
Summary
Leaving a bachelor’s life was the last thing in their minds. This five stunning specimen of manhood are the owners of Paradise View flower plantation. There's one thing they all have in their mind. Freedom. They planned to enjoy their bachelor’s life for such a long time.But as they say, nothing goes as planned. Read their stories, for you to know why.Book1: Rocco, The Serious TypeBook2: Wesley, The Player TypeBook3: Tyron, The Wholesome TypeBook4: Szade, The Outgoing TypeBook5: Kyle, The Dangerous Type
BOOK 1: ROCCO, THE SERIOUS TYPE
“How I wish I could have a place in your heart. Kahit maliit lang. Pagkakasyahin ko na doon ang sarili ko.”
Perpektong image ng isang rebellious daughter si Shane. Dahil may family problem, pinili niyang umuwi sa Pilipinas mula New York. Basta na lang din siya nagpasyang makitira sa bahay ni Rocco, ang dating “sinisinta” at college friend. Sa ayaw at sa gusto ng binata, kailangang kupkupin siya nito. Kahit saksakan ng sungit si Rocco, alam niyang hindi siya nito matitiis dahil may taglay rin naman itong kabaitan.
Kaya lang, habang nakakasama ni Shane si Rocco, muling bumabangon ang pagsintang inakala niyang nabaon na sa limot dahil sa tagal na ng kanilang pagkakalayo. Alam naman niyang hanggang pagtinging-kaibigan lang ang kayang ibigay ni Rocco sa kanya. Tatanggapin na lang niya ang masakit na katotohanan.
Pero isang araw, basta na lang siya nito hinalikan. Hindi sa pisngi, hindi sa ilong, at lalong hindi sa noo… kundi sa kanyang mga labi.
Nalito tuloy si Shane. May ibig bang sabihan ang halik na iyon gayong lagi na lang mainit ang ulo ni Rocco sa kanya? Idagdag pang lagi na lang may babaeng nakalingkis sa braso nito?
