Library
English
Chapters
Settings

8: Parusa

By Michael Juha

getmybox@hotmail.com

fb: Michael Juha Full

-------------------------

Kitang-kita ko sa mukha nya ang pagkabigla nang makita niya kaming lahat sa ganoong porma, pati na ang bold na magasin na nasa gitna namin. Nanlaki ang kanyang mga mata, napanganga at bigla ring itinakip doon ang kanyang kamay, at pagkatapos ay napa-antada at sumigaw ng, “My God! My God! What are you doing!!!” at tumalikod, kumaripas ng takbo na tila nawala sa tamang katinuang nagsisigaw. “Susmariyosep! Susmariyosep! Susparyoseppppppppppp!!!!”

Bigla kaming natauhan. Simbilis ng kidlat na itinaas naming ang aming mga brief at pantalon, nag-unahan sa paglabas ng kuwarto na akala mo ay may bombang itinanim sa loob.

“Paano na iyan Jak Mikey, lagot tayong lahat bukas! Siguradong nasa Principal’s office tayo bukas at ang masaklap pa, iyong kantyawan!”

“Ok lang iyan. Ako ang bahala.” Ang pag encourage ko sa mga ka-tropa. “At tungkol naman sa kantyawan, huwag nyong intindihin iyan! Alam naman natin na normal ang ginagawa natin, diba? Mga lalaki naman tayo eh! Kapag may nagsabing hindi nila ginawa ang ginagawa natin, sabihin nyo sa akin kung sino iyan at ipakita ko sa kanya at ituturo ang tamang paggawa nito!”

Tawanan lang ang lahat.

KINABUKASAN sa klase, ramdam ko na ang kakaibang tingin ng mga estudyante sa akin. May mga nag-umpukan na ang mga mata’y nakatitig sa akin tapos nagbubulungan. Ang iba ay may patamang nagbibiruan, nagtatawanan. “Sana naka-video, hahahahahahaha!”

Binale-wala ko na nalang ang mga iyon. Ang matinding kinatatakutan ko ay ang magiging reaksyon ni Roselyn.

Nang naroon na ako sa loob ng classroom, inilatag ko ang knapsack sa sandalan ng upuan at ang cp ko ay sa ibabaw naman ng armrest atsaka naupo na. Naroon na sina Roselyn at Maila, nagku-wentuhan. Nang makita nila akong naroon na ay bigla silang huminto sa pag-uusap. Mistulang ako ang pinag-bubulungan nila at pinapakiramdaman ang mga kilos ko.

Mayamaya, nagsalita si Roselyn ng patama. “Alam mo Maila, ang ayaw na ayaw ko sa isang lalaki, ay iyong manyak! Eiiiiwwwwww! Kadiri to the max! Kakahiya! Grabe!” sabay lingon sa kinaroroonan ko.

Pigil lang ang pagtawa ni Maila na tinapik pa ang balikat ni Roselyn. Ngunit nagsalita pa rin si Roselyn. Hindi alintana ang mga classmates na nakatingin na sa amin. “Mabuti na lang ay mayroon pa ring lalaking matino na nakikipagkaibigan sa akin, magaling mag-advice, naiintindihan ang kalagayan ko, at higit sa lahat, nakapagpapatawa sa akin. Magcha-chat pa nga uli kami mamaya eh!” ang pasaring pa rin nya, walang kaalam-alam na ako rin pala yung lalaking tinutukoy nya at alam kong nag-imbento lang sya dahil wala naman kaming usapan na mag-chat sa araw na iyon.

Ngingiti pa rin si Maila, patingin-tingin sa akin, nagmasid sa magiging reaksyon ko.

Hindi pa rin ako umimik. Pakiwari ko ay isa akong basang sisiw, ginaw na ginaw, nanginginig, at nakakaawang tingnan. Di ko malaman kung aalis, iiyak sa hiya at galit, o sapakin na lang ang mukha ni Roselyn. Nagtimpi pa rin ako.

Ngunit hindi na maawat si Roselyn sa pagpapasaring. “Heto pa nga o, may number siyang ibinigay sa akin. Sandali ha at tatawagan ko.” At dinayal nga nya ang number.

Syempre, number ko yung binigay ko sa kanya kaya’t nag-ring ang cp ko na nakalatag lang sa ibabaw armchair, naka-full volume pa naman.

Nagulat si Roselyn nang mag-ring ang cp ko. Nataranta na rin ako at upang hindi mahalata, hindi ko na lang pinansin ang cp ko kahit ring ito nang ring.

Namatay din ang tunog. Syempre, walang sumagot. Kaso, nagdial uli si Roselyn at nang mag ring uli iyon, hindi rin nya natiis at lumapit na siya sa akin, hawak-hawak ang cp nya.

Dahil hindi ko alam kung anong gagawin, hindi ko na nagawang tumayo o umiwas. Nababalot man sa matinding kaba, nakatutok na lang ang mga mata ko sa kanya habang bakas sa matinding galit ang mukha na naglakad patungo sa kinaroroonan ko. Nang nasa harap ko na sya, galit itong nagsalita, “O ano, hindi mo ba sasagutin iyan?” turo niya sa cp ko na nasa armrest ng aking upuan.

Feeling ko natuyuan ng dugo ang mga ugat sa mukha ko sa putla. “A... e... hehehe. Hayaan mo na sya!”

“Sagutin mo!!!” ang sigaw ni Roselyn, nakatitig pa rin sa akin, mistulang nagbabaga na ang mata sa galit.

“E… e...”

Nakatunganga ako sa kinauupuan ko, hindi malaman ang gagawin. Nakatutok naman ang mga mata ni Roselyn sa mukha ko. Hawak-hawak sa isang kamay ang cp nya, pinapakinggan ang patuloy na pag-ring ng cp ko.

“O ano, hindi mo ba sasagutin yan?!!” ang sigaw nya uli, ang mga mata ay nagliliyab pa rin sa galit.

“A.. e... di sige, sagutin!” ang pangingimi ko namang sabi sabay hablot sa cp.

Nung tiningnan ko ang keypad ng nagri-ring ko pang cp, bigla kong naisipan na pindutin pasikreto ang silence button imbes na ang answer button sabay tuon nito sa tainga ko at nagkunyaring may kausap. “Hello! Ey.... Camille! Napatawag ka…? Owww? Talaga? Ikaw naman... kagabi nga lang tayo nagdate e, namiss mo na kaagad ako? Ganyan mo na ba ako ka love?” sabay tawa ng malakas. “Huwag kang mag-alala, ikaw at ikaw lang ang nag-iisang Camille ng buhay ko. Wala ng iba, pramis! Anu…? Ibang babae? Walang binatbat iyan silang lahat sa iyo. Mabait at sobrang ganda mo kasi. Mwwwwwaaaaahhhhhh! Love you! O sige na at may asungot na nakikinig sa pag-uusap natin dito!” ang pagputol ko sa kunyaring pag-uusap namin, lihim na pinindot ang “off” button para wala nang makapasok na tawag atsaka ipinasok ang cp ko sa aking bulsa.

Tiningnan ko si Roselyn na tila napako sa kinatatayuan at hindi makapaniwala sa nasaksihan. Pansin ko naman ang pigil na pagtatawanan ng mga manyak kong katropa. Sa sobrang hiya, biglang tumalikod si Roselyn at kumaripas ng takbo palabas ng classroom at nagsisigaw, “Ang yabang-yabang! Mamatay ka na sana! Tamaan ka sana ng kidlat! Arrgggghhhh!”

Ewan ko rin ba. Hindi ko na rin maintindihan ang naramdaman ko para kay Roselyn. Naaawa, gusto ko siyang sundan, mag-sorry at magpaliwanag. Ngunit tila may pumipigil din sa akin na gawin ito; isang parte ng utak ko na puno ng kapilyuhan, tuwang-tuwang nakikita syang napipikon at naaasar.

Hinayaan ko nalang siyang makalabas. Sinundan naman sya ng best friend nyang si Maila.

MAGLA-LUNCH BREAK na nang sinabi sa akin ng teacher-dviser namin na pinapatawag daw ako ng principal. Expected ko na iyon. Iyon iyong nahuli kami ni Miss “Sungit” Tala, ang teacher namin sa Religion nang ginawa namin iyong SGK namin. Dali-dali ko namang pinuntahan ang office.

Nang nasa loob ng office na ako, naroon na rin pala ang mama at papa ko. Para akong isang basang sisiw na sinermonan ng principal. Nakayuko lang ako habang tumatango-tango naman ang mga magulang ko. At ang matinding parusa, pagka-suspinde ng dalawang araw.

Para sa akin ay okay lang iyon. Para sa mama ko, nahiya at naawa ako. Ngunit sa papa ko, sobrang kaba. Masyado kasi siyang mahigpit. Nambubugbog kapag nagkamali ako.

At iyon nga ang nangyari. Pagdating ko palang ng bahay, nakatikman ko kaagad ang bagsik ng mga sipa at suntok ng papa ko. Syempre, kasama na doon iyong pabalik-balik na sermon. Tiniis ko nalang. May nagawa rin naman akong kahihiyan. Ngunit ang hindi ko matanggap-tanggap sa papa ko ay ang tila hindi ko maramdamang pagmamahal. Iyang ang issue ko sa kanya.

Anyway, napag-alaman kong ang ibang mga kasamahan ko sa SGK ay suspendido rin sa klase. vvv

Hapon iyon ng unang araw ng pagkasuspinde namin, binisita ako ng mga katropa. Nagdala ng dalawang malalaking bote ng alak si Lance. “Mga Jakos, i-ienjoy natin ang pagkasuspinde natin!” sabi nya. Tawanan lang kami.

“Ey, dun tayo kina Ate Ann! Maganda dun dahil private ang lugar at game na game si Ate.” pag imbita ko sa kanila kahit ang totoo, ayaw ko lang mahuli na naman ako ng papa ko at katakot-takot na bugbog na naman ang matikman.

Download the app now to receive the reward
Scan the QR code to download Hinovel App.