Chapter 2
HINDI ko alam sa sarili ko kung bakit kahit alam ko na ang totoo ay nananatili parin akong may nararamdaman kay Lance na ngayon ay may kasama na namang babae. Nananatili lang akong nakatayo rin sa may gilid habang pinapanood sila. Mukhang hindi alam ng bagong girlfriend ni Lance kung ano ang pinasok nya dahil parang pagkatapos lang 15 minutes ay nakipaghiwalay sa kanya si Lance.
Parang naging slow motion ang lahat . Dahan dahang tumayo si Lance habang hinihila nung babae ung kamay nya pero pilit lang hinahaltak ni Lance ang kamay nya pabalik sa kanya. Bigla na lang humagulgol ng iyak ung babae habang sinasabing ...
"Baby, please let's work this out" pagmamakaawa nung babae pero walang emosyon lang syang tiningnan ni Lance. At pagkatapos din ng ilang segundo ay iniwas na naman nya ang kanyang paningin at nagsimula na naman syang maglakad.
"Lance, maawa ka naman sakin oh ! Matagal na kitang gusto , alam mo yan. Pero bakit iiwan mo lang ako ng ganito?" napatakip ako ng bibig sa pagkagulat. Hindi naman natin matatangi na gwapo talaga si Lance pero hindi ko akalaing aabot sa ganito.
"Dahil ayoko na sayo. Nakakasawa na ang relasyong ito. Un na ba ang makakasagot dyan sa tanong mo?" bored lang na tiningnan ni Lance ung babae.
Pero mas nagulat ako sa sumunod na ginawa nung babae dahil bigla na lang syang tumayo at niyakap ng mahigpit si Lance na alam kong maski si Lance ay nagulat dun sa ginawa nung babae.
"Please. Mahal na mahal kita. Dalawang taon akong nagtiis na tingnan ka lang sa malayo pero ngayon boyfriend na kita, pakiusap wag mo naman akong iwan" pagmamakaawa nung babae.
Hindi ko man nakikita ang mukha ni Lance pero alam kong nagagalit na 'to.
"May mga bagay na pinagsasawaan . Sa tatlong oras na naging tayo nakakasawa na. Kung baga sa pagkain , nakakasuya na" mukhang nabigla ung babae sa sinabi ni Lance dahil bigla na lang syang kumalas sa yakap.
"Lance .." nakita kong nangingilid na ang mga luha nung babae.
"I hate pathetic people" pagkatapos sabihin 'yon ni Lance ay basta na lang nyang iniwan ung babae na luhaan.
Nakita kong napaluhod pa ung babae habang umiiyak . Hindi ko alam kung bakit parang naiiyak na rin ako habang pinapanuod ko ung babae. Siguro dahil na rin sa may pagkakaparehas kami. Parehas kaming nagmahal ng isang tao na nuon lang ay masayang pinapanuod kahit sa malayo.
"Hindi mo ba alam na masama na maging tsismosa." napalingon ako dun sa nagsalita. Marahas ko munang pinunasan ang mga luha ko bago ako magsalita.
"Ganyan ka na ba ngayon? Wala ka na bang puso Lance? Ganyan ka na ba kamanhid ? Wala pang isang buwan, isang linggo pa lang ang lumilipas marami ka ng pinaiyak . Hindi ka ba naaawa sa mga babaeng , ang ginawa lang naman ay nagkagusto sayo" hindi ko alam sa sarili ko kung bakit lumabas sa bibig ko ang mga salitang 'yon pero anong magagawa ko ? Marahil ay dahil na rin sa pakiramdam ko ay sobra na ang ginawa nyang pananakit sa mga babae.
"Maaawa? Nagpapatawa ka ba? Naawa ba si Annika nung naging kami ? Naging loyal ako sa kanya . Alam mo naman 'yon diba ? Gabi gabi pinagpa-pray ko sa Panginoon na magtagal na kami pero anong nangyari ? Niloko nya ako diba ? Hindi ko sinisisi ang Panginoon, alam kong si Annika ang may kasalanan ng lahat. Si Annika ang may kasalanan ng lahat"
"Madaling magpatawad Lance. Just forgive and forget ." nilapitan ko sya at ilalagay ko na sana ang kamay ko sa balikat nya kaso mukhang napansin nya ako kaya lumayo sya sakin ng konti.
"Easy for you to say. Hannah, ni minsan ay hindi ka pa nasasaktan . Magkaiba tayo ng estado ng pamumuhay pero nasa iyo na ang lahat hindi man materyal pero sa akin there's still emptieness in me. Naiintindihan mo ba yun ? In just a snap biglang bumagsak ang mga luha nya.
"Lance .." binigkas ko ang pangalan nya. Hindi ko alam kung magiging maganda ba 'tong desisyon ko pero kung nakagawa si Clare nung desisyon na in the end ay naging maganda ang resulta , sige susugal na ako. Dahil alam kong tutulungan ako ng Lord dito sa gagawin ko.
Tiningnan nya lang ako ng masama pero pinagwalang bahala ko lang 'yon. Kahit papaano naniniwala akong mababawasan ang mga babaeng masasaktan nya dito sa desisyon ko. Kaso sa desisyon kong 'to , alam ko sa sarili kong masasaktan ako pero titiisin ko na lang 'to para sa taong mahal ko.
Alam kong hindi ako pababayaan ng Lord dito. There is power in prayer. At napatunayan ko na 'yon. Isang patunayan na nun ay nung kaibigan ko sila ni Clare kasi dati nagiisa lang ako , kaya halos araw araw ay nagpapray ako na magkaroon ako ng makakasama dito sa campus hanggang sa isang araw ay biglang lumapit sakin si Lance nun . Naging crush ko nga agad sya nung una ko syang nakita eh. At saka , hindi matapobre si Lance, tanggap nya kami kahit malayo ang estado ng buhay nya sa buhay namin nun ni Clare .
"Be my boyfriend" lakas loob na sabi ko.
Nakita kong kumunot ang noo nya sa sinabi ko. Well, maski ako nagulat din sa desisyon kong 'yon pero anong magagawa ko. Ayoko ng may masaktan pa syang iba kaya kahit ako na lang ang masaktan okay lang. Martir na kung martir okay lang. Ayoko lang na dumami pa ang masaktan .
"Are you drunk Hannah?" natatawa nyang pang tanong sakin pero seryoso ko lang syang tiningan . "Nababasa mo ba sa pagmumukha kong nagbibiro ako?"
Mukhang natigilan sya dahil sandali syang natahimik habang nakatingin sakin . Mariin syang nakatingin saking mga mata. Ung mga tingin na, parang inaalam nya sa mga mata kong nagjo-joke lang ba ako o ano.
"Nahihibang ka na ba , Hannah? Gusto mong maging girlfriend ko ?" natatawa pa sya. Sadyang lang ba na hindi nya sineseryoso ang sinasabi ko o hindi nya lang talagamatanggap na ako ang nagsasalita sa kanya ng ganito .
"Oo, kung ako ang maging gamot mo dyan sa sugatan mong puso na nilaan ni God ,tatanggapin ko." natahimik sya at biglang sumeryoso ang kanyang mukha.
"Well, if that's the case. Fine" at pagkatapos nung ay iniwanan na lang nya ako basta .
Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit deep inside pakiramdam ko ay masaya ako kahit alam kong masasktan lang ako. Hay, magulo talaga ang puso . Sabagay sabi nga sa bible. "The heart is deceiveful above all things ..."
Naglabas muna ako ng isang buntong hininga at pagkatapos ay sinabing ..
"Lord, kaya ko 'to dahil alam kong bibigyan mo ako ng lakas para mapagtagumpayan 'to"
LUNCH time na at napagdesisyunan kong pumunta ng cafeteria kaso mukhang wala pa si Lance dito kaya napagpasyahan ko munang puntahan sya sa room nila.
Pagkarating ko sa room nila ay nagtanong ako sa mga kaklase nya kung nasaan nya. Tinuro naman nila na nasa likod sya at may kausap daw na babae. Kaya ang ginawa ko ay pumunta ako sa may likod at sa hindi ko inaasahan ay nakita ko si Lance na hawak ung kamay nung babae.
Naiinis ako . Oo, ayoko ng ganito . Parang kasasabi ko lang kay Lance kanina na ako na lang ang maging girlfriend nya para hindi na syang makasakit ng iba pero ano 'to ? Gosh . He's really loving his job to be a heartless heartbreaker.
"Lance" wala sa sariling bulalas ko. Dahilan para lingunin nila ako. Nakita kong nagulat silang dalawa pero hindi parin tinatanggal ni Lance ung pagkakahawak sa kamay nung babae.
