Library
English
Chapters
Settings

Chapter 7

Akia Megumi Celestine's Pov

Panibagong araw at nandito na naman ako sa klase ni Professor Auer. Akalain mo yun, second day pa lang ng pasukan ay nagpa-long quiz na sya containing 50 items. Mabuti na lang talaga at nakinig ako sa discussion kanina.

Hindi kasi kagaya dati na kaklase ko si Des na may kakwentuhan ako, ngayon ay wala na akong kakwentuhan kaya focus lang ako sa pakikinig.

"Time's up" at hinampas ni Prof Auer ang desk nya dahilan para magulat ako at ang iba kong blockmates.

Tahimik ko lang itong ipinasa sa nasa unahan ko para ipasa ito sa unahan papunta kay Prof. Auer.

"Looks, like this is all the time we got. See you tommorow" pagkakuha nya lahat ng papers ay nagpaalam na sya at umalis na.

Nakahinga ako ng maluwag. Mabuti naman at natapos na, medyo sumakit ang ulo ko dun ah!

Nanatili lang akong nakaupo dito habang ang iba ko namang blockmates ay nakipagkwentuhan na sa kani-kanilang circle of friends samantalang ako ay heto kumuha na ng stationary na pinabili ko kahapon at nagsimula ng magsulat ng letter.

Mas okay na rin ito dahil nakakafocus ako sa pagsusulat at saka mukhang hindi nagtitiwala sakin ang mga ka-blockmates ko kaya wala ni isang lumalapit. Tanging tingin lang ang ginagawa nila. Which is weird though!

Dear Zian Auer,

Second day pa lang ng school year pero nagpalong quiz na si Prof Auer. Haha, magka-apelyido pa kayo, malay mo diba mag kamag-anak pala kayo ni Sir.

Well, kung ganun kakausapin ko syang humingi ng autograph picture mo.

At saka---

"Akia ..." napalingon ako dun sa nakabukas na pinto. Nakita ko si Dc na nakatayo kaya hindi na ako nagdalawang isip at tumayo na at nilapitan sya dahil sa nakikita ko mukhang may mahalaga syang sasabihin sakin.

"Dee--"

Natigilan na lang ako ng bigla na lang nya akong yakapin ng mahigpit.

"I'm sorry Akia. Sorry dahil sinabi ko ang lahat ng yon kahapon, pasensya ka na nasaktan kita. Hindi ko naman gustong sabihin ang lahat ng yon, it's just that I'm upset. Patawarin mo ako please, Akia" napangiti na lang ako sa sinabi ni Dc at ako na rin mismo ang kumalas ng yakap dahilan para makita ko ang pagkagulo sa kanyang mukha.

"May problema ba? Ayaw mo ba sa sorry ko? Gusto mo bang much deeper ang panghihingi ko ng sorr--" hindi ko na pinatapos ang sinasabi nya ng basta na lang akong sumabat.

"Hindi naman sa ganun. Alam ko namang ganyan ka lang dahil protective ka sakin and for that I'm very thankful of having you as a friend" at niyakap ko sya ng mahigpit.

---

Natapos na ako sa pagsusulat at bumaba na ako ng kwarto at pumunta sa may sala para makita ang head maid namin.

"Ma'am, may ipag-uutos po kayo?" tanong nito sakin.

"Pakibigay naman po ito kay kuyang driver po nalimutan ko po name nya e. Pakisabi po pakipadala na lang sa post office" nakangiti kong saad. Tumango na lang ito at naglakad na lang ako pabalik ng kwarto ko.

Ano kaya sigurong mangyayari ngayon kung hindi kami naging magkaaway ni Des? Ako kaya kung hindi nya nakilala si Darren?

Napabuntong hininga na lang ako at hindi na lang ako nagpatuloy sa pagpunta sa kwarto ko at naisipan ko na lang na lumabas na lang ng bahay. Bisitahin ko na lang siguro si Des, nakakabored naman siguro kung magsusulat muli ako ng letter dahil kanina lamang ay nakatapos na ako ng lima.

Naglakad na ako papunta sa garahe para puntahan si kuyang driver. Nakita ko syang pinupunasan na ang sasakyan. At mukhang napansin nya ang pagdating ko.

"Ma'am, napadala ko na po ung mga sulat" nakangiting saad nito.

"Salamat po kuya, ahh, pwede po bang ihatid nyo po ako sa bahay ni Des po? Nakakabored kasi dito sa bahay e" nakangiti kong saad na ikinatango na lang nya at sumakay na ako sa sasakyan dito sa may passanger seat at ganun din si kuyang driver na sumakay sa driver's seat.

Nagsimula lang magdrive si kuyang driver samantalang ako ay tahimik lang na kinuha ang phone ko at tinext si Des na pupunta ako sa bahay nila.

Nang makarating ako sa bahay nila ay nagpasalamat ako kay kuyang driver at sinabihan syang itetext ko na lang sya kung susunduin ako.

Pagkatapos non ay nagdoor bell na ako sa gate at wala pang ilang segundo ay lumabas na si Des na may ngiti sa kanyang mga labi. Niyakap ko muna sya ng mahigpit bago kami pumasok sa loob.

Umupo muna ako sa sofa habang sya ay sandaling pumunta sa kusina para kunin ang juice na kinanaw nya.

"Akia, uminom ka muna." sabi nya pagkababa nya ng juice sa table at kinuha ko naman to at uminom.

"Akia, pasensya ka na ha" napa-angat ako ng tingin sa kanya and she looks bothered. Bakit kaya?

"Saan naman?" napakunot ako ng noo.

"Sa ano.." umupo muna sya sa sofa bago nya tinuloy ang sinasabi nya "Sa hindi natin pagkikita. Pasensya ka na dahil alam mo na, hindi na tayo classmates"

Napangiti na lang ako sa sinabi nya at niyakap ko na lang sya ng mahigpit. "Ano ka ba naman, okay lang sakin yon" Nakangiti kong sabi sa kanya.

-----

Clark Zian Auer's Pov

Kaaalis lang ni Robert kasama ni kuya Nico kaya naiwan akong tahimik na nagbabasa ng libro dito sa sala. Nakakatamad magbasa sa kwarto kaya nagchange location muna ako.

"Clark Zian" agad akong napalingon dun sa nagsalita at nakita ko si Mom na galit na nakatingin sakin maging si Dad ay galit din na nakatingin samin.

"What did I do this time?"

"Robert said that you won't do his advice." natigilan ako sa narinig ko. Sinara ko muna ang librong binabasa ko at hinawakan ko na lang ito. At pagkatapos ay binalik ang tingin sa kanila.

"What advice? On marrying an unknown girl?" umiwas ako ng tingin.

"Yes, young man. I want you to marry the girl, Robert kept on telling us about" So, ang bilis namang naipamalita ni Robert na may nagpapadala sakin ng sulat.

"That Akia girl?" tanong ko sa kanila.

"Yes" madiin at matigas na saad ni Dad dahilan para manlaki ang mga mata ko.

"Are you guys serious? Pakakasalan ang babaeng hindi ko naman kilala? Para saan? Para sa career ko? Pwede kong ibalik sa kasikatan ang career ko kung gugustuhin ko pero marry an unknown girl? Jeez! You gonna be kidding me!" mahabang lintanya ko.

"She's not an unknown girl. We know that Akia-girl you are talking about" sabi ni Mom na medyo mahinahon na. Teka, anong nangyari sa kanila?

Download the app now to receive the reward
Scan the QR code to download Hinovel App.