakita ko naman ung pagkunot ng noo ni jewel, halatang ayaw magjeep.. Wala kang choice bebe..

May humintong jeep sa tapat namin, naglakad na kami ni paula pero si jewel nakatayo pa din at ung itsura niyang seryoso sasakay tayo dyan look.. Hinila naman siya ni paula paakyat sa jeep kaya wala na din siyang nagawa.. Bleh!.. Arteh pa kasi..

Nasa kaliwa ko si jewel at panay na din ung simangot niya sa katabi niyang lalaki.. Pano naman kasi parang amoy paksiw.. Punuan at matrafic pa din dahil naabutan kami ng rush hour tuluyan na ding bumuhos ung ulan..

15mins na ata ung lumipas pero di pa din nausad ung jeep namin..jusko nung petsa na!..

Sumulyap ako sa malditang katabi ko na salubong pa din ung kilay at nakasimangot na.. Maya maya'y tinakpan na din niya ung ilong niya.. Naamoy ko na din kasi ung halimuyak ng kili kili nung katabi ni jewel na si kyah.. Ligo ligo din po pag may time.. Ang bantot shete!.. Parang namumutla na din ung itsura ni jewel kaya naawa naman ako.. Di talaga siya sanay sa public transpo.. Kinuha ko sa bulsa ung panyo ko at isang max cherry candy.. Inabot ko kay jewel at agad din naman niyang kinuha ito.. Kala ko aarte pa siya eh.. Ginamit niyang pangtakip sa ilong niya ung panyo ko at kinain na din niya ung candy.. Lihim naman akong napangiti..

Umusad na din ung jeep namin at ramdam ko ung paglikot ni jewel kaya napatingin ako sakanya.. Ang sama na po ng tingin niya kay kyah na katabi niya..

"Anong problema?".. Tanong ko kay jewel.. Di kasi siya mapakali..

"Nanghihipo tong katabi ko".. Naiinis niyang sagot..

Kunot noo akong tumingin kay kyah na nakasandal na kay jewel.. Ang hype! Lakas ng loob ah?!..

"Kuya, pwedeng umusod ka ng konte?.. Nasisiksik mo na kasi tong kasama ko eh".. Sa mejo siga kong sabi.. Naiirita kasi ako sa feslak ni kyah..mukha kasing taga ibang planeta..

"Masikip diba?.. Paano ako uusod?".. Siga din niyang sagot.. Abat sumasagot ka pa ah?!.. Nakita kong Masikip naman talaga..

"Lipat ka dito. Palit tayo ng upuan".. Bulong ko kay jewel.. Kahit ayokong katabi si kyah na may putok sa kili kili pero sige nalang kesa makachansing siya kay jewel.. Sinuswerte siya!..

Mabilis kaming nagpalit ng pwesto at kita ko ung pagkadismaya ng mukha ni kyah.. Akala mo ah!.. Ano ka ngayon.. Sinamaan ko na din siya ng tingin..

Habang nasa byahe ramdam ko ung pagsandal sakin ni jewel. Nakapatong na din ung siko niya sa may binti ko... Siguro natrauma kay kyah na may putok.. Hinayaan ko nalang para safe din siya sa mga manananching sakanya.. Halos lahat kasi ng pasahero napapatingin sakanya.. Kahit nga babae eh.. Oh well pretty naman talaga kasi.. Head turner baga..

Sobrang lakas pa din ng ulan nung nakarating kami sa subd nila.. Walang tryk na dumadating, mejo baha na din kasi ung kalsada.. nilabas ko na ung payong na pinahiram ni jewel sa akin.. Buti nalang lagi kong dala ung payong niya.. Di ko kasi maisauli sakanya at di kami magpang abot.. Ito naman din si paula, Kababaing tao wala man lang dalang payong.. Di kami kakasya sa payong kaya sila ni jewel nalang ung pinagshare ko.. Pinang pandong ko nalang ung jacket ko.. Nabasa pa din kami ng makauwi sakanila..

"Xiel, pasok ka muna, basang basa ka na oh".. Sabi ni paula.. Half kasi ng suot ko nabasa eh..

Pumasok na kami sa loob ng bahay nila.."kukuha muna kita ng towel tska pang palit".. Sabi pa ni pau tska umakyat sa taas..

Naiwan kami ni jewel at nagkatinginan.. Maya maya din Umakyat na siya sa kwarto niya..

Naiwan ako sa sala habang nilalamig na.. Ang tagal naman ni pau!.. Magkakapulmonya ako nito eh..

Biglang may bumato saken ng damit galing sa hagdan..

"Maligo ka muna tska magpalit ng damit.. Don sa kwarto ni jewel ka makiligo ah? Barado ung banyo sa kwarto ko eh".. Sabi ni pau habang naka dukwang sa hagdan.. Luh!.. Anubayan!.. Di ko feel makiligo don eh..

"Di na.. Magpapalit nalang ako ng dam----achoo..".. Sabay bahing ko.. Mukhang sisipunin pa ata ako..

"Bilis na. Ang arte mo pa nga.. Katukin mo lang si wel.. Di ka naman kakagatin nun eh".. Pang aasar pa niya habang nakangisi.. Inismiran ko lang si paula habang paakyat sa hagdan.. Kelangan ko na kasing iligo toh bago pa ko sipunin..

Nag-aalangang kumatok ako sa room ni jewel.. Narinig ko naman ung pagbukas niya ng pinto.. Mukhang kakaligo niya lang may towel pa kasi siya sa ulo at naka bathrobe..

"Makiki lig---"..

"Pasok".. Sagot naman niya agad. Di man lang ako pinatapos sa sasabihin ko at tinalukuran nanaman ako.. Dahan dahan naman akong pumasok.. Ginala ko agad ung mata ko sa paligid.. Grabe sobrang tagal ko ng di nakakapasok dito.. Bago na ung wallpapers niya. Napaka feminine.. Ang bango din ng kwarto infairness.. Parang ang sarap matulog dito.. Lalo naman akong nilamig dahil nakabukas pala ung lintik na aircon niya.. Ang lamig lamig na kaya!..

"Are you goin to take a bath or what?".. Rinig ko naman ung pagsusungit niya.. Napatingin tuloy ako sakanya na parang hinihintay lang akong makapasok sa banyo para makapag bihis siya.. Parang nag iinit tuloy ung katawan este paligid ko.. Makaligo na nga..

Dali dali akong pumasok sa banyo para makapag shower na din.. Kanina pa ako giniginaw eh.. Panay na din ang bahing ko..

After kong maligo nagbihis na ko.. Ang kaso....bitin sa akin ung damit ni paula!.. Punyemas!.. Maliit kasi si paula.. 5'2 lang ung height niya, icompare naman sa height kong 5'6.. Mukha tuloy akong bonjing!.. Bitin na bitin kasi ung t-shirt at pajamang pinahiram niya.. Tsk!.. Sa madaling salita mukha akong timang sa suot ko.. Di tuloy ako makalabas. Nakakahiya kasi eh.. Di na ko mapakali..

Tok tok tok..

"Are you done?.. Nakatulog ka na ba?".. Halatang naiirita na ung boses ni jewel..

"Ahh.. P-palabas na.. Wait lang".. Natense tuloy ako lalo..shit! Paano ba toh?..

Bumuntong hininga muna ako at kumuha ng lakas ng loob bago lumabas ng banyo.. Nakita ko si jewel na nakasandal sa gilid ng pinto.. Bored nanaman ung itsura niya habang naka crossed arm.. Nakita ko din ung tingin niya saken mula ulo hanggang paa at parang natatawa pa.. Oo na powtek! Mukha na kong tanga..

"You look like---".. Sabay halakhak niya.. Impaktita talaga!..

Sinamaan ko naman siya ng tingin kaya tumigil siya sa pagtawa kaso.....

"Hahahah.. Ano ba yang pinasuot sayo ni ate?.. Just like... It doesn't fit you".. Nang aasar pa niyang sabi habang nakataas ung kilay..

"Ewan ko sa ate mong praning..".. Irap ko pa sakanya.. Napipikon na kasi ako eh.. Siya naman kasi ung nang aasar sa akin ngayon.. Marunong na pala siyang mang asar?.. Dati kasi ako lagi ung nang aasar sakanya..

"There".. Nguso niya sa kama.. Di ko pa nga agad na gets eh..

"Tss.. Ayon ung t-shirt at short..".. Maarte pa niyang sabi sabay pasok sa banyo..

"Arte mo".. Bulong ko naman pagkapasok niya sa loob..

Naglakad na ko papunta sa kama at kinuha ung damit niya at sinipat sipat.. Di naman siya prepared?.. Alam niyang di magkakasya sa akin ung damit ni pau?.. Galing ah.. Mukhang kasya naman saken ung damit kasi di nagkakalayo ung height namin ngayon.. Biglang tangkad nga niya eh, dati siya ung pinakamaliit samin at pinakabata din kasi.. Mabilis akong nagbihis bago pa siya makalabas ng banyo. Mahirap na baka masilipan pa ko ng dyosa.. Di pwede noh! Dapat ako lang.. Charoot!..

Nakapag bihis na ko at hinihintay ko nalang si jewel para makapag pasalamat na din sa pagpapaligo at pagpapahiram saken ng damit.. Inamoy amoy ko pa nga ung damit niyang pinahiram sa akin eh. Parang naghalong fabric conditioner na may halong perfume niya.. Ang bango nakaka adik.. Ginala ko muna ung mata ko sa kwarto niya, malamang kasi matatagalan ulit bago ako makapasok dito..

napansin ko ung picture na nakapatong sa cabinet.. Luh! Picture naming apat nung mga bata pa kami.. Hahahah.. Si pat, paula, ako at si jewel.. Naka akbay pa nga ako sakanya don sa picture eh at ang dungis pa ng mukha ko, may chocolate sa gilid ng pisngi ko habang nakangisi.. Nakasmile din si jewel sa picture.. Ito ung time na close pa kami. Natuwa naman ako dahil meron pa pala siyang picture nung panahong mga gusgusin pa kami at naglalaro sa kalye.. Nakakamiss..

Narinig ko ung pagbukas ng pinto sa banyo kaya bigla akong napadiretso ng tayo.. Nakita ko na din ung paglabas niya.. Parang slow mo nga eh kasi ang ganda ganda niya at parang ang bango bango.. Napatingin din ako sa manipis na short niyang suot habang naka sandong puti.. Nagkakasala nanaman ung mata ko nito gosh!..

"Ahm.. T-thanks pala sa dito sa damit.. Lalabhan ko nalang bago ko ibabalik sayo".. Sabi ko..

"K..".. Tipid niyang sagot sabay tango..

"So.. S-sige.. L-labas na ko".. Paalam ko..

Palabas na ko ng pinto ng biglang magbrown out!.. Anak ng teteng!.. Rinig ko din pagkulog at kidlat sa labas ng bintana. Lalo pa atang lumakas ung ulan.. Di na talaga ako makakauwi nito..

Napatili din si jewel.. Takot kasi siya sa kidlat..kahit nung mga bata pa kami, nagtatago yan agad sa ilalim ng lamesa kapag kumikidlat na.. Ako din ung nakakapag pakalma sakanya nun kapag takot na takot siya at paiyak na..

Naramdaman ko ung pagkapit ni jewel sa braso ko.. Halatang takot na takot.. Marahan ko namang hinawakan ung kamay niya para lang kumalma siya.. Nagkatitigan pa kami..

"Oy, okay lang kayo dito?".. Biglang pasok ni paula kaya napabitaw si jewel sa braso ko..

"Ahm. Oo..".. Sagot ko naman..

"Sige.. Magsisindi lang ako ng kandila sa baba. Samahan mo muna si wel takot pa naman yan.. Dito ka na din matulog".. Sabi pa ni paula..

"H-ha?".. Laka!.. Dito ako matutulog?.. Seryoso?.. Ang tanong gusto kaya ni jewel na matulog ako sa kwarto niya?..

"Ha ka dyan.. Wel, pasama ka na kay xiel.. Nandon lang ako sa kwarto.. Di tayo kakasya sa kama mo eh"..

Nagkatinginan muna kami ni jewel... Bumuntong hininga muna siya tska tumango.. So payag siya?.. Di ko alam kung matutuwa ako eh..

Pagkalabas ni paula parang ang awkward na ng ambience.. Ang tahimik at ang lamig pa..

"Okay lang ba talagang matulog ako d-dito?..".. Alangan na tanong ko..

Tumingin muna siya saken.. "You know that im afraid of thunder right?".. Seryosong sagot niya..

Tumango lang ako.. Naglakad naman siya papuntang kama niya tska humiga.. Samantalang ako nastroke na ata sa kinatatayuan ko..

"So tatayo ka lang dyan magdamag?".. Mataray na sabi niya..

Napakamot naman ako sa ulo tska dahang dahang lumapit sa kama..

"Pwede naman ako sa sofa matulog".. Sabi ko pa habang tinutukoy ung sofa sa gilid..

Inirapan naman niya ako "tumabi ka na dito. Ang arte mo din eh".. Ismid pa niya..

Nahihiyang sumampa ako sa may gilid ng kama tska nahiga.. Ayokong tumabi sakanya ng husto baka masipa pa ko ng di oras eh..

Bumalikwas naman siya ng higa sabay talukbong.. Samantalang ako nakadiretso lang habang nakatitig sa kisame..

Lumipas ang ilang minuto, mukhang tulog na tong katabi ko.. Di pa ako makatulog, sobrang lamig din ng hangin na nagmumula sa labas ng bintana.. Dahan dahan akong tumayo para isara ito...

"Where you goin?.. Dont leave".. Halos pabulong niyang sabi at Ramdam ko ung Mahigpit na hawak niya sa kamay ko.. Kala ko ba tulog na siya?.. Nakita kong nakapikit siya..

"Isasara ko lang ung bintana..".. Paliwanag ko.. Tska lang niya binitawan ung kamay ko.. Lihim naman akong napangiti..

Oo aaminin kong masaya ako dahil nakasama ko si jewel ngayong gabi ng di kami nagbabangayan, at matutulog akong payapa at hindi badtrip...

.

.

.

Download the app now to receive the reward
Scan the QR code to download Hinovel App.