Chapter 4
NICHOLAS ETHAN
Pagkarating ko sa bar ay agad akong sinalubong ni Jess na ngayon ay may dala dalang dalawang alak . Kinuha ko naman ung isa at pagkatapos ay ininom ko ito. Ikinuwento ko rin sa kanila ung pangyayari kanina tungkol sa konting sagutan namin ng manager ko.
"Bro, ikaw rin kasi ang may kasalanan. Hindi mo na lang kasi inintindihin ung kuya mo. Alam mo namang hanggang ngayon broken hearted parin tapos -" sabi ni Cloude
"Tama si Cloude bro .." at nagfist pa silang dalawa. "Tama" at nagtawanan pa itong dalawa. Umiling iling na lang ako. Nakakahiya itong dalawang 'to halatang lasing na pareho eh.
Oo nga pala, mga artista rin itong mga kaibigan ko, hindi lang halata pero mga artista yan. Sina Cloude, Jess, Darren at Zian.
"Balik tayo sa usapan, bro. Kumusta na nga pala ang kuya mo, nakapagmove on na ba?" tanong naman ni Darren. Anong nangyari dito? Hindi ba sya nakikinig sa usapan kanina ?
"Kahit kailan talaga bingi ka, Darren. Mabuti may trabaho ka pa, sa bingi mong yan" at basta na lang syang hinampas ng bote ni Zian dahilan para bumawi naman si Darren.
Kahit kailan talaga ang mga ito. Umiling iling na lang ako at muling umorder at pagkarating nung inorder ko ay nilagok ko ito. Uminom lang ako ng uminom hanggang sa nilapitan na ako ni Jess dito. Mukhang okay na sya.
Umorder naman sya samantalang ako ay nilingon ko si Cloude na ngayon ay nakadapa na sa sahig at natutulog. Mahina naman akong tumawa at pagkatapos ay nilagok ko na naman itong alak na nasa baso ko.
"2 years na ang lumipas, diba?" napalingon naman ako dito sa kalapit ko. Aba, anong nangyari at biglang sumeryoso ang isang 'to. Tae ! Hindi ako sanay.
"Oo .." cold na tugon ko. At pagkatapos ay muli akong umorder.
Hindi na lang naumimik itong kalapit ko kaya napaisip akong baka nakatulog na pero nagkakamali ako dahil bigla na lang itong tumawa ng malakas. Ung tawa na parang nababaliw at pagkatapos ay humarap sakin habang tumawa kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko at nasuntok ko sya.
Pero naging mali ang move ko at agad naman syang nakabawi dahilan para bumagsak ako sa sahig. Napahawak ako sa labi ko, tae! Dumudugo na. Dahan dahan na lang akong tumayo at nilapitan sya at pagkatapos ay sinuntok ko sya. Ung suntok na panigurado ay makakatulog sya.
Pagkatapos ko syang suntukin ay bumagsak na lang sya sa sahig. At bumalik na lang ako dun sa upuan ko kanina at muling uminom. Nanatili lang ako dun ng maramdaman kong may umupo na naman sa kalapit ko. Hinanda ko na ang kamao ko dahil kung si Jess 'to sisiguraduhin kong bukas na sya gigising pero nagkamali ako.
"Bro, pasensya na." Sabi ni Darren. Minsan talaga kinikilabutan ako sa sinasabi nito.
"DARREN" sigaw naman ni Zian pero hindi na lang pinansin 'yon ni Darren at nung nilapitan sya ni Zian ay basta na lang nya itong sinuntok.
"Ethan, pasensyahan mo na ang kuya mo. Hindi pa yon nakakapagmove on. Maikli ang dalawang taon" nilingon ko naman sya .
"So, kinakampihan mo ba sya?"
"Hindi naman sa ganun pero minsan, kailangan mo syang intindihin." At pagkatapos ay tumayo na sya pero hindi nya pa namo-move forward ang paa nya muli syang nagsalita.
"Tara na. Maaga pa ang guesting mo bukas"
NINA CHIARA
This is it. Ito na talaga ang araw na 'to. Nagsuot na ako ng pinakamaganda kong dress at kinulot ng konti itong buhok ko , mahirap na diba. Maraming makakakita, baka sabihin nila panget ako.
Nagpabango rin ako para sabihin nilang mabango ako. At lahat ng pampaganda, ginawa ko.
"Matagal pa ba 'yan?" napalingon naman ako dito sa taong nakaupo sa may kama ko. Nakasuot na rin sya ng dress, sabi ko sa kanya na wag na syang sumama pero mapilit. Baka ito na raw ang magiging memorable day of my life kaya kailangang kasama sya pero daw mai-video nya.
"Sandali na lang" at pagkatapos kong makitang magandang maganda na talaga ako sa salamin ay ngumiti ako. Kinuha ko ung phone ko na nakapatong sa may table at nagselfie ako. Syempre, magpapahuli ba tong si Allison kaya sinama ko na kahit photobomber. Haha.
At pagkatapos kong magselfie ay iko-close ko na sana ang I.G ko ng may napansin akong isang notification. Inopen ko naman 'yon at binasa ko.
@NinaChiara, bakit hindi ka na po nagpo-post ng pictures niyo ni @EthanEvans ? Miss na miss ko na po kasi. Mas gusto ko po kayo ni Ethan kaysa kay Jana. Naiinis ako sa kanya. Kaya dapat po proud si Ethan na girlfriend ka nya.
Napangiti naman ako sa isang follower ko sa pinost nyang ito. Pero hindi ko pa nako-close ung message ay sunod sunod naman ang pasok ng notification. Puro mga love messages, na mas gusto daw nila ako kasya kay Jana.
Tapos nung inopen ko ang twitter ko. Halos muntikan ko ng mabitawan ang phone ko dahil nagtrending ako. Philippines and Worldwide. Dahil lang sa hastag na #WeShipNichiara.
"Gosh!" napabulalas ako dahilan para lapitan ako ni Allison.
"OH.MY.GOSH!" at nagpaulit ulit sya sa pagsigaw ng oh my gosh dahilan para pasukin na kami ni Ate Charen sa kwarto.
"Anong nangyari?" nag-aalalang tanong ni Ate Charen . Pilit akong nagsasalita pero walang boses na lumalabas dito sa bibig ko.
Kaya nilapitan ko na lang si Ate Charen at pinakita sa kanya ung nakalagay sa phone ko. Maging sya ay nagulat.
"Kelan pa 'to?" di makapaniwala nyang tanong .
"H-hindi ko alam" nanginginig kong tugon. Ngayon lang naman ako nagkaroon ng ganito. Hindi ko inaasahan na mate-trending .
#WeShipNichiara bagay na bagay talaga si @NinaChiara at si @EthanEvans. Sila ang patunay ng forever. I wish a happly ever after to them.
@EthanEvans wag mo ng ikahiya si @NinaChiara. Bagay na bagay kayo sa isa't isa. Siya na lang wag na si Jana . #WeShipNichiara
"Ang swerte mo! Tuwang tuwa ang mga fans mo sayo" sabi ni Allison habang iniistroll nya ung page.
Hindi na lang ako tumugon dun sa sinabi nya at napangiti na lang ako.
NICHOLAS ETHAN
Nagising ako dahil sa sunod sunod na pagkatok sa pinto. Kahit masakit ang ulo ko dahil sa hang over ay pinilit ko paring tumayo para buksan ung pinto.
"Ano ba? Hindi mo ba alam ang salitang natutulog ako?" masungit kong saad pero hindi na pinanasin ung sinabi ko at basta basta na lang syang pumasok sa loob ng condo ko habang hindi nya tinatanggal ung mga mata nya sa iphone nya.
Bakit ba 'to nandito?"
"Bakit ka ba nandito ha?" iritado kong tanong sa kanya pero hindi na naman nya akong pinansin at basta na lang syang umupo dito sa may sofa ko. Naiinis na ako sa kanya.
"Ano ba. Tatahimik ka lang ba dy-"
"Sino 'tong si Nina Chiara Cooper?" natigilan naman ako sa sinabi nya at nilapitan ko sya at tiningnan nung iphone nya.
"Hindi ko yan kilala" naiinis kong tugon. Babalik na sana ako ng higaan ng muli syang nagsalita.
"Sinabi nyang ikaw daw ang boyfriend nya. Tell me, Nicholas are you hiding this secret girlfriend of yours?" seryoso nyang tanong sakin. Masama na rin ang tingin nya sakin.
"Secret girlfriend? .." pumunta ako ng kusina at kumuha ng isang bread at kinagat yun. I hate this, ayoko sa lahat nagseseryoso si Earl. Naiinis ako.
Sinundan naman nya ako dito sa may kusina habang hindi parin nya tinatanggal yang nakakatakot nyang tingin sakin. Aish! Nakakairita !
"Tell me, Nicholas. May relasyon ba kayo ng babaeng 'to?" at pinakita nya pa sakin ung iphone nyang nakalagay sa screen ung picture nung babae na kasama ako dun .
"Hindi . Hindi ko naman sya kilala" at pinagpatuloy ko lang ang pagkain.
"Kung ganun. Stop this. Maaari nyang masira ang career mo. She spread rumors na secret girlfriend mo sya" napabuga naman ako ng juice na iniinom ko ng marinig kong sinabi 'yon ni Earl.
"Secret girlfriend? Let see kung sa gagawin ko matatawag nya pang secret girlfriend ko sya" sabi ko habang nag-iisip ng magandang plano.
Ikinuwento rin sakin ni Earl na sya ung dahilan kung bakit ako magt-tv guesting. Nakangisi naman ako. Nakaisip ako ng magandang plano para itigil na ng babaeng 'yan ang kalokohan nya.
