7: Secret Chatmate
By Michael Juha
getmybox@hotmail.com
fb: Michael Juha Full
--------------------------
Sa tuwa, hindi ako magkamayaw sa pagsagot. “I’m fine. Tks for accepting my invite... How are you?”
“Do you understand Tagalog?” ang tanong nya.
May sumundot na guilt naman sa akin sa tanong niyang iyon. Pero pinanindigan ko pa rin ang aking kasinungalingan. “Oo naman... a little” ang sagot ko.
“Ah... ok” sagot rin nya.
“May... boyfriend ka na ba? Sorry for the question, you may not answer it, hehehe” ang tanong ko uli.
“It’s ok. Wala pa... at ayaw ko pang magka-bf”
May excitement naman akong nadama sa sagot nya. “Pero naman siguro may crush ka sa campus...”
“Meron, kaso ayaw kong pag-usapan siya.”
Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko. “Why?”
“Masyadong bilib sa sarili, mayabang, arogante, playboy, at manyak...”
Muntik akong malaglag sa kinauupuan ko sa sinabi niyang iyon. “Araykupo!” sigaw ng utak ko. “But who is he? if you don’t mind?”
“Huwag na… basta ka-klase ko sya.”
“Hahahaha! Bullseye!” ang sigaw ko sa sarili, proud na proud at sobrang happy na ako pa rin pala ang crush nya. “Ah… ok. Pero iyan lang ba ang reason why you’re angry with him? Baka naman panlabas lang nya iyon? Maybe he’s not really what you think of him!”
“No. He’s really arrogant and playboy. Naalala ko ang papa ko sa kanya...”
“Bakit? Ano ang kinalaman nya sa papa mo?”
“Ahhhh.. Mahabang estorya eh. At madrama” ang maikling tugon nya. Tila may lungkot sa mga binitiwan niyang mensahe.
“Try me. I’m listening...”
“Kasi... lahat ng mga characteristics ng papa ko ay nasa kanya – guapo, playboy, easy-go-lucky, irresponsible... at higit sa lahat, maraming babae at mayabang.”
“Ah... ok? But don’t you know that not all guys are the same?” ang pagdepensa ko.
“Pare-pareho lahat! Lalo na kapag playboy...”
“Bakit, what did your father do? Sorry to ask, and you may not answer it again…”
“Bakit ba feeling ko, parang kilala na kita, hehehe. Nakakahiya nagdrama pa talaga ako, huwag na lang...”
“Kung nahiya ka, please don’t be. I’m here as a friend to listen, to prove to you that hindi lahat ng mga lalake ay the same. But... it’s up to you na rin if you feel I don’t deserve your trust.”
“Sige na nga... baka mamaya, magtampo ka pa.”
“Cool!” ang sagot ko. "Hehehe! Kumagat sa drama ko" ang tawa ng utak ko.
“Nasa sinapupunan pa ako nang iniwan kami ng papa para sa ibang babae. Playboy ang papa ko. Palibhasa guwapo, maraming babae at kahit sinu-sino ay pinapatulan. Dahil dito, umalis ang mama ko sa kanilang lugar upang malimutan niya ang papa ko. Dahil sa sobrang nasaktan ang mama ko sa ginawa ng papako, pinunit niya ang lahat ng litrato ng papa ko. Wala akong alam kung ano ang hitsura niya. Ang mama ko na lang ang nag-alaga at nagpalaki sa akin. Naranasan ko ang sobrang hirap sa buhay na halos hindi makakain ng tatlong beses sa isang araw. Minsan nga, dahil sa kaunting pagkain sa mesa, hindi iyon ginagalaw ng mama ko, ako ang inuuna nya. Hanggang sa nakahanap ng trabaho ang mama ko, nagkaroon ng steady na income at natuloy ang pag-aaral ko. Kaya, mahal na mahal ko ang mama ko. Kahit sobrang hirap niya, itinaguyod pa rin nya ang mga pangangailangan namin. Hindi ko alam kung ano ang gagawin kapag nawala sya. Ayaw kong mawala siya. Siya na lang ang natitirang taong nagmamahal sa akin. Sa papa ko naman, matinding galit ang naramdaman ko para sa kanya. Alam mo bang ang pinakamasaklap kong naranasan ay hindi iyong wala kaming makain kundi ay iyong walang maramdamang ama na sumusuporta, umaalalay, gumagabay, o tumutulong, at higit sa lahat ay magbigay ng pagmamahal? Naiinggit ako sa mga kaibigan ko o mga kakilala ko na buo ang pamilya, sama-sama sa hirap at ginhawa... Kaya, isinusumpa ko na hindi mangyayari sa akin at sa magiging pamilya ko ang nangyari sa buhay ng mama ko. At hindi ako magpapabiktima sa mga lalaking salawahan.”
Tila binuhusan ako ng malamig na tubig sa nalamang hinagpis ng kalooban ni Roselyn. Hindi ko alam ang sasabihin. Marahil ay sa pagkaawa ko at sa kagustuhan na ring sumaya siya, tila naging mature ang aking isip, naging makabuluhan ang mga binitiwan kong salita para sa kanya. “Hindi nga kita masisisi kung ganyan na lang ang galit mo sa lalaking crush mo. Pero sa totoo lang, hanga ako sa katapangan mo. Sa kabila ng nangyari sa pamilya mo, sa buhay mo, naging proud ang mama mo sa iyo. No. 1 ka sa klase, active sa mga school activities, friends and classmates look up to you. You are their inspiration. Di ba dapat maging proud ka pa rin dahil diyan?”
“Thanks.”
“You’re welcome. At sabi nila, lahat daw ng mga bagay na nangyayari sa buhay ay may dahilan, at may katuturan.”
“Ewan ko. Siguro nga. Masakit lang talaga para sa akin.”
“OK lang yan. Ganyan talaga, iiyak ka, feeling mo nag-iisa ka lang sa mundo. Pero that’s normal. There’s a time to cry, to grieve, but there is also a time to laugh, to move on, and to enjoy life, di ba? At ang sabi rin nila, don’t cry over spilled milk. And I think it’s time you get on with life, enjoy it, make the most of it, and make everyone proud of you.”
“Hehehe. Ang galing mo talagang mag-advice. Parang ang tagal-tagal na talaga nating magkakakilala no? Ang sarap mo palang kausap.”
“Tks! Kaw din, masarap ka-chat. Honest, sincere…”
“Kaw naman ang magkuwento sa buhay mo plis...”
“Ha?! A, e ano naman sa buhay ko ang gusto mong malaman?”
“Iyong buhay mo sa Amerika...”
parang bigla akong binatukan sa message nyang iyon. “Patay! Nalintikan na! Mabubuking na ako nito! Paano ba to…?”
“Pano mo pala nasabi na galing akong Amerika?” ang tanong ko habang kinakabahan sa maari niyang isunod na tanong.
“Di ba ikaw si Marvin?”
“Taena! Di ako yun! Mas gwapo ako kaysa doon!” Sa isip ko lang. “Hehehe!” ang nai-type kong sagot.
“Sige na plis... Kwento ka na.”
“A... Bahala na! Nasimulan na to kaya sige, panindigan ko na lang ito!” ang bulong ko sa sarili “Amerika? Ano ba... A! Iyong snow, malamig at kulay puti pa rin sya, hehehe!” ang biro ko.
“Lol! Palabiro ka pala. E, ano bang mga magagandang lugar sa Amerika?”
“Shit!!” sigaw na ng utak ko. Hindi ko talaga kasi sigurado kung ano ang isasagot. “A, huwag na nating pag-usapan ang mga lugar doon. Alam mo, mas maganda pa rin ditto sa Pinas. Iyong mga lugar sa Bohol, Palawan, Puerto Galera, Boracay, hundred islands…”
“Oo nga, pero iba kasi iyong sa ibang bansa eh. Ito na lang... yung white house, nakita mo na?”
“White House?!!” Napakamot ako ng ulo “A, eh… Hayun, puti pa rin ang kulay nya at ang mga nakatira roon ay mga kuwago, hahahaha!”
“Ikaw naman, ‘di ba iyan ang tirahan ng prisedente nila?”
“Ganoon ba? Akala ko ba Malakanyang! Hehehe! Jowk po. A, e.. Roselyn, I’ll go for now ha? May pupuntahan pa kasi ako and I’m going to be late. Ingat ka!” Ang pag alibi ko nalang.
“Ay... sayang. O sige, ingat ka at nice chatting! Sandali.. my number ka? Text kita.”
“Hehehe! Yari ka!” ang sigaw ko sa sarili. At ibinigay ko talaga ng numero ko. “0921xxxxxxx. Bye!”
Sa pagkakataong iyon ay naka-eskapo ako sa mga tanong niya sa mga bagay-bagay tungkol kay Marvin.. “Yes!” Ang nasambit ko, tuwang-tuwa sa nalamang ako pa rin pala ang crush niya. At dahil sa nalamang kuwento ng buhay nya, ‘di ko na rin maintindihan ang sarili. Kung ang dati ay inetsapuwera ko lang sya, inaasar at niloloko, ang pumalit doon ay pagkaawa sa nalamang paghihirap niya ng dahil sa ginawa ng ama at sa paghahanap na rin nya ng pagmamahal nito... Naramdaman kong lalo syang napalapit sa kalooban ko.
Maaga pa lang nandoon na ako sa classroom namin, nang espiya kay Roselyn at Maila kung ano ang mga reaksyon nila tungkol sa pagcha-chat nila ni “Marvin”. Maya-maya ay pumasok na ang dalawa at kitang-kita ko ang pagka-excited ni Maila, kinikilig habang kinukulit si Roselyn.
“Ano ba... magkuwento ka naman kung anong pinagcha-chat nyo!” ang narinig kong tanong ni Maila. Kahit hindi sila kalapitan sa kinauupuan ko ay dinig ko pa rin ang kanilang pag-uusap gawa nang kami pa lang halos ang tao sa silid-aralan.
“Ano pa ba ang iku-kuwento ko, e ‘di iyon, tinanong nya kung may bf na ako.”
“Tapos... anong sagot mo? Daliii!”
“E, ‘di wala.”
“E, liligawan ka ba raw nya?”
“Tange! Hindi ah. Nagtanong nga kung may crush ako eh” ang medyo pabulong na sabi ni Roselyn sabay tingin ng patago sa kinaroroonan ko, tila sinisigurong ‘di ko maririnig ang sinasabi habang ako naman ay patay-malisya, kunyari ay seryosong nagbabasa ng aklat.
“Hahaha!” Sa isip ko lang. “Kala mo ha...”
“Talaga?! E, anong sagot mo?” ang halatang pigil din na pagsasalita ni Maila.
“Syempre, e ‘di sinabi ko!”
“Yan?” sabay palihim na pagturo ni Maila sa akin.
“Shhh! Ano ka ba! Huwag ka ngang ganyan! Gusto kong burahin na ang demonyong ‘yan sa bokabolaryo ko! Di ‘ko sinabi ang pangalan no!” ang mahinang sagot pa rin ni Roselyn.
“Hay naku. Ba’t mo pa kasi sinabing mayroon. E, di ma- turn off na iyong tao sa iyo!”
“Heh! Kaibigan lang naman iyong tao eh. Atsaka, ‘di ko sya type...”
“U-owwww!” Biro ni Maila. “Dahil na naman d’yan!” turo uli ni Maila sa kinaroroonan ko.
“Hahaha!” Tawa ko lang sa sarili habang kunyari ay tuloy-tuloy lang sa pagbabasa. Proud na proud. “Syeeet! Ang wafu ko talaga! Patay na patay sa kapogian ko!”
Nahinto lang ang pag-uusap nila nang pumasok ang guro namin sa subject na iyon.
SA ARAW NA IYON ang schedule ng SGK ng grupo. As usual, naroon kaming walong magkakabarkada nagpaiwan sa loob ng kuwarto pagkatapos ng huling subject. Si Jason ang naka-assign na magdala ng bold magasin sa araw na iyon. Kagaya ng nakagawian, inilatag namin sa sahig ang magasin, habang kaming lahat ay nakatutok ang mga sa mga ito, ang mga pantalon at brief ay nakababa habang ang mga kamay ay abala sa pagtatrabaho.
Nasa rurok na kaming lahat sa sarap nang biglang bumukas ang pinto. Si Miss Tala, ang matandang dalagang mabagsik na guro namin sa Religion.
