CHAPTER 1
The Hub...
“BRUHA! Akala ko ba pakakainin mo ako? Bakit sa bar mo ako dinala?”
Biglang napayakap sa sarili si Becky at nanlalaki ang mga mata na tiningnan si Rysia.
“`Wag mong sabihing...” Hindi makapaniwalang tinitigan nito ang kaibigan. Napapaarko naman ang kilay ni Rysia. “Ang sama mo! Ganyan ka mag-isip sa `kin? Kahit kapit-patalim na ako, hindi ko naman binalak na ibilad ang katawan ko sa madla!”
At umakma itong magwa-walk out. Naipaikot tuloy ni Rysia ang mga mata paitaas bago pinigilan ang kaibigan.
Mag-BFF sila ni Becky. Classmates din sila noong high school sa napakagandang lugar ng... Bulacan, City!!!
Hindi, imbento lang niya `yong City. Basta `yon nga, sa Bulacan sila nag-aral since mga uhugin pa sila. Napahiwalay lang siya sa kaibigan noong mag-college. Huminto na kasi ito sa pag-aaral at nagpaka-raketers. Ang dami din kasing ganap sa buhay ni Becky. Samantalang siya, walang ka-ispa-spice ang buhay. Tapos, dinala pa siya ng ina sa siyudad.
Puwede na naman daw na makisalamuha siya sa mundo tutal naman, well stabilized na ang kanyang kondisyon.
Six years old palang siya no'ng madiskubre na may bipolar disorder pero hindi pa iyon ganoon kalala. Stage 1 pa lang, kumbaga. Pabago-bago lang siya ng mood pero controllable naman.
Napansin iyon ng lolo at lola niya--na siyang nag-aalaga sa kanya dahil busy ang kanyang mga magulang sa buhay-buhay ng mga ito--dahil palagi siyang inirereklamo ng guro. Weekly kung magbago ang mood niya. May panahon na hyper siyang mag-aral at makisabay sa talakayan. Pero after a week, tatakasan siya ng mania at mawawalan ng gana sa mga bagay-bagay. Ganoon din sa paglalaro. Ilang araw na kasundo ang mga kaklase pero sa susunod, nambubugbog na siya sa mga ito.
Ipinaalam iyon ng abwela niya sa kanyang mama. Doon siya sinimulang patingnan sa specialist. At nang malaman na suspect for bipolar disorder, inamin ng papa niya na may history ang pamilya nito ng bipolarism at mania attacks. Obvious naman sa papa niya ang mania attacks dahil lagi itong hyper.
Pero napakalayong henerasyon na daw iyong bipolarism. Minalas yata siya at sa generation na ito, siya pa ang nadale.
Nag-undergo siya ng treatment at therapy. Madali lang sana ang gamutan, almost a year dahil mild pa naman ang kondisyon niya. Pero hindi pa tapos iyon ay sabay namang namatay ang lolo at lola niya sa isang vehicular accident. Nagkaroon tuloy siya ng matinding depression at anxiety. Natakot kasi siya noon na magiging mag-isa na lang sa buhay sa pagkawala ng grandparents. At sa edad na pito, sino ang hindi matatakot mag-isa sa buhay? Masyado niyang dinamdam ang kamatayan ng mga kinagisnan at nagsilbing mga magulang.
Separated na ang totoong mga magulang niya since three years old siya at ang grandparents sa mother side ang nag-alaga sa kanya hanggang mag-grade 2. Hanggang grade 2 lang dahil hanggang doon lang ang buhay ng mag-asawa.
Ah, to add complications, may kanya-kanyang pamilya na ang parents niya. At para siyang bola na pinagpapasa-pasahan ng mga ito.
Napunta tuloy siya sa pangangalaga ng isang yaya na napagkasunduang kunin ng Mama at Papa ni Rysia. Nagsimula ding ma-intensify ang kondisyon niya dahil sa naririnig na laging pag-aaway ng mga magulang, sa tuwing magkakaharap ang mga ito. Iyon ay sa tuwing magkakasama-sama silang tatlo sa bahay na nirerentahan ng mga ito para sa kanya.
Oo, hindi siya puwedeng ihalo sa normal na pamilya ng mga iyon kaya ikinuha siya ng rented apartment at ang kasama lang ay si Yaya Luding--malayong pinsan ng kanyang ina, dahil pitong taon pa lang siya at gusto nang abandunahin.
Bihira na lang nga silang magkasama-samang tatlo, kung uuwi pa ang mga ito sa kanya ay palagi pang nagtatalo. Lumala tuloy ang kondisyon niya at tuluyang nauwi sa bipolar disorder. Bipolar dahil kapag wala ang mga magulang, ginugusto niyang maging maligaya na inaatake na siya ng mania. Pero kapag nandiyan ang mga magulang, inaatake naman siya ng malalang depression dahil sa angilan ng mga ito. Minsan pa, nagtatagal iyon ng higit sa isang linggo na ayaw niyang kumain o kumilos.
Dapat kasi ay palagi lang kalma ang kanyang paligid. Stress free. Kaya iniuwi siya ng mga magulang sa probinsya nila sa Bulacan. Sa bahay ng yumao niyang Lolo at Lola. Doon, tahimik ang buhay niya. Ang parents niya, hindi na nagsasabay sa pagdalaw sa kanya. At minsan na minsan na lang din. Kapag lang may treatment siya at regular check up. Kapag mag-iiwan ng panggastos at kung anu-ano pa. Pero isang taon lang ang itinagal ng set up na `yon. Bigla kasing naging missing in action na ang kanyang Papa.
Tanong siya ng tanong sa ina kung bakit hindi siya dinadalaw ng kanyang Papa. Hanggang sa naubusan na ito ng idadahilan at ipinagtapat sa kanya na inabandona na nga siyang tuluyan ng ama. Sinukuan na siya noon at ang kanyang ina na lang ang meron siya.
Well, aside from her Yaya Luding. Mabait si Yaya Luding at para na itong totoong ina at ama sa kanya. Kaya kahit paano, hindi na din siya nangulila sa mga magulang. Pinilit niyang maging masiyahin sa kabila ng hindi normal na set up ng pamilya niya. Kailangan niyang panatilihing positive lagi ang mood pero hindi sobra. Para makakawala na din siya sa kanyang bipolar disorder. Tsaka, nandoon naman ang kababata at bestfriend niyang si Becky na tanggap ang ka-weirduhan ng mga mood swings niya. Moral support kasi talaga ang major need para maging stabilised na ang kanyang kondisyon.
Nawala na din naman iyon noong mag-high school. Sa tulong siyempre ng medisina. Psychotherapy at mga mood stabilizers. At siguro, sa kagustuhan niya ding gumaling. Sabi naman ng psychiatrist niya na anh kanyang will ang pinakamabisang gamot para sa mga may katulad niyang kondisyon.
Ah! Hindi pala. May konti pa ding natitira. Hanggang ngayon, hindi pa din mapagkakatiwalaan ang mga desisyon niya sa buhay. May pagka-compulsive pa din siya, pero palagi pa ding pabago-bago ng isip. Ang tanging consistent na may kinalaman sa kanya ay ang damdamin niya para kay Matthew.
Siguro, si Matthew talaga ang gamot niya. Ito at ang lahat ng patungkol rito ang kaisa-isang hindi salawahan kung kanyang pagdesisyonan. Dati naman, nagkaroon din siya ng crushes. Pero pabago-bago talaga ang damdamin niya noon. A week came na crush na crush niya ang isang lalaki at umaabot sa point na papansin siya ng papansin. Minsan, inaabutan pa niya ng love letters, flowers and chocolates. Pero after a week, hindi na niya pinapansin. Then after a week again, hyper na naman siya sa pagpapapansin.
Pero noong si Matthew na, hindi na nagbago ang ritmo ng puso niya. Siguro nga, dahil magaling na siya sa disorder kaya controllable na ang kanyang damdamin at mga actions.
Ang totoo, noon, pinagkasumpa-sumpa niya ang desisyon ng ina. Ayaw niyang umalis ng Bulacan dahil maayos na naman ang buhay niya kasama ang kanyang Yaya Luding. Na ngayon ay sinesante na ng kanyang ina sa pagiging Yaya at ginawa na lang care taker ng lumang bahay sa Bulacan. Hindi na din kasi iyon nakapag-asawa dahil sa pag-aalaga sa kanya.
Hayst. Na-miss niya tuloy si Yaya Luding. Mag-isa lang siya sa condo na tinutuluyan. Malapit `yon sa University na pinapasukan niya at ang mama niya ang bumabayad ng renta.
Yes. Ang kanyang Mama na lang ang sumusuporta sa kanya, magpahanggang ngayon. Naglahong parang bula ang sustento at mismong ang kanyang ama. Tuluyan na siyang sinukuan pati ang obligasyon sa kanya.
Nakaka-depress lang isipin kaya ayaw na niyang alalahanin. Gusto na lang niyang ituloy ang buhay na nakasanayan.
At kung hindi nga dumating sa buhay niya ang kasamba-sambang nilalang na halos panikluhudan na niya, baka nagpaka-mongha na lang siya at hindi na kumuha ng course na Fine Arts.
Ah, hindi. Ayaw niyang mag-mongha. Forever na siya sa templo. Tapos, kapag namatay siya, doon pa din siya magmumulto.
Ayaw! `Wag na lang.
“Ano ka bang babae ka? Hindi ako si Mother Bu, as in Mother Bugaw! 'Kala mo sa `kin, ha? Nakakasakit ka ng damdamin.” Sinimangutan niya si Becky-a.
Huminto naman sa pag-iinarte ang babae.
“Ah, okay. So, kakain na tayo? Halika na.” Malapad na ang ngiti nito na lumapit sa counter at nagtingin sa back menu.
Napailing na lang siya na sumunod sa kaibigan. Isinama niya sa siyudad si Becky, hindi lang para tulungang maghanap ng mapapasukan. Kundi para na din maipakilala rito ang anitong kanyang sinasamba.
Ang alam niya, may gig ngayon sina Matthew sa The Hub. Every saturday at sunday iyon.
Oo, kabisado na niya ang schedule ng kanyang sinta. Kapag dating kay Matthew, hindi pumapalya ang daloy ng kanyang isip. Hindi nagkakaroon ng second thought. Sa mga normal na bagay lang siya salawahan.
Pero pagdating sa pagfa-fangirling kay Matthew, wala nang second-second thought. Fight kung fight!
Kaya lang. Tatlong taon na siyang nagpapa-pansin kay Matthew, hindi pa din siya nito pinapansin. Kulang na lang, tumambling siya sa harapan nito pero wala pa din.
Hayst!
Sadlayp!
Pero tuloy pa din ang laban!
“Oy, order mo na ako. `Yong special sisig. Ikaw na pumila. Tapos ikaw na din ang bahala sa inumin ko.” Kalabit sa kanya ni Becky
Sinimangutan ni Rysia ang kaibigan. “Anong akala mo dito, Jollibee?”
Ngumisi si Becky. “Hindi ba? Para ba itong Pizza Hut na lalapitan ka nila para kumuha ng order? O siya, tara! Kuha muna tayo ng table.”
At nilayasan na siya ng kaibigan. Gusto niya itong saktan. On the second thought, gusto pa din niya itong saktan. Napaka-hyper ni Becky. Natuwa siguro ito sa Makati. Sabi niya kasi, baka puwede itong mag-apply sa University na pinapasukan niya. Kahit sa maintenance lang. May nakausap kasi siyang taga walis ng dahon sa quadcourt. Malaki ang sahod. Nasilaw si Becky sa malaking value ng mga digits na sinabi niya kaya ora-oradang sumama.
Nakasimangot na tumawag siya ng waiter at sinabi ang kanilang order ni Becky. Saka siya sumunod sa kaibigan na nakaupo na sa mahabang couch doon sa red lounge. Patingin-tingin sa paligid. Mukhang naaliw talaga si Becky sa lugar. Hindi naman nga kasi ito nagpupunta sa mga ganitong lugar kasi busy ito sa paggawa ng salafi.
“And here... To spice up your night...”
Napatakbo na sa pwesto ni Becky si Rysia pagkarinig sa nagsasalitang DJ. Alam na niya ang ibigsabihin noon.
“Sheeet! Lalabas na ang mahal ko! Lalabas na siya!” Kumikinang ang mga matang tili ni Rysia habang hindi magkaintindihan sa pagsilip sa stage. Particularly, sa lugar kung saan unang lalabas ang pinakaguwapong lalaki sa balat ng lupa!
“Please, welcome! Zane!!!”
Nagkagulo na ang mga tao. Lalo na ang mga babae na halos malugas ang mga tonsil sa pagtili. Papatalo ba naman siya? Edi magkalugasan na sila ng tonsil. Kailangan pinakamalakas ang tili niya. Tumayo pa siya habang tumitili.
“Whooooaaah! Zane! I love you--”
Nahinto sa paghiyaw si Rysia nang maramdaman ang madiing pagtapal ng palad ni Becky sa bunganga niya.
Hindi siya papigil. Lalo siyang nagsisigaw.
“Hoy! Babaeng salawahan!” sigaw ni Becky sa tainga niya.
Nahinto na si Rysia nang sapilitan siyang iupo ni Becky. Tumahimik na din ang madla ng maupo sa stool si Matthew. Buong puso niya itong tinitigan nang magsimula itong mag-strum ng electric guitar.
Nang maramdaman niyang sinisiko siya ni Becky. Sa paglingon niya dito, nilalantakan na ang pagkaing hindi niya napansin na nai-serve na pala.
Ah! Anong nakakapagtaka? Nawawalan siya ng pakialam sa mundo kapag si Matthew na ang sangkot.
“Ikaw na babae ka! Akala ko ba, si Matthew lang ang mahal ng puso mo? Sabi mo, ang puso mo lang ang hindi bipolar sa buong sistema mo?”
Tinaasan niya ng kilay si Becky. “Oo nga.”
Saka buong pagmamahal na bumalik ang mga mata niya sa entablado. Ang sarap pakinggan ng boses ni Matthew. Lalo pa kapag maghahanap ang mga mata nito sa audience. Pakiramdam niya, para sa kanya ang kantang inaawit nito.
I won't give up on us
Even if the skies get rough
I'm giving you all my love
I'm still looking up, I'm still looking up.
Hay, buhay!
Nangangalumbaba na si Rysia sa mesa nila habang tila nangangarap na tinititigan si Matthew habang kumakanta. At lalo niyang ginustong malusaw nang tumitig ito sa kanya habang kumakanta.
Shit na malagkit!
Nag-eenjoy na siya sa pakikipagtitigan kay Matthew nang may humara-harang palad sa mga paningin niya.
Tinampal nga niya `yon. Abala talaga 'tong bruhang si Becky-a!
Sinakal na siya ni Becky.
“Kung si Matthew lang ang mahal mo, e bakit para kang kiti-kiting hindi mapakali habang nakikipaglandian sa Zane na `yan!?”
Kumawala siya sa kaibigang naaasar na yata sa kanya. Bigla ba naman siyang nagkaroon ng sariling mundo.
“Oo nga `di ba? Si Matthew lang ang mahal ko. At siya na `yan.” Nginisihan niya ang kaibigan. “`Yong second name niya ang gamit niya sa mga gig. Ayaw niya kasing masira ang reputasyon ni Matthew San Victorio. Pamilya sila ng mga doktor. Kapag malaman ng angkan niya na isinisingit niya ang first love niya, ang tumugtog at kumanta, kabawasan `yon sa reputation niya bilang soon to be the greatest doctor in town, chervalu!”
Umarko ang mga kilay ni Becky. Hindi dahil nagtatakang madami siyang alam sa lalaking ito. Alam na alam nitong lahat ng tungkol kay Matthew, nakatanim na sa utak niya.
“Paanong makakabawas?” tanong na nito.
Bumuntong-hininga siya. “Kasi nga, ang mga doktor naman, mga uptight. Mas katiwa-tiwala daw ang mga doktor na seryoso ang karakter kasi, meaning, seryoso sa trabaho at isinasapuso ang pinag-aralan. Kaysa sa mga happy-go-lucky na akala mo naglalaro lamang habang nanggagamot or nag-aaral ng panggagamot. Alam mo naman ang mundo, ganyan mag-isip.” Mahabang paliwanag niya sa kaibigan.
Sumimangot si Becky. “Oo nga. Parang tanga naman ang mundo. Tao din naman ang mga doktor. May sarili din silang buhay.”
“Korek!” Masayang sabi niya. Natuwa siya na nag-agree si Becky sa kanya. At dahil diyan: “Ano pang gusto mong kainin? Order ka pa. Magpapakalunod muna ako sa boses ng mahal ko...”
I don't wanna be someone who walks away so easily
I'm here to stay and make the difference that I can make...
Narinig niya ang pandiinang boses ng kanyang sinta kaya nawalan na naman siya ng pakialam kay Becky. At tumunganga na ulit siya sa kumakantang binata.
We had to learn how to bend without the world caving in
I had to learn what I've got, and what I'm not, and who I am
Sigawan ang mga tao. Lalo na ang mga babae. Pansin niya ang pagtatakip ni Becky ng mga tainga pero wala na siyang pakialam. Tili na din sita ng tili at pinangangalandakan sa buong mundo ang pag-ibig niya para kay Matthew. Ang ganda-ganda ng boses nito. Abot hanggang puso niya ang kilig ba galing sa mga nota ng tinig ng binata.
Kasi naman e! Lahat na lang ng bagay patungkol sa nilalang na ito, nakaka-inlove.
