Library
English
Chapters
Settings

Book1: Chapter 4

“`OY, JENNY, bonding naman tayo minsan. Nami-miss ko na kayo ni Azi. Lalo ka na. Nag-Japan ka palang bruha ka,” pukaw ni Rachel kay Jennifer. Tapos na ang meeting at kasalukuyan na nilang binabantayan ang mga pamangkin nilang naglalaro sa playground.

“Paano mo nalaman `yan? Hindi pa naman ako nagkukuwento sa `yo, `di ba?” nagtatakang tanong niya sa kaibigan.

“Kay Azi. Nanggaling kasi ako sa kanila noong minsang dalawin ko ang Kuya JD niya. Alam mo namang ultimate crush ko `yon…” Sandali itong natahimik at nang malingunan niya ito ay napansin niyang tila kilig na kilig ang hitsura nito sa kung ano man ang iniisip nito.

Umayos ito ng upo nang mapansin nitong nakatingin siya rito. Hanggang ngayon pala ay patay na patay pa rin ito sa kapatid ng kaibigan nilang si Azinnett. Professional photographer na ngayon si Azinnett at panay ang lipad nito sa iba’t ibang bansa para sa mga photo exhibit nito. Kapag nasa Pilipinas ito ay nakikipagkita siya rito para may makasama siya sa paglalakwatsa. At dahil isa ring dakilang lakwatsera si Azinnett ay hindi ito mahirap yayain. Malamang na kaya hindi binabanggit ni Azinnett ang tungkol kay Rachel ay dahil alam ng una na ayaw niyang napag-uusapan ang kahit na sino na may kinalaman kay Ryan. Pero inaamin niya na nangungulila siya kapag naaalala niya ang dati nilang samahang magkakaibigan. Na-miss niya si Rachel at ang kanilang mga kapraningan.

“Magkasama kami ni JD sa trabaho. Boss ko siya sa media company ng pamilya nila,” maluwang ang ngiting pagkukuwento nito. “Masuwerte naman ako at naabutan ko rin si Azi sa bahay nila at napagkuwentuhan ka namin. Ikaw naman kasi, na-brokenhearted ka lang sa pinsan ko, pinutol mo na rin ang communication natin.”

“Alam mo naman na gusto ko lang makapag-move on nang mabilis nang mga panahong iyon. It was like I lost my sanity back then.” Gusto ko lang buuin ang puso kong nawasak.

“Nagtagumpay ka ba sa pagmo-move on churva mo na `yan?” tanong sa kanya ni Rachel.

“Well…” She sighed. Nakakahiya naman yata kung sasabihin niyang hindi pa. Kahit paano naman kasi ay nagawa rin niyang hindi isipin si Ryan. Subalit ang mga alaala nito ay may iniwang marka sa kanyang puso. At tuwing dadamahin niya ang dibdib ay aminado siyang nakakaramdam pa rin siya ng mumunting kirot doon. And who could blame her? Ryan was her first love and her first heart break. Normal lang siguro na makadama siya nang ganoon, hindi ba? At normal lang din na nag-iwan ito ng marka sa puso niya.

“I am on my way to doing that. Actually, nakalimutan ko na talaga ang mga nangyari noon. Pero dahil ang pagkalimot ko ay hindi katulad ng nagkaroon ako ng selective amnesia sa mga nangyari noon, at ngayo’y napag-uusapan natin siya, natural na maalala ko rin, hindi ba? But there are no hard feelings on my part.”

“Really?!” eksaheradang bulalas ni Rachel, at parang nais niya itong batukan. Alam niyang nababasa nito kung ano talaga ang totoong nararamdam niya at sigurado siya na hindi niya ito basta-basta mapapaniwala sa ganoong alibi. “Sige nga, may ipapagawa ako sa `yo para makasiguro tayo.”

“Ano naman `yon?”

“Akin na ang cell phone mo.” Walang paalam na kinuha nito ang bag niya at kinuha mula roon ang cell phone niya. Nagpipindot ito ng kung ano-ano roon. “Hayan, is-in-ave ko diyan ang number ko at ni Ryan. Nagpa-missed call na rin ako sa kanya gamit ang cell phone mo. Pero sigurado akong busy `yon ngayon kaya mamayang gabi ka pa niya uuriratin sa ginawa mong pagmi-missed call.”

“Teka, bakit mo ginawa `yon?” nagtatakang tanong niya rito.

“`Just wanted to make sure you really don’t have any feelings for him and that you can deal with him.”

“I don’t have any feelings for him,” giit niya rito.

“Then you shouldn’t worry about facing him.”

“Facing him?”

“Paano mo masasabing nakapag-move on ka na nga kung hindi mo naman siya magagawang harapin, `di ba?”

Rachel was right. Dapat na nga niyang harapin si Ryan para makasiguro siya sa kanyang damdamin. Para kasing unfair din para kay George na pinaniniwala niyang mahal niya ito, pero hindi pa talaga siya nakasisiguro sa estado ng puso niya para kay Ryan.

NAKALIMANG ulit nang nag-type ng message si Jennifer sa cell phone niya, subalit ini-erase din niya agad iyon. Nagdadalawang-isip kasi siya kung ise-send niya iyon kay Ryan. Bakit kasi kailangan pa niya itong i-text? Ano ang sasabihin niya kung sakaling magtanong ito kung bakit siya nagpa-missed call? Saka, tama bang makipag-ugnayan pa rin siya rito gayong may George na sa buhay niya?

“Mali talaga, eh. Si Rachel kasi! Bakit ba pumatol-patol pa ako sa hamon ng babaeng `yon? Naku!” naiinis na saad niya sa sarili. Kahit kailan talaga, basta pagdating kay Ryan ay nabobobo siya. Hindi gumagana nang maayos ang isip niya dahil minamanipula iyon ng puso niya.

Ilang minuto ang lumipas at tumunog ang Message alert tone ng cell phone niya. Ganoon na lamang ang pagwawala ng puso niya pagkatapos niyang makita kung sino ang sender niyon. At iyon ay walang iba kundi si Ryan. Text pa lang iyon, paano pa kaya kapag tumawag ito? O kaya ay kapag nakaharap na niya ang binata? Malamang ay himatayin na siya sa matinding kaba.

Pigil ang hiningang binuksan niya ang mensaheng ipinadala ni Ryan para lang mapangiwi sa tatlong letra na laman niyon. Hu u?

Ano pa ba ang inaasahan niyang sasabihin nito sa text nitong iyon? Hindi naman nito alam na siya ang may-ari ng number na iyon.

Jenny here. Jennifer Villanueva. `Still remember me?

Ilang segundo lang ang lumipas at tumunog uli ang cell phone niya.

Magkaibigan ba tayo? Hindi naman, `di ba? reply nito.

Aba’t ang impaktong `to! Talagang nakalimutan na nga siya. Parang sinaksak siya ng patalim sa ideyang iyon. Pero hindi naman niya iyon dapat na maramdaman. Dapat nga ay maging basehan niya iyon para tuluyan na rin itong itakwil sa buhay niya, sa sistema niya.

All right. We’re not friends, we were classmates before. T-in-ext lang kita dahil nauna kang nag-text, sagot niya.

Nag-missed call ka, kaya ako nag-text, balik nito.

“Antipatiko!” naibulalas na lamang niya sa sarili. Excuse me? It was your cousin, Rachel, who did that. Ginamit niya ang phone ko. Ngayon, kung wala kang magandang sasabihin, huwag ka nang mag-text, reply niya rito. Nakakainis talaga ang pagkapranka ng lalaking iyon.

Hindi na nga tumunog uli ang cell phone ni Jennifer. Parang gusto niya tuloy pagsisihan ang huling mensahe na ipinadala niya kay Ryan. Masyado ba siyang naging harsh dito? But he provoked her into doing that. Hanggang sa makatulog siya ay dala-dala niya sa kanyang dibdib ang bigat na hatid ng naging palitan nila ng mensahe ni Ryan.

Nakakainis naman kasi! Bakit ka ba ganyan, Ryan?

“BAKIT ka ba ngumingiti?” naiilang na saad ni Jennifer kay Ryan. Hindi kasi mapawi-pawi ang maluwang na ngiting iyon ng binata habang kaharap siya nito. Lalo tuloy itong gumuguwapo sa paningin niya at lalong nahuhumaling ang puso niya rito.

“Wala. It’s just that you’re so cute when you blush. Masama ba’ng matuwa ako?”

Napabalikwas si Jennifer sa kanyang higaan. A dream. Darn!

Naiinis na inayos niya ang sarili at lumabas na ng kanyang kuwarto. Umaga pa lang ay bad trip na agad siya. Paano, dinalaw na naman siya ng mga alaala ni Ryan sa kanyang panaginip. And she hated that. She hated dreaming about him and waking up with pain in her stupid heart. Kailan ba matututo ang puso niya? Bakit patuloy pa rin siyang nasasaktan sa mga alaalang akala niya ay matagal na niyang naibaon sa limot?

“Bakit hindi mo pa inaayos ang mga gamit mo, Jennifer? `Akala ko ba nagkasundo na kayo ng Ate Janice mo na ikaw muna ang magma-manage ng flower shop natin sa Maynila? Aba, ayusin mo na ang mga dadalhin mong gamit.” Patuloy sa pagpapaulan ng paalala ang mama ni Jennifer habang siya naman ay walang pakialam na nilalantakan ang kanyang almusal. “Nakikinig ka ba sa mga sinasabi ko, ha, Jennifer?”

“Opo, `Ma. Eh, sa isang araw na po ako pupunta roon. Paalis na po kasi si George. Susulitin muna namin ang mga araw na puwede kaming magkasama,” tugon niya rito.

Bagaman hindi umimik ang kanyang ina pagkabanggit niya sa pangalan ng nobyo ay pinukol naman siya nito ng kakaibang tingin. Alam na niya ang ibig sabihin ng tingin nitong iyon; tutol din ito sa relasyon nila ni George tulad ng Ate Janice niya. Malamang kaya hindi na ito nagsalita pa dahil ikakatwiran lang niya rito na mabuting tao ang nobyo niya.

Tumunog ang kanyang cell phone na nasa ibabaw ng mesa. Mabilis niya iyong sinagot nang makita niyang si George iyon.

“Hello love,” agad na bungad nito sa kanya.

“Oh, hi! Naku, sorry. Hindi pa ako ready. On the way ka na ba?” May usapan kasi sila nito na magkikita at mamamasyal sa araw na iyon.

“Don’t bother, love. Kaya nga ako tumawag para sabihin na nabago ang schedule ng pag-alis ko at mamaya na ang alis ko. Sorry talaga. Hayaan mo, gagawan ko ng paraan para makasunod ka agad sa akin.”

Pakiramdam ni Jennifer ay nawalan na siya ng ganang gumawa ng kahit ano nang araw na iyon. Nauunawaan naman niya kung ano ang dapat asahan sa uri ng trabaho ni George. Pero minsan, pakiramdam niya ay mas pinahahalagahan nito ang career nito nang higit pa sa ano pa man—higit pa sa kanya.

“Are you still there?” pukaw nito sa kanya nang hindi siya makaimik dito.

“Y-yeah,” walang ganang tugon niya. “Ingat ka,” sabi na lamang niya. Napagkasunduan nila ni George na hindi na siya sasama sa paghahatid dito. Iniiwas lang daw siya nito sa pamilya nito. Baka hindi siya pansinin ng mga iyon sa pier. Sasama lang ang loob niya.

“I’ll call you when I get there,” anito.

“Okay.”

“I love you.”

“I-I love you, too,” ganti niya. Nababaghan siya sa sarili. Noon pa man ay mahirap na para sa kanya na bigkasin ang mga katagang iyon para kay George, pero mas humirap pa yata iyon ngayon. Hindi siya sanay magsinungaling, kaya siguro ganoon ang nararamdaman niya. Inuusig siya ng konsiyensiya niya dahil sa inaasal niya sa kasintahan. He didn’t deserve that treatment from her, he deserved more.

Mabuting tao si George at alam niyang mahal siya nito. Kaya dapat lang na suklian din niya ng kabutihan ang mga ginagawa nito sa kanya.

“Take care,” aniya.

“Ikaw rin. Paano? I have to go, love. Bye,” paalam nito.

Hindi maunawaan ni Jennifer kung bakit parang mas nakahinga siya nang maluwag pagkatapos ng pakikipag-usap niya rito.

Mali talaga! Maling-mali ang nararamdaman mo, Jennifer. Ano ka ba naman? Nakipagrelasyon ka do’n sa tao, `tapos ganyan ka?

“Ano? Natahimik ka na diyan? Kung hindi na rin kayo matutuloy sa lakad ninyo ng boyfriend mo, mabuti pang tumuloy ka na ngayon sa pagpunta sa Maynila. Uuwi raw si Melissa sa Marinduque at may emergency sa pamilya niya. Walang tatao sa shop natin doon. Mapapagod masyado ang ate mo kung magpapabalik-balik siya para matingnan ang shop. Wala ka rin namang gagawin kundi maglakwatsa kaya—”

“Yes, `Ma. Mag-aayos na po ako ng mga gamit ko,” putol niya sa mga sasabihin pa ng ina. Tama ito, wala na rin naman siyang dahilan para hindi umalis.

Download the app now to receive the reward
Scan the QR code to download Hinovel App.