4: Practice Teacher
By Michael Juha
getmybox@hotmail.com
fb: Michael Juha Full
-------------------------
Isang araw, may ipinakilala si ma’am na bagong practice teacher, si Miss Lorraine. Mga edad 19 lang. Maganda, matangkad, maputi, sexy, at kapag ngumiti, hindi puweding hindi ka mabighani. Ngunit ang sobrang turn on ko at naming mga ka-tropa sa kanya ay ang kanyang cleavage. Ahhh, grabe. Kumbaga, sa hugis pa lang noon, ulam na. Kaya sa pag introduce pa lang ni ma’am sa kanya sa klase, nagpapapansin na kaagad ako. At sa tingin ko ay umepekto naman ang drama ko. Simula noon, laging nakangiti na sa akin si Miss Lorraine at laging ako ang tinatanong, pinapasagot sa mga questions nya sa klase, tinatawag kung may ipapagawa tulad ng paglilinis ng black board, pagbubuhat ng mga aklat, audio at visual materials nya, at kung anu-ano pa. At napansin din iyon ng mga katropa ko.
“Jak Mikey, masyadong obvious na may crush sa iyo si Ma’am Lorraine ah!” pagpaparinig ni Rayjohn noong mapansin si Roselyn na nakatayo lang sa isang tabi.
“Hayaan nyo silang magpantasya sa akin” ang buong pagyayabang kong sagot habang tumatawang sinusulyapan si Roselyn.
Kitang-kita ko naman ang pang-iismid ni Roselyn, ramdam ko ang pagmamaktol ng kanyang utak na tila sumisigaw ng, “Yabang! Grrrrrrr!”
Ako naman nakangiting-aso na bumubulong-bulong sa sarili, “Hehehe, asar-talo!” Alam ko, nasaktan ang ego at puso nya. Pero, iyon naman talaga ang gusto kong mangyari eh. Sobrang taray kasi niya, at sobrang taas pa ng pride.
Sa totoo lang, type ko rin si Miss Lorraine. May isang beses na naglaro ako ng basketball at naging pisikal ang laro, nagkasuntukan kami ng kalaban at pumutok ang aking bibig. Itinakbo kaagad ako ni Miss Lorraine sa clinic. Nakaupo ako sa silya, siya nakatayong paharap sa akin. Habang nilapatan niya ng gamot ang nagdurugong bibig ko, ang mata ko naman ay nakatutok sa dibdib nya na nasisilip ko sa ilalim ng collar ng blouse niya habang siya ay bahagyang nakayuko. “Shit!” Sambit ng utak kong di magkamayaw. Di ko mapigilang di maapektuhan sa ginawa nyang nagpahapdi ng konti sa aking bibig, ngunit nagpainit naman ng aking katawan. Di ko alam kung hahawakan ba ang braso niya, na kunyari ay sasabihin ko sa kanyang nasasaktan ako sa paglapat niya ng first aid sa bibig ko, hahaplusin na lang ba iyon o ang mukha nya, o hihipuing diretsahan ang dibdib niya. At ewan ko ba, feeling ko sinasadya din nyang ilapit ang dibdib nya at ang mukha nya sa mukha ko na halos ay magdikit na. “Ano ba to? Iniisip kaya nito na wala pa akong experience? Dadakmain ko na ba? Arrrggggghhh!” ang sigaw ng utak kong naalipin ng kamunduhan. Ewan ko kung napansin din ni Miss Lorraine ang tila di mapakaling naramdaman ko.
Ang ginawa ko nalang pagkatapus nya akong gamutin, ay dumeretso ng CR at doon ay pinakawalan ko ang nag-uumapaw na pagnanasa. Sambit-sambit ang katagang “Miss Lorraine-Miss Lorraine-Miss Lorraine-Miss Lorraine-Miss Lorraine-Miss Lorraine-Miss Lorraine-Miss Lorraine-Miss Lorraine-Miss Lorraine-Miss Lorraine-Miss Lorraine-Miss Lorraine!”
